Kabanata 5

2.6K 19 1
                                    


LAYNIE

HINDI ko alam, pero hindi ko magawang matuwa, na sa edad niyang 29 ay isa nang ganap na biyudo si Grey. Kung tutuusin dapat matuwa ako dahil malaya na akong gawin ang pagpantasyahan siya ng paulit ulit sa isipan ko nang hindi nakakaramdam ng konsensiya para sa asawa niya. Pero ngayon tila ba kinain ako bigla ng labis na guilt at nasasaktan ako para kay Grey sa hindi ko maintindihang dahilan.

Kaya pala ganun siya kailap kanina nung itanong ko kung nasaan yong asawa niya dahil isa nga iyong sensitibong topic.

Bigla din nagclick sa isipan ko na iyon pala ang family matters na pinagsasabi nila at naalala ko di na yung binili niyang bouquet sa flower shop ay para pala yun sa asawa niyang nasa hospital nung araw na yun at manganganak. Dahil sa labis na inis ko sa sarili. I mentally slapped myself ng makailang ulit. Pero hindi ko ikinakaila na may kapiranggot na bahagi sa puso at isip ko. Ang isang selfish na bahagi, kung saan hindi nag iisip ng tama at matino ay sobrang natutuwa sa katotohanang isa nang available man si Grey.

Nalunod ako sa malalim na pag iisip kaya hindi ko namalayan na kinakausap pala ako ni Gerardo.

"Laynie, can you hear me darling?"

Napahawak ako sa dibdib. "Oh, shocks, may sinasabi ka ba?"

"I'm asking kung gusto mo bang pumunta dito bukas? Ipapahatid kita kay Antonio." Sa unang pagkakataon nakitaan ko ng iritasyon si Gerardo para sa akin. Kaya naman medyo natakot ako.

"May amats kasi ako, medyo madami akong nainom kanina na champagne kaya baka magka hang over ako bukas."

Napangiti siya, ngiting aso. "I'm glad at nagsaya ka sa dinner party, Laynie. Payag ka bang ipahatid kita kay Antonio dito bukas?"

"Ah, ano kasi may pasok ako at may thesis ako na kailangan kong asikasuhin, alam mo yun? Nag aaral ako di ba?" Buti na lang tipsy ako kaya kung magiging magaspang man ang pakikitungo ko sa kanya, hindi niya naman siguro yun mamasamain. "Kaya may mga responsibilities ako sa school na dapat ko pagtuunan at bigyan ng pansin." Sabay tawa, bahagya pa akong napasuray at muntikan akong masuka sa damuhan dahil sa kalikutan ko.

"Okay, if you say so. Kapag may kailangan kang itanong o malaman tungkol sa engagement at sa nalalapit nating kasal, tawagan mo lang ako at ipapaayos natin ang lahat."

"Ikaw ang masusunod, aalis na ako." Agad akong paatras na lumayo sa kanya baka kasi yakapin niya ako, mahirap na.

"See you soon, Laynie." Isinenyas ni Gerado ang isang kamay sa kanyang bodyguard upang ihatid ako kung saan nakapark ang sasakyan namin.

"Mukhang may kabuluhan pa yung anak na lalaki magsalita kaysa doon sa ama, hano?" dinig kong sabi ni lola pagkapasok ko sa loob ng sasakyan. Nagtsitsismisan silang dalawa ni Bakla.

"Lola Matildz, crush mo din si Grey noh?"

"Aba kung kasing edad lang ako nitong si Laynieya ay bak—"

"Ma, pwede ba, wag niyo na hong ituloy pa ang mga sasabihin ninyo," singit ni papa, saktong pumasok din siya sa loob ng sasakyan.

"At bakit Arnie? Nanghihilakbot ka? Yan panigurado ang nararamdaman ng anak mo na ikakasal siya sa hoodlum na Gerardo na
yun... ay Marciano Garapon!"

Sinamaan lang ni papa ng tingin si lola bago ako tuluyang tinignan.

"Pakisamahan mo ng mabuti si Gerardo, Laynie at wag na wag kang gagawa ng mga bagay na ikakagalit niya," paalala pa bago tuluyang inis-tart ang makina ng sasakyan.

Dirty Fantasies | ✔️🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon