Kabanata 2

4.5K 26 3
                                    

Preference sa suot ni Laynie. Photo not mine.

LYNIE

PAREHO kaming nakatanga ni Kitty habang nakamasid sa lalaking paalis. Hindi na siya lumingon pa. Pero nanatili akong nakatitig sa paggalaw ng kanyang pwetan. Napasinok pa ako sa labis na pagkakatitig doon.

Kailangan ko talaga magsimba bukas upang mabawasan ang mga pagkakasala ko ngayong araw.

Nung tuluyan nang nakaalis yung lalaki. Nakabusangot ang mukha ni Kitty noong hinarap
ako. "Ang weird ni mister gwapo. Bakit ganoon ka niya titigan bestie? Magkilala ba kayo?"

"Anong magkakilala? Ngayon ko nga lang nakita yun at paanong ganoon ako titigan?" painosente kong tanong. Hindi pa kasi ako nakakarecover sa paraan ng pagkakatitig sa akin ng lalaking yun, pakiramdam ko tuloy parang wala ako sa sarili.

Napasiring ng mga mata si Kitty. "Ganyan ka ba ka dense bestie? Kung titigan ka niya para bang hinuhubaran ka sa isipan niya. Pansin mo ni hindi ako tinapunan ng tingin. Hays, ang unfair talaga. Dapat siguro palitan ko na 'tong salamin ko. Nagmumukha kasi akong owl sa salamin na 'to, magcocontact lense na ako from now on."

"Baka na-cutan lang sa suot kong floral dress. Ang gara naman kasi nitong uniform natin dito sa shop. Floral dress, katulad ng mga benta nating bulaklak." Sabay tawa ng isang pilit na tawa. Hindi natawa si Kitty.

"Tigilan mo ako diyan sa pagtatanga tangahan mo, girl."

Wala na akong masabi dahil para akong sabog na nakalutang ang buong isipan dahil sa mga nangyari.

ONE MONTH LATER.

Ipinakansela muna ang pamamanhikan ng pamilya nina Gerardo dahil may kailangan daw umano itong asikasuhin na isang family matters. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag doon sa balitang yun. Pero ang nakakainis bumili siya ng isang sasakyan at nagtalaga ng isang may edad nang lalaki na nagngangalang Antonio upang maging driver bodyguard ko. Hatid sundo niya din ako sa universidad na pinapasukan ko at nasisiguro ko na lahat ng magiging kilos ko ay makakarating sa boss nila ni papa.

Isang buwan na din ang lumipas simula ng maka encountered ko ang lalaking Suit sa flower boutique nila Kitty. Pero hanggang ngayon hindi pa din siya mabura bura sa memorya ko at nililigalig niya lagi ang isipan ko. Mula sa eskwela. Sa bahay. Sa flowershop. Sa mall. Pati panaginip ko inukopa niya na din. Wala na akong peace of mind nang dahil sa kanya.

Arrgghh... para na akong masisiraan ng bait kakaisip sa taong yun.
Pwede bang magdevelope ng isang paghanga sa taong hindi ko man lang kilala at isang beses ko lang nakita?

Nasa isang cafe kami ngayon at kumakain ng lunch dahil nagsimba kami ngayong araw. Si Kitty ang hinayaan kong umorder ng pagkain namin. Hindi kasi ako marunong umorder. Kapag kaharap ko na ang cashier pakiramdam ko bigla na lang naging barado ang lalamunan ko at hindi ko na masabi pa ang dapat kong orderin.

"Ano ba yan bestie, hirap ka na nga maka move on kay Jimson pati ba naman kay
Mr. Suit hirap ka din maka get over." Napagpasyahan kasi namin na Mr. Suit ang itawag sa estrangherong yun. "Sabagay the feeling is mutual naman dahil pinagpapantasyahan ko pa din siya."

Isinabit ko sa tainga ang hibla ng buhok ko. "Hindi naman kasi siya ang iniisip ko kundi yung nalalapit na kasal namin ni—-"

"Don't you dare lie to me," putol niya bigla sa sasabihin ko.

"Ume-english kana ngayon ah," panunudyo ko.

"Well, duhh, englishera naman talaga ako lalo na kapag galit ako." Nagtawanan kaming dalawa. "And for your information, english si Mr. Suit kaya from now on mas iigihan ko pa lalo ang pag eenglish. Malay mo bumalik siya sa shop at mapansin niya na ako."

Dirty Fantasies | ✔️🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon