Kabanata 7

2K 17 2
                                    


LAYNIE

RAMDAM ko ang init ng katawan ni Grey mula sa likuran ko. Pero umakto ako na hindi apektado sa presensiya niya at sinubukang magkunwari na wala siya ngayon dito sa paligid. Pilit ko pa ring inabot ang mug kahit na alam kong imposible maabot yun. Tumigil ako sa paghinga nung idikit ni Grey ang kanyang harapan sa may likuran ko, laking gulat ko nung inihawak niya sa beywang ko yung mga kamay niya. Halos bumulahaw ako ng sigaw dahil sa gulat at labis na kiliti. Iniangat niya ako at tuluyan ko ngang naabot ang mug.

Wala talaga siyang pakundangan, kung hawakan ako para bang pag aari niya. Marahan akong ibinaba ni Grey, dumausdos ako sa katawan niya. Para akong bulkang sasabog dahil sa labis na pag iinit lalo na noong naramdaman ko ang matigas at mahabang bagay sa may ibabang bahagi ng likuran ko. Inisip ko na lang na buckle yung belt o di kaya naman baril. Pero alam ko kung anu yun. Ayaw ko lang talaga pangalanan.

Nadinig ko ang sunod sunod at mabigat na paghugot ni Grey ng hinga habang nakahawak pa rin ang mga kamay niya sa beywang ko. Tumagos ang init ng mga palad niya sa suot ko kaya naman rumagasa ang bugso ng init sa buo kong katawan at dumeretso yun sa masilang parte ng pagkababae ko. Bago sa akin ang sensasyong 'to at nararamdaman ko lang sa tuwing kaharap ko si Grey. Pinaparamdam niya talaga sa akin na isa akong tunay at ganap na babae. Ginigising niya lagi ang bawat sensitibong parte ng katawan ko, sa pamamagitan lang ng presensiya at simpleng hawak niya. Tinalo ko pa tuloy sina Tophie at Kitty kung makairit nang dahil kay Grey- sa isipan ko nga lang.

Umikot ako at hinarap ko siya. Sobrang gwapo niya sa suot na dark-blue jeans, brown Oxfords, puting dress shirt at isang tailored black blazer. Casual pero understated at ang mahal niya tignan. Natulala ako at para bang nasipa ako sa sikmura habang nakatitig sa kanya. Ang puso ko, parang nagkakarera sa loob ng ribcage ko ngayon, kumakabog ng wala sa ritmo. Ang paghinga ko naman ay marahan at puro maikling singhap.

Napansin ko ang pagdilim ng mukha niya nung pasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa at tumagal yun sa may punong dibdib ko. Nanigas nang kusa ang mga nipples ko sa paraan ng mga titig niya.

"Why are you wearing like that Julanie? Are you trying to give my father a heart attack?" may himig na inis sa boses niya habang nagtatagis ang mga bagang.

Bigla naman ako conscious sa suot kong pantulog. Nalaglag tuloy sa sahig ang hawak kong mug. Kumalabog yun ng malakas at nabasag, paniguradong nagkalat sa sahig ang mga bubog.

"Goddammit!" bulyaw ni Grey. "Are you okay?"

Hindi niya na hinintay ang magiging sagot ko dahil agad niya akong binuhat para ilayo sa mga nagkalat na bubog sa paanan ko, ni hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa gwapo niyang mukha habang buhat ako sa malalakas at maskulado niyang mga braso. Para akong tanga, pero wala akong pakialam. Dahil kapag si Grey na ang kaharap ko lagi naman ako nagmumukhang tanga. So ano pa ang point na magkaroon ako ng pakialam, di ba?

"Are you all right?" tanong niya ulit matapos akong iupo sa isang dining chair. Naramdaman ko sa mukha ang mainit niyang minty breath. Tinignan ko ang pinaggalingan nu'n, ang mala kissable niyang mga labi.

Napakurap ako. "A-Ayos lang ako, thanks."

Hindi ako nag abala humingi ng pasensiya dahil sa inasal ko. Anong sasabihin ko? Na pasensiya ka na kung natulala ako at nabasag ko ang mug dahil biglang rumagasa sa kaugatan ko ang init ng pagnanasa para sa'yo? Yun naman ang totoo, pero hindi ko na dapat pa ipagsigawan yun lalo na sa kanya.

Nagtama ang mga mata namin, nag smirk at naiiling siya sa akin. Nag init ang mga pisngi ko dahil sa reaksiyon niya, para bang nababasa niya lahat ang nasa isipan ko. Nag squat siya sa harapan ko. Hinawakan ng malalaki niyang kamay ang mga paa ko, pilit ko naman yung inilalayo sa kanya, pero masyado siyang determinado.

Dirty Fantasies | ✔️🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon