"CLARA? Clara?"
Nakailang tawag pa si Calvin kay Clara bago ito tuluyang lumingon sa gawi ng binata.
"So, what do you think?" tanong ni Calvin.
"Huh?"
Napailing ang binata habang nakangiti. "Tulala ka kasi, naka-ilang tawag na ako sa'yo. Tinatanong kita kung ano bang magandang kulay ng necktie ang dapat kong suotin mamaya sa party. Ayos ka lang ba?"
Tumango si Clara. She knows she's lying to Calvin. Heck, she's even lying to herself. She's nowhere near okay.
Two days ago, she heard Wild saying those three words with eight letters to Selene, his bestfriend. Simula noon, hindi na siya mapanatag. Even her sleep is affected because of this. Ang gulo gulo na ng isip ni Clara.
"Clara, I've known you for a year and you're not like this. Sigurado ka bang ayos ka lang?" wika ni Calvin. Iniwas ni Clara ang kanyang tingin at bumuntong hininga.
"I'll get by, don't worry. Just some personal issues I have to sort out." Muli niya itong tinignan at ngumiti. Over the year they've worked together, naging matalik na magkaibigan sila ni Calvin. He taught her things she didn't know about Castle, and she acted as his mentor.
Sobrang platonic lang ng relasyon nilang dalawa. Some of their department employees even tried teasing them dahil hindi naman alam ng mga ito na nobyo ni Clara ang boss nila, pero matindi ang pandidiri ng dalawa sa isa't isa kaya todo tanggi ang mga ito. They are just good friends, that's it.
Tumango na lamang si Calvin. "Alright. I'll see you at the anniversary party tonight?"
Ngayong gabi ang 50th anniversary party ng Castle, pero pumasok pa rin ang mga empleyado for a half day. Mamaya ay mag-aasikaso pa ang lahat para sa party dahil hindi lang ito simple, isang enggrande at pormal na okasyon ang mangyayari mamaya.
"Sure! Isasayaw pa kita mamaya!" biro niya rito. Nagtawanan pa sila bago nagpaalam ang binata. It was almost the end of their half day work, so Clara decided to arrange her things.
Amidst the cloud of questions looming over her head, Clara is actually excited for the party later. Wild even bought her an elegant dress for the occassion. It's a golden party for a golden anniversary.
Clara's phone beeped and saw a text message from Wild. Nagsabi ito na maghihintay siya para kay Clara sa parking lot. Hindi pa rin magawang makipag-usap ni Clara kay Wild tungkol sa narinig. Sa tuwing naalala niya kasi ang nangyari, isang malaking alon ng emosyon ang nararamdaman niya. Hindi niya rin alam bakit ang emosyonal niya pagdating doon.
She took her things and went out of her office. Hindi na siya nagpaalam pa sa mga empleyado dahil makikita niya naman ang mga ito mamaya. Kailangan na nilang umuwi ni Wild dahil mag-aasikaso pa sila.
When she saw Wild leaning against the side of his car, Clara cannot help but admire how handsome he is. It should be a mortal sin if someone is that handsome, wika niya sa isip.
Pinagbuksan siya nito ng pinto at sumakay na. Nangumusta pa ito sa kung ano ang nangyari sa kanyang half day work, na sinagot naman ni Clara nang tipid. She can't help but be timid towards Wild.
Gusto niya talagang kausapin ito, pero natatakot siya sa ano man ang isasagot nito. Ayaw niyang balikan ang mga alaala nilang dalawa at maisip na hindi pala totoo ang mga 'yon. She may be a tough, independent woman in the office, pero pagdating talaga sa pag-ibig, talong talo siya. Clara has a weak heart when it comes to the people she loves, and Wild is one of those people.
"You're quiet today. Are you okay?" tanong ni Wild sa kanya. Gaya ng ginawa niya kanina, tumango lang siya muli.
Hindi na nagsalita pa si Wild. Tumuloy lang ito sa pag-drive hanggang sa makauwi sila. Nabanggit na rin nito sa kanya na may darating na hair and makeup stylist para ayusan siya. Ngayon lang 'yon sinabi sa kanya ng binata, kaya hindi na siya nakatanggi. Kaya naman ni Clara na ayusan ang sarili.
BINABASA MO ANG
Boss Lady #1: Playing Wild [COMPLETE]
RomanceBOSS LADY series tells about different stories of strong, independent women from varying walks of life as they conquer a men's world and be the own boss of their life and of their heart. BOSS LADY series presents: Boss Lady #1: PLAYING WILD WARNING:...