Chapter 1

1.4K 57 24
                                    

Chapter 1

"Oh? Ngayon ko na lang ulit nakita si Ate Deb dito," puna ko nang mamataan ang matangkad na babae sa isang lamesa malapit sa bar counter sa ground floor ng Mico Moco.

Matangkad ito kaya agad kong napansin sa kabila ng dami ng mga tao sa ibaba. She had her usual getup; her long hair tied up in a bun, a long-sleeved turtleneck shirt, and black fitted pants. Nasa lamesa ang tote bag nitong may print na sunflower. She was looking intently at the cocktail drink she was holding at mukhang kakagaling lang mula sa trabaho. Nagkayayaan yata dahil may mga kasama.

"Where?"

Napalingon ako kay Kuya Mico sa halos awtomatikong reaksiyon niya. Nakatayo na siya at sumisilip na sa ibaba habang hawak ang cellphone.

"Ayun, oh!" sabay turo ko sa puwesto nina Ate Deb.

Sumakto naman na napaangat ito ng tingin sa banda namin kaya napaatras bigla si Kuya at muling naupo. Napailing na lang ako. Pagkatapos ko siyang tapunan ng tingin na ngayon ay muli na namang natuon ang atensiyon sa hawak na cellphone ay nakangiting kinawayan ko ang kaibigan niya.

Tumango naman ito bilang pagbati. Mukhang nag-away na naman yata ang dalawa dahil ilang linggo rin itong hindi nagawi sa bistro.

Muling umingay ang table namin nang pumanhik ang Lyricbeat. Hindi pa man tuluyang nakakalapit ang magkakabanda ay dinig na dinig ko na ang lakas ng tawa ni Kuya Asher. Mukhang buhay na buhay pa rin ang dugo kahit kanina pa sila nakasalang sa entablado.

Pumuwesto sa tabi ko si Troy at siniko ako agad para pausugin.

"What?" pasimpleng asik ko sa kanya.

His poker face remained the same.

Napabuga ako ng hangin at walang nagawa kung hindi umusog. Hindi man lang nag-"thank you" ang barumbado nang tuluyan siyang maupo sa tabi ko. Umusog pa nga ulit para bigyan din ng space si Ardo sa tabi niya. Si Maddison naman, sa tabi agad ni Princess pumuwesto. Samantalang si Zeldon ay sa tabi naman ni Kuya Mico.

And what would I expect from Kuya Asher? Umikot pa talaga para lang makaupo sa tabi ni Rhyne. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako nagulat. Hindi na talaga mahiwalay sa kaibigan ko. Hindi na yata mabubuhay iyan kapag hindi nakadikit kay Rhyne, eh.

"Kuya, puwede mo nang ipaakyat ang iba," masayang sabi nito kay Kuya Mico.

"Oo, paakyat na raw."

Bumalik ang tingin ko rito nang marinig ang sagot nito. Wala na sa cellphone ang atensiyon nito. Nasa ground floor naman ngayon at mukhang alam ko na kung kanino.

"Who?" Sinundan ko ang tingin nito. Aakyat ba rito sina Ate Deb?

Nabalik lamang sa mesa ang atensiyon ko nang dumating ang tinutukoy ng mga ito. Additional foods! Wow! At bakit ngayon lang?! Kanina pa kami rito nina Princess at Rhyne, ah!

Dalawang box ng pizza, egg tarts at steak frites ang dumating. Kung dollar sign ang lumalabas sa mga mata ng iba sa tuwing nakakakita ng pera, sa akin naman ay food sign. Kung puwede nga lang din ay baka naglaway na ako rito kahit 'di ko pa natitikman ang mga putahe. Amoy pa lang, katakam-takam na. Dumating din ang iba't ibang karagdagang inumin kaya mas lalo akong nabuhayan ng dugo.

"No way, Kuya! Bakit ngayon lang iyan inilabas?" reklamo ko habang hindi na makapaghintay na mailapag ang lahat ng pagkain sa mesa.

"Uubusin mo raw, sabi ni Asher."

Ni hindi ko na pinansin ang pang-aasar nila sa sobrang saya. Napanguso na lamang ako. Humming in delight, I extended my right hand to get a glass of wine, but Troy suddenly held my wrist to stop me.

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon