Kabanata 3

3.4K 22 2
                                    


LAYNIE

GUSTO ko sana itanong kung nasaan ang asawa at anak ni Grey. Pero nagpigil ako sa sarili, dahil alam ko masyado na iyong personal. Maging stepmother man nila ako o hindi. Alam ko naman kung saan ako lulugar. Nakakatawa lang isipin na yung mga magiging stepson at stepdaughter ko ay mukhang mas matatanda pa yata sa akin.

"Ilang taon ka na Gabby?" Iniba ko ang usapan dahil nag-iba bigla ang mood ko sa mga narinig mula sa kanya.

"I just turned 23 last month. Old enough and of course, legal na." Ngumisi siya, ipinakita ang kanyang mapuputi at pantay na mga ngipin. "And by the way, Grey is 29. Kung nagtataka ka kung bakit Grey lang ang tawag ko sa kanya yun ay dahil asshole siya."

Bakit ang layo naman yata ng agwat ng mga edad ninyo? Gusto kong itanong pero syempre hindi ko na ginawa yun.

29? Not bad naman pala. 10 years lang ang gap namin, I can live with that. Asa.

Nagulat ako nung bigla akong hawakan ni Gabriella sa braso ko at ikinurap kurap ang mga mata niya sa
akin. "Alam mo ba kung ilang pirasong tentacles meron ang isang octopus?"

Hah, ang weird nito.

"Teka lang, i-google ko lang."

"Nah, uh, not allowed to use your phone,"  iwinagayway pa sa mukha ko ang kanyang hintuturo. "Okay, I know, I know what's the answer." Hindi niya na ako hinayaan na makapagsalita. "Octopus has eight tentacles but it is divided into two legs and six arms. See, very easy." Sabay kibit at para bang tuwang tuwa talaga sa naging sagot niya.

"Wow, very easy para sa'yo kasi alam mo. Hindi easy sa akin dahil hindi ko naman alam."

Nagtawanan kaming dalawa.

"Hey, are you a virgin?" bulong niya bigla sa akin.

Nag init ng sobra ang mga pisngi ko. Wala kasing filter ang bibig niya kapag nagsalita. Hindi ko siya sinagot, pero kinindatan niya ako at itinuon ang kanyang tingin kay Tophie. Ito naman ang kinukulit niya ngayon. Mabuti na lang at game na game naman yong kapatid ko.

*******

Lumabas ako sa lanai dahil pakiramdam ko nasusufoccate ako sa loob ng marangyang bahay na 'to. Hindi din ako maka relate sa mga pinag uusapan nila. Mas nanaisin ko na nga lang umuwi ng bahay at matulog. Mabuti na lang din at sobrang busy ni Gerardo sa mga kausap niya.

Lumabas ako sa nakabukas na pintuan ng lanai. Lumabo na din sa pandinig ko ang usapan ng mga tao sa loob ng bahay. Medyo dim ang ilaw sa kinatatayuan ko at may mangilan ngilang mga tao na nakatambay sa labas ng lanai.

Napasinghap ako sa kagandahan na bumulaga sa paningin ko. Kita sa kinatatayuan ko ang malawak na garden na puno ng mga ilaw, ang gandang tignan, para silang mga nagkikislapang ginto ng tubig sa paningin ko. May isang hugis peras na swimming pool na nakabukas ang mga ilaw sa kaliwang bahagi at isang medyo may kalakihang gazebo sa tapat no'n na puno din ng mga ilaw. Feeling ko para akong nasa loob ng isang fairy tale na libro dahil sa very magical masyado tignan ng kapaligiran ko. Yun nga lang taliwas sa sitwasyon ko ngayon na isang mala horror.

Aasa pa ba ako na ako si Cinderella at naghihintay ng kanyang prince charming? Hayyss.

Pumikit ako, huminga ng malalim at ninamnam sa sistema ko ang hangin ng gabi.

"Cancel your wedding to my father, Julanie." Napa-igtad ako nung narinig ko ang malamig at pamilyar na boses sa may madilim na bahagi ng lanai. Umayos ako ng tayo, pero labis ang kabog ng puso ko, kaya nailagay ko dibdib ang isa kong kamay at excited na tinignan ang pinanggalingan ng boses.

Dirty Fantasies | ✔️🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon