Chapter 21

27 4 1
                                    

Sucks



Halos wala nang tao sa buong office nang umupo ako sa upuuan ko. The 8am shifts already went home and some of the 9am shifts are inside the conference room. Thana has left also at nag-iwan lang ng message na kailangan niya nang mauna.

Wala namang time limit ang assessment ko kaya hanggang ngayon, nakabukas parin ang tab at nagpapatuloy lang ang timer. Kaso lang, wala rin yatang save progress at kapag ni-back ko, baka mawala yung mga nauna kong sinagot.

I bit my lower lip and decided to just continue answering the assessment. I'm already halfway anyway at hindi feasible kung uulitin ko pa. Maiintindihan naman siguro ni Bailey kapag inexplain ko kung bakit 3 hours ako nag-take ng assessment.

Napakamot ako sa ulo habang inaalala ang sagot. Wow, first overtime, Aly.

"Aly?" Tawag ni Carl nang natapos ang meeting ng mga nasa conference room kanina. "OT agad?"

Hilaw akong ngumiti. "Nagkaroon kasi ng impromptu meeting kanina kasama yung client kaya hindi ko pa natatapos yung assessment ko."

"Wala nga pala yang save. Ayaw mo bang ulitin nalang bukas? Pwede naman yun."

"Hindi na, patapos na rin naman ako."

I kind of regretted it when they all left at ako nalang ang nasa work area. Muli ako ginapangan ng panic at kaba dahil sa katahimikan ng buong office. The lights in the other parts are already closed and only the IT department is around pero nasa loob sila ng office nila.

The emptiness is giving me chills. I felt the pressure to finish what I was doing quickly.

Tumaas pa ang level of difficulty ng assessment ko habang nalalapit ako sa mga huling questions. Nagkaroon na ng diagrams na kailangan kong i-analyze at may mini case study pa kaya kahit iyong mga 9am shift ay nakauwi na, naroon parin ako.

I was reading the same line over and over again but I couldn't understand it. Kung kalian namang nag-mamadali ako tsaka walang choices.

I heard the door beeped, signifying that someone with access is coming inside the office.

Napatayo ako para makita kung sino ang papasok. At this point, I feel like I just need a human connection so that the chills will go away.

"Ah, holy sh-" Napatili ako nang may lalaking pumasok.

"Newbie?" Nalilito niyang sabi at napahinto.

Pati ang mga nasa loob ng ITD ay napalabas dahil sa sigaw ko.

Napapikit ako ng mariin. Crap! Why did I feel so tense that I screamed even though I was expecting someone to walk in that door?

Hilaw akong ngumiti sa mga taga ITD. Napansin din nila ang pagpasok ni Caden kaya nag-usap pa sila samantalang ako, lumubog ako sa upuan ko.

Kung pwede lang, sana lamunin nalang ako ng upuan. Nakakahiya!

"Newbie? Bakit nag-O-OT ka na?"

Hawak – hawak ko pa ang dibdib ko nang lumapit si Caden sakin. Tumuwid ako sa pag-upo at nahihiyang ngumiti nalang.

He looked at his watch and then at my monitor. "Ganun ba kahirap ang training assessment namin na sinagutan mo ng more than 3 hours?" He asked while squinting his eyes.

Napakamot ako sa ulo. "Hindi, kasi... ako lang ang present na BA kanina at may biglang client kaya tumulong pa ako tapos nakalimutan ko itong assessment ko." I explained.

He chuckled at kinuha niya ang swivel chair sa tabi ko para umupo doon. He still has his laptop bag with the strap hanging on his shoulder at ang plastic na dala naman ay nilapag niya sa table.

Light Up The SparkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon