Chapter 36

979 46 19
                                    

Chapter 36

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong ibang gamit na dala at ang tanging suot ko ay ang jogging shorts at long-sleeved shirt na natuyuan na ng pawis. Sa sobrang sama ng loob ko ay nawalan na ako ng pakialam kanina at ang tanging inisip na lamang ay ang makalayo mula sa sariling pamilya.

Hanggang ngayon ay naninikip pa rin ang dibdib ko pero hindi ko alam kung saan ako hihingi ng tulong. Wala akong matakbuhan. Our family was big, and all my life, I had always run towards them whenever I needed help. Pero ngayon, sila naman ang tinatakasan ko. I had never felt so alone until now.

I knew that I still had Rhyne and Princess, but I didn't want to bother them with my problems. Princess had been so busy these days, and Rhyne was pregnant. Ayoko nang dumagdag pa sa mga iisipin nila.

Kung nandito ba si Gelo, hahayaan niya kaya akong mapag-isa nang ganito? Napaiyak na naman ako nang matantong hindi ko na malalaman pa ang sagot doon. Because he wasn't anywhere in this world anymore. Kahit ano'ng hiling ko, hindi ko na siya makikita pa. Hindi ko na siya makakaharap at hindi na rin makakausap. Hindi na mayayakap. Hindi na ako makakahingi ng tawad.

Inikot ko ang buong Metro Manila sa pag-asang makakalimutan ko kahit pansamantala ang lahat ng nangyari ngayong araw. Pakalahati pa lang ang araw pero latang-lata na ang pakiramdam ko. Napapaluha pa rin ako sa tuwing naiipit sa traffic.

Nagmaneho lang ako nang walang naiisip na patutunguhan. I let my feet and car decide where to go. Napipilitan lang akong huminto saglit kapag nagpapa-gas o tuwing kailangan kong magbanyo. Sa huling stopover ko ay bumili na rin ako ng damit at nagpalit.

Pagabi na nang maisipan kong kailangan ko palang maghanap ng matutuluyan ngayon. Ayoko munang umuwi. Ayoko muna silang makita lahat.

I got my phone from the shotgun seat and saw multiple missed calls from my brothers and Troy. None from Mama, but there was one from Papa. Mayroon ding galing kay Rhyne kaya napakunot-noo ako. I hoped Kuya Asher didn't blabber about what happened earlier to her. Buntis ang kaibigan ko at hindi ito dapat pinag-aalala. Hindi ko na talaga mapapatawad pa si Kuya sa oras na may mangyari ulit sa kaibigan at pamangkin ko.

Nasa bandang Makati na ako nang makaramdam ng gutom. Mula sa puwesto ko sa gitna ng traffic ay natatanaw ko na ang building ng APH. Nang muling umusad ang mga kotse ay natagpuan ko na lamang ang sarili kong tinatahak na ang daan papunta sa building ng condo unit ni Troy.

I wanted to avoid my brothers, and going there was a bit risky because Troy was in the same tower as Kuya Asher. Pero sa pag-iisip ko kanina sa halos buong araw na pagbibiyahe, sa lahat ng aking nalaman, may isa pa akong tanong na hindi nagawang sagutin ng pamilya ko. And I believed that he was the only one who could provide me with the answer.

I was nervous as heck while on my way up inside the elevator. I was mentally preparing my questions, pero paano kung wala pala siya rito ngayon? What if he was still at home and waiting for me?

Because of that, I couldn't type in his passcode. Madali lang naman. Eighth of June. Zero six zero eight... at ang taon ng pagdating niya sa Pilipinas. But I still couldn't do it, and instead, I ended up pushing the button on his doorbell.

Nagulat ako nang bumukas agad iyon at tumambad sa akin ang namumulang mukha ni Troy. The disbelief was also on his face, but I did not give him the chance to think. Inunahan na ako ng sariling hinanakit at dumiretso ako agad sa pakay ko.

"How did my brother die, Troy?" mariing tanong ko pagkapasok ko sa kanyang unit. My voice was raspy and dry. Tila multo na lamang ng natitirang boses sa lalamunan ko.

I could see the unimaginable pain on his face, but I ignored it. Muling namuo ang galit ko sa kanilang lahat. Ano'ng karapatan niyang masaktan nang ganito kung ako itong pinagkaitan nila ng alaala at katotohanan?!

Gone With The Ring (SUAREZ SERIES II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon