NAGISING si Clara dahil sa matirik na sinag ng araw. Nakahawi ang kurtina sa floor-to-ceiling window ng kwarto sa penthouse ni Wild. It has been a month since they decided to live together. So far, everything is going great with them. Walang mintis kung magpakilig si Wild sa kanya, at ganoon din siya sa binata. Paminsan minsan nga lang ay inaalala niya ang narinig niyang usapan ni Wild at barkada nito, pero hindi na lang niya ito pinagtutuunan ng pansin.
Pagbangon niya ay agad niyang nakita ang trail ng rose petals na nakakalat sa sahig ng kwarto. Napangiti si Clara pero nagtataka kung ano ang meron sa araw na 'yon. Bumangon na siya at nag-ayos ng sarili, bago tuluyang sinundan ang tinatahak ng mga talulot sa sahig.
Dinala si Clara ng trail sa sala, kung saan naroon si Wild, nakatayo at may hawak na bouquet of red roses, her favorite. Pero hindi lang 'yon ang nakapukaw sa atensyon niya. Aside from the bouquet Wild is holding, there are several baskets of red roses gathered around the living room. Meron pa ngang mga pulang lobo na nakakalat sa sahig at nakalutang.
Wild was smiling at her. Nagtataka man ay lumapit si Clara sa binata para hagkan ang mga labi nito at yakapin.
"Good morning, Wild. What's the occassion?"
Tinitigan niya ang binata habang nakangiti. Humugot ang binata ng malalim na hininga bago sumagot.
"Happy 1st anniversary, baby," wika nito sabay abot ng bouquet sa kanya.
Halata ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha. Today is their anniversary? She glanced at the digital clock with a calendar. May 25. Anniversary pala nila ang petsa na 'yon?! Hindi na 'yon namalayan ni Clara na umabot na pala sila ng isang taon.
"I'm sorry, I didn't know! Hindi ako nagbibilang," she apologized to Wild. Natawa lang ito sa kanya at hinalikan siya sa noo.
"I know you're not counting ever since we started dating, kaya ako na ang nagbilang para sa'yo, Clara."
Inikot ni Clara ang paningin sa mga rosas at lobo na nakapaligid sa kanila ni Wild. Naiiyak siya sa kilig at tuwa dahil nagawa ni Wild ang ganito. She never expected Wild to be that kind of guy who gives surprises. Nang mag-birthday nga siya a few months ago, simpleng dinner date lang ang ginawa nila at nagbigay ito ng regalo na Louis Vuitton bag.
Tumalikod saglit ang binata dahil may kinuha ito sa sofa. Pagharap nito ay meron itong hawak na red rectangular velvet box. Hindi ito singsing syempre, pero hindi naman 'yun ang inaasahan ni Clara.
"This is my anniversary gift to you, Clara." Binuksan nito ang velvet box at lumantad sa harap ng dalaga ang isang gold necklace na may heart pendant. Ang heart ay gawa rin sa gold at puno ng maliit na diamonds.
"Salamat, Wild. But you didn't have to buy this... mukhang ang mahal ito."
"Of course, it is. You only deserve the best and most expensive things, Clara." Kinuha nito ang kwintas mula sa box at sinuot ito sa kanya agad. Hindi napigilan ni Clara na hawakan ang pendant ng kwintas.
"Pero wala akong regalo sa'yo. 'Di bale, babawi na lang ako sa susunod, ha?" sabi ni Clara. Wild just nodded.
Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at pinakatitigan ang mga mata ni Clara. Clara can see Wild's eyes that are full of emotions... emotions she cannot explain.
"I never expected to meet someone as good and as beautiful as you. And holding you right now makes me realize that this is real... you are real, baby. I've never said these words to another woman before, pero iba ka sa kanila, Clara. Iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko."
Hindi napigilan ni Clara na maluha sa sinabi ng binata. Nakakaramdam din siya ng kaba sa mga susunod na salitang bibitawan ni Wild.
"Mahal kita, Clara."
BINABASA MO ANG
Boss Lady #1: Playing Wild [COMPLETE]
RomanceBOSS LADY series tells about different stories of strong, independent women from varying walks of life as they conquer a men's world and be the own boss of their life and of their heart. BOSS LADY series presents: Boss Lady #1: PLAYING WILD WARNING:...