Kabanata 11

1.8K 19 11
                                    


LAYNIE

NUNG nasiguro ko na nandito si Grey sa school. Hiniling ko na sana, isa na lang akong suso na pwedeng gumapang pabalik sa bahay ko at magtago dahil sa matinding pagkabahala. Nababahala ako baka kung anong isipan niya sa naging gesture ko kay Jimson at bigyan niya yun ng maling interpretasyon. Siguro kung ibang babae lang ako baka gamitin ko si Jimson para pagselosin si Grey.

Para ano? Para mas lalo akong magmukha katawa tawa at trying hard?

Ang una kung naisip, ay huwag siyang lingunin at magkunwari na hindi ko siya narinig. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko magawang iignore ang presensiya niya. Ignorin ko na ang lahat ng tao, wag lang si Grey. Minsan tuloy gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa karupukan. Pero mas gusto kong murahin ang pagkakataon dahil sa wrong timing na pangyayari.

Sa huli, nanaig pa rin ang kagustuhan ko na tignan ang kagwapuhan niya kaya naman dahan dahan
kong iginalaw ang katawan at tinignan siya sa kinatatayuan. Nakasandal siya sa isang itim at makintab na Mercedes Benz jeep. Nasa bulsa ng kanyang black pants ang isang kamay. Ganun pa din ang suot niya, katulad kaninang umaga, pero may suot na siyang black suit jacket ngayon.

Sa ganitong ayos ni Grey, sa gitna ng liwanag ng araw, pasado talaga siya bilang isang maginoo.
Pero nung dumako ang tingin ko sa mukha niya, nasilayan ko ang isang madilim na tingin sa mga mata niya. Looks can be deceiving ika nga, dahil ang itsura niya ay isa lamang balatkayo sa tunay niyang pagkatao. Ang labis na ipinangangamba ko yung mga titig niya, may bahid yun ng lason at direktang nakatuon kay Jimson. Nataranta ako bigla nung narealized na nandito sa tabi ko yong ex ko.

He pushed away from the jeep at naglakad palapit sa kinatatayuan namin. Parang bumara ang puso ko sa lalamunan habang palapit siya sa amin. Naitikom ko ang nakanganga kong bibig, labis talaga na nagpaapekto sa buo kong katawan ang bawat paghakbang niya. He moved with full of confidence, smooth, walang pakialam, habang ako namimilipit na ang sikmura dahil sa matinding takot at pag aalala sa maari niyang gawin kay Jimson.

Habang nakamasid ako kay Grey, nabuhay muli ang mga mumunting kuryente sa katawan ko at natigil ako bigla sa paghinga kasabay ng paggalaw ng bawat segundo. Alam ko hindi ito maganda. Alam mo yung mga bagay na nagpapatigil sa pagtibok ng puso mo ay hindi talaga makakabuti para sa'yo, tandaan niyo yan.

"Hi," bati ko kay Grey sa maliwanag na boses, kasing liwanag ng takot na nakaukit sa mukha ko
ngayon. "Anong ginagawa mo dito?"

Imbis na sagutin ako, itinuon niya ang madilim na tingin kay Jimson at kinunutan ito ng noo. "Who are you?"

Nagpantay ang mga titig nila. Ako naman, tahimik lang na nakatayo sa may gawing gilid ni Jimson, naghihintay, naghihintay sa pagsabog ng bomba. Nakatitig sila ng masama sa mata ng isa't isa. Walang may nagpapatalo at walang may nagpapaapekto. Matangkad si Jimson pero di hamak na mas lamang ang height ni Grey. Di hamak din na mas malaki at mas matipuno ang katawan ni Grey kumpara kay Jimson. At mas mamang mama na si Grey kumpara
sa bagitong si Jimson.

Bigla akong pumagitna sa kanilang dalawa nung hindi ko na makayanan ang tensyon, marahan kong itinulak palayo si Jimson at ibinulong sa kanya ang
pakiusap. "Umalis kana, nakikiusap ako sa'yo."

"Hindi kita pwedeng iwan dito Laynie, sino ba yan?" maang na tanong niya habang nagpupumiglas.

"Umalis kana."

"Pero Laynie..."

Bakit ba ganito katigas ang ulo ng mga lalaki sa buhay ko?

"Umalis kana kung ayaw mong madagdagan yang mga pasa mo sa mukha," gigil na udyok ko. Binigyan ko siya ng nakikiusap na tingin. Gusto ko na siyang umalis pronto.

Dirty Fantasies | ✔️🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon