ANG lahat ng plano ni Clara na gamitin ang ganda niya, napurnada. Gustuhin man niyang samantalahin ito, hindi na niya tinuloy dahil baka pagsisihan lang din niya sa huli. Instead, Clara decided to ignore the hell out of Wild. Kahit mahirap ito, 'yun ang ginagawa niya. She will only talk to the man if necessary, and if not, she'll trest him as if he's not there. Ramdam na nga niyang naiinis na sa kanya ang binata pero hinayaan lang niya ito. Aba, matapos siyang pag-tripan, tingin ba talaga nito ay makukuha agad si Clara sa isang ngiti? Kung iba ang sitwasyon, pwede. Pero ngayon? Clara is fuming mad like a dragon about to burst flames out of its mouth.
Limang buwan na rin siyang nasa Castle at hindi sapat ang salitang masaya para i-describe kung ano ang feeling niya sa trabaho. Clara is in cloud nine. Ang ganda ng outcomes ng lahat ng proposals ng team niya, lahat din ng mga approved proposals ay nakatulong nang sobra sa brands ng Castle. Ang laki pa ng sweldo! Nakalipat na si Clara ng tirahan mula sa mumurahing apartment to rental condo unit malapit sa Castle. Nakakapag-shopping din ang dalaga, pero nakakapag-ipon din at the same time. Aside kasi sa sweldo, nakakatanggap pa siya ng incentive kaya kahit galit na galit siya kay Wild, matindi rin ang pasasalamat niya sa binata dahil generous ito sa sweldo.
"Sige, Clara, mauna na ako ah. Bumabagyo na eh, hirap umuwi nito," wika ni Calvin. She smiled and waved goodbye then returned to working again. Pinauwi nang maaga ang mga empleyado dahil nga malakas ang bagyo at hangin pero heto pa rin siya, hindi tumitigil sa pagtatrabaho.
"Hindi rin naman ako makakasakay agad, eh 'di work work muna ako," sabi ni Clara sa sarili. Iilan na lang ang empleyadong natira sa Castle, mga tulad niyang warrior sa pag-commute. Sa tindi ba naman ng traffic, dumagdaga ang ulan at rush hour, baka abutin na siya ng bukas eh hindi pa siya nakakauwi.
Clara stood up and looked for the folder given by her secretary. 'Yun ang magiging sunod na proyekto nila. Mag-launch ng bagong alcohol drink ang Castle at sila ang gagawa ng branding materials nito kaya todo trabaho talaga siya. She cannot fail, and she doesn't want her team to fail. Habang may panahon siyang tutukan ito, eh 'di gagawin na niya.
"Nasaan na ba 'yun?" bulong niya. Ang alam niya, nilagay niya 'yun sa pile ng folders sa desk niya pero wala roon. Medyo kinakabahan na ang dalaga dahil importante ang laman ng folder. Naisip ni Clara na tanungin si Honey sa labas, tutal ang alam niya eh andito pa ang dalaga dahil hindi pa ito nakakapagpaalam sa kanya.
"Honey, did you see the—"
"Looking for this?" biglang sabi ng isang baritonong boses sa gilid niya. Liningon ito ni Clara at laking gulat nang makita si Wild doon, hawak hawak ang folder na hinahanap niya. She stood up and took the folder from his hand.
"Why are you still here?" sabay nilang tanong sa isa't isa.
"I'm still working," sagot ni Clara. "Have you seen Honey?"
Tumikhim ang binata. "Yeah, I asked her to go home. To answer your question, I'm still working too."
Clara nodded then said her thanks and goodbye and went back to her office. Sinundan siya ni Wild doon sa hindi niya malamang dahilan.
"Bakit hindi ka pa umuuwi? It's raining cats and dogs outside. Dapat umuwi ka na," sabi ni Wild.
"I have to work on the new project. My team and I can't fail this one. Isa pa, mahihirapan akong umuwi kasi coding ako kaya 'di ko dala ang kotse. It would be difficult to commute at this time."
"But have you eaten? It's already dinner time," said Wild, who suddenly sat down on the couch infront of her desk. Nagpatuloy lang si Clara sa pagtipa ng bawat letra sa keyboard, ignoring the fact that her annoying boss is sitting infront of her.
"Nope. I'll eat when I get home. At saka, I have a smorgasbord of snacks here with me, so I can live."
Nanahimik na ang binata kaya tumigil saglit si Clara para tignan ito. Wild was intently looking at her with his brown eyes. Nakipagtitigan naman din ang dalaga dahil ayaw niyang ipahalata na nao-awkward siya sa nangyayari.
BINABASA MO ANG
Boss Lady #1: Playing Wild [COMPLETE]
RomanceBOSS LADY series tells about different stories of strong, independent women from varying walks of life as they conquer a men's world and be the own boss of their life and of their heart. BOSS LADY series presents: Boss Lady #1: PLAYING WILD WARNING:...