VII. Para-Paraan

8.8K 224 6
                                    

"MADAM! Narinig mo ba 'yung usap-usapan?!" Tanong ni Honey kay Clara. Kararating lang niya sa opisina pero mukhang chika agad ang isasalubong sa kanya ng sekretarya.

"Huh? I just got here. Ano bang meron?"

"Magkakaroon daw ng random rounds si Mr. Castillo! Mag-iikot ikot daw siya sa iba't ibang departments para mag-observe."

Nagtataka si Clara sa narinig. Bakit ito mag-oobserve? Ano ba si Wild? PAASCU?!

Hindi pa naman niya ito nakakausap simula noong gabi na naghalikan sila sa parking lot ng Castle, and that incident happened two days ago. Simula noon, iniiwasan na niyang makita ang binata.

Gusto niyang masilayan ito, pero kailangan niya ring dumistansya para sa lagay ng puso niya. Baka lumalim ang nararamdaman niya para kay Wild kung lagi niya itong makakasama.

"Ano bang io-observe niya?" Tanong niya sa sekretarya habang inaayos ang gamit niya sa desk.

Nagkibit balikat ito. "Aba'y ewan ko roon, Madam. Basta ready lang tayo at baka masilaban tayo ng buhay ni boss kapag 'di tayo nagtrabaho nang maayos ngayon."

Clara chuckled at what Honey said. "We're always working and he knows that. Lalo na ngayon, two days from now ay launching na ng bagong liquor ng Castle."

At iyon ang inaatupag niya simula kahapon hanggang sa susunod na dalawang araw. Kasama siya sa mga nag-aasikaso ng launching ng Poison, ang bagong liquor ng Castle.

Lumabas na si Honey at nagpatuloy na si Clara sa pagtatrabaho. Pipirmahan lang niya ang mga reports at documents, saka iikot din sa team niya para tignan kung ayos lang ba ang trabaho ng mga ito para sa Poison launch.

Inuna niyang puntahan si Calvin dahil ito ang co-head niya.

"Hey, good morning. How's the progress sa suppliers natin?" Tanong niya. Si Calvin kasi ang external head, at in-charge ito sa pag-asikaso ng supplies galing sa pinagrentahan ng lights and sounds, venue, chairs, and tables.

"All good, Clara. I'll just follow up on the launch day to remind."

Tumango ang dalaga. "That's good. Sige, tignan ko muna 'yung iba kung kumusta na sila."

Namaalam na siya rito at tinungo naman ang mga team members niya na in-charge sa food and drinks.

"Did you take note the food allergies and restrictions of the guests?"

Tumango si Gian at Tina.

"Sinama na rin po namin 'yung mga guests na may diet na sinusundan para sure po na walang complaints," dagdag ni Tina.

"Alright. Make sure that we have enough food and drinks, especially Poison. Kailangang matikman ng guests ang bagong alak."

Huli niyang pinuntahan si Darlyn, ang in-charge sa program. Ito ang bahala sa pagkuha ng host, guests, at sa program flow.

"Sino ang host na nakuha natin?"

"Ma'am, si Trey Rodriguez po. 'Yung former basketball player, na sports analyst na ngayon. Model and host din po 'yun," sagot ni Darlyn.

Napatango si Clara. "Alam na ba niya ang program flow and schedule?"

"Yes, Ma'am. I'll remind him about the event the day before the launch."

"Kinuhaan mo ba siya ng co-host?" Hindi pamilyar si Clara sa kung sino si Trey Rodriguez, kaya hindi niya sigurado kung maayos ba itong mag-handle ng crowd.

"Hindi na po, Ma'am. Sabi rin po niya eh kaya niyang mag-isa."

"Alright, if he says so. Who are our guests?"

Boss Lady #1: Playing Wild [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon