"NANAY ko! Welcome home!"
Kumaway si Clara kay Amihan at ipinatong ang bag sa side table ng sofa saka sinalubong ang tumatakbong anak patungo sa kanya.
"Good evening, mahal ko!" bati niya rito sabay yakap at halik sa anak. "We have an important visitor. Let's make him feel at home too, okay?"
Amihan excitedly nodded. Binuhat ni Clara ang anak sa kabila ng kabigatan nito. Amihan is a chubby little girl, at habang tumatanda ito ay bumibigat na rin dahil sa lakas kumain.
Clara faced Wild who has an astounded expression on his face. Nagpapalit palit ang tingin nito sa kanya at kay Amihan.
Pinigilan ni Clara ang sarili na maiyak. Ayaw niyang umiyak habang narito si Amihan. Her daughter is clueless about what is happening and crying infront of her will not help.
"Amihan, say hello to Tatay," Clara's words came out of her mouth like a whisper. "Wild, meet Amihan, our precious daughter."
Lalong nakita sa mukha ni Wild ang gulat at pagtataka sa rebelasyon na sinabi ni Clara. Napahawak ito sa beywang at tumingala para huminga, tila ba'y kinakapos ng hangin matapos marinig ang sinabi ng dalaga.
"Tatay? Siya po? Tatay ko po?" paulit-ulit na tanong ni Amihan sa kanyang ina. Tumango si Clara bilang tugon.
Nagbago ang emosyon sa mukha ng anak. Mula sa pagtataka ay napalitan ito ng tuwa sabay humarap ito sa binata.
"Hello po, Tatay ko! Welcome home po!" bati ni Amihan kay Wild habang kumakaway. "Pwedeng pakarga po?"
Doon lamang nahimasmasan ang binata at agad lumapit kay Clara. "O-Of course. Come here."
Binuhat ni Wild si Amihan mula sa mga bisig ni Clara at kinarga ang anak. Kita ni Clara ang kasabikan sa kilos ni Wild. He hugged Amihan so tight and kissed their daughter on the forehead.
Doon lamang nakahanap ng tiyempo si Clara na punasan ang mga nangingilid na luha sa kanyang mga mata.
"Where ka po galing, Tatay? Ang tagal mo po umuwi."
Nginitian ni Wild ang anak bago sumagot. "Sorry, busy sa work ang Tatay. But now I'm home, okay? Hindi na ako aalis."
Pumalakpak sa tuwa si Amihan at ipinulupot ang mga braso sa leeg ng binata. "Okay po, Tatay! 'Wag mo na po kami iiwan ni Nanay ah?"
Doon lamang siya muling tinignan ni Wild. As soon as his stare went to her, his gaze sharpened.
"We'll talk later about this, Clara." Wild walked past her and went to the kitchen of her home. Clara pulled in a shaky breath then let out a long exhale.
Walang atrasan 'to, sabi niya sa sarili.
She can feel Wild's presence all over the place. Sinundan niya ito sa kusina at nakitang inupo nito si Amihan sa kitchen island counter. Her daughter was holding Wild's cheeks.
"Tatay ah, sabi po ng Nanay nasa malayo ka nagwo-work." Sinulyapan siya ng binata bago ibinalik ang tingin kay Amihan.
"Yes, mahal ko. Tatay is working in a far away land. Pero I promise I will go home to you more often, ha?" wika ni Wild.
Nag-decide si Clara na hayaan na lang ang mag-ama at mag-asikaso na ng hapunan. She decided to cook their supposed dish for tomorrow, Bicol Express. Alam niyang paborito ito ni Wild kaya ito na ang ihahanda niya.
The quickest way to a man's heart is through his stomach, kumbinsi niya sa sarili. Sasarapan ko 'to para hindi niya ako masyadong awayin.
"Mahal ko, I'll cook Bicol Express ha? Okay lang ba kay Amihan ko?" wika niya habang hinuhugasan ang mga sangkap ng lulutuin.
"Opo, Nay. No problem po!"
BINABASA MO ANG
Boss Lady #1: Playing Wild [COMPLETE]
RomanceBOSS LADY series tells about different stories of strong, independent women from varying walks of life as they conquer a men's world and be the own boss of their life and of their heart. BOSS LADY series presents: Boss Lady #1: PLAYING WILD WARNING:...