Epilogue

11.6K 294 33
                                    

AS soon as her alarm went off, Clara's eyes opened. Maaga siyang gumigising sa tuwing may pasok sa school ang anak na si Amihan. Simula nang mailipat nila ito sa Manila para mag-aral, Amihan has been more energetic to go to school compared to their stay in Hong Kong.

Maaga ang pasok nito at may trabaho pa ang asawa niya kaya kailangan na talaga niyang mag-asikaso.

Pagbangon ni Clara ay dumeretso na siya sa banyo para maligo na at mag-ayos ng sarili. She is on a day off today so she doesn't have to dress up. Nagsuot lamang siya ng simpleng blue blouse at black culottes pants. When she and Wild got married a few months ago, she became a part of Castle again, but this time, not as the brand manager. She is now the senior marketing director of the company and has heavier responsibilities to take care of. Pero bilang siya si Clara Therese Montenegro-Castillo, nothing can ever bring her down, so she is able to do well in her new position at Castle.

Nang matapos magbihis ay tutungo na sana siya palabas ng kwarto kaso bigla itong nakaramdam ng hilo. She had to sit down for awhile at the couch near their bedroom door to compose herself.

Must have been caused by suddenly getting up, Clara thought. Nang maramdaman na ayos na ang kanyang lagay ay lumabas na siya nang tuluyan at tumungo sa kwarto ni Amihan para gisingin ito.

Amihan is very easy to wake in the morning. Morning person na nga yata talaga itong anak nila ni Wild. With a few strokes in Amihan's hair using Clara's hand, nagising na ito.

"Good morning, mahal ko," bati niya sa anak. "Did you sleep well?"

Amihan grinned and nodded. "Good morning din po, Nanay. Did you sleep well din po?"

"Yes naman, mahal ko. Come on, let's get you ready for school."

Bumangon na ang anak at pumunta sa bathroom ng kwarto nito habang nasa likod lamang si Clara. Pinaliguan na niya ang anak at tuwang tuwa pa nga ito, ang taas taas agad ng energy kahit halos kakagising pa lang. Kumakanta kanta pa silang mag-ina sa banyo.

After bathing Amihan, dinamitan na ito ni Clara. Laging nakahanda ang suot nito para sa school para mabilis lamang ito makakakilos. Si Gabby na ang gumagawa non every night para sa sunod na araw ay maayos na.

"Are you excited to go to school, mahal ko?" tanong ni Clara habang pinupulbuhan ang likod ng anak.

"Yes, Nanay! Always excited po. I have friends in school," pagbibida nito. Nakasando at shorts pa lamang ito dahil mag-aalmusal pa sila. Medyo makalat pang kumain si Amihan kaya pagtapos lang kumain ito nagsusuot ng uniform.

"Really? That's good to hear! Who are your friends?" tanong ni Clara habang inaakay ang anak palabas ng kwarto nito patungo sa dining area ng penthouse. Even a few months after they tied the knot, dito pa rin sila namamalagi sa penthouse ni Wild dahil hindi pa tapos ang bahay na pinapatayo nilang mag-asawa.

Sa dining area ay nadatnan nilang naghahain na si Gabby sa mesa. The plates were set already, and Clara's cup of coffee with creamer and sugar has been prepared too on her side of the table. Inalalayan niya muna ang anak na maupo bago siya sumunod dito.

"I have three girl friends, si Almira, si Anne, and si Princess po! I also have a boy friend!" Amihan exclaimed.

Sasagot na sana si Clara nang biglang marinig ang pagsingit ni Wild sa usapan nilang mag-ina.

"My dear young lady, what do you mean you have a boyfriend?" wika nito. Nakaligo na ito at nakapag ayos na rin ng sarili. Wild walked towards Amihan to kiss her forehead, then went to Clara and gave her a kiss on the lips. Naupo ang asawa niya sa kabisera at bumaling sa anak na inosenteng nakangiti sa ama.

Boss Lady #1: Playing Wild [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon