Kabanata 16

1.2K 17 5
                                    


A/N: Good day, mga dearest. Pasensiya na medyo mahaba ang update na ito.

GREY

WALA NANG hihigit pa sa pagpapahalaga ko sa organisasyon. This was my home, my sanctuary. Dito ako mabubuhay at dito din ako mamatay. Ito lang din ang lugar kung saan nababagay akong mabuhay. Gun fire was a music to my ears. Kahit saan ako magpunta I could smell the gunpowder. It was like a pixie dust sprinkled around me at nililipad ako pabalik sa lugar kung saan ako nababagay. Ang Cosa Nostra society.

I was glad I was born at naging bahagi ng De russo clan at sa klase ng dugo na nanalaytay sa kaugatan ko. And for that I was f*cking good sa lahat ng ginagawa. And no amount of disciplinary action ang makakapagpabago sa isang katulad ko. Maging anak man ako ng isang judge, police officers, mga taong may maayos na reputasyon sa buhay. I knew I always found myself on the wrong side of the law. Ginagawa ang isang bagay na gusto at kinalakihan ko; violence.

I was on my way to Gerardo's study room but I felt like I was heading to some detention sh*t. Every click of my shoe heels echoed off the tile floorboards, umaalingawngaw ang katahimikan kasing tahimik ng konsensiya ko ngayon. While my mind was in riot. I entered Gerardo's study room without knocking. Hindi na ako nagtataka na nandito sina Gaston at Fatima. Pero ang labis na ipinagtataka ko, kung bakit nandito si Gabriella. Imbis na si Ashton or Yllana. Para silang mga batang estudyante na naghihintay ng principal para alamin ang magiging hatol sa kanila.

"About time you're here." Humarap si Gerardo mula sa pagkakatanaw sa labas habang may tangan na cigar sa bibig.

"I shouldn't be here," I said nonchalantly, sitting in the chair opposite Gabriella.

Inihampas ni Gerardo ang kamao sa ibabaw ng desk to intimidate us. "Grey, you killed your own cousin, wala ka na bang kaunting empathy sa kaluluwa mo?"

I unbuttoned my blazer, before answering
him. "Gerardo, ang anay dapat inaagapan habang maaga pa bago pa man kumalat. Baka magising kana lang isang araw na nilalamon at inaanay kana sa sarili mong pamamahay. Don't you remember I took an oath bago ako napili bilang underboss mo? Na ang sinumang dudungis sa organisasyong ito. Hindi ako magdadawalang isip na itumba."

My father's face was beet red, and his shoulders were heaving with restrained anger. For a moment I thought he was going to break into tears. I could see him struggling to hold back his emotion. He didn't even this emotional nung namatay si Giancarlo. Hindi ko sukat akalain na ganito ka-importante sa kanya si Travino. I doubted na kung ako ang namatay hindi siya ganito ka emosyonal baka magdiwang pa nga.

"Kahit pinsan mo, hindi mo pinalagpas?!"

Nag flash sa isipan ko ang naging scene sa dining area. Ang scene na gusto ko nang kalimutan, burahin at huwag nang alalahanin kailanman. Nung itinutok ni Travino ang baril sa ulo ni Julanie. Her face had gone white as ice that were beginning to melt. She was whimpering, her breathing was slow and shallow. Even for a lifetime I couldn't forget that look on her face. Para akong bumalik sa nakaraan, nung araw na na overdose si Mamma. Something was twisting brutally inside my guts, sa isipin na mamatay si Julanie before my eyes. Ang my instinct won't allow
it to happen. Never.

Kung sakaling napatay siya ni Travino. Alam kong hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko. But why I should feel any remorse? It was not my fault. Not entirely. Still, my conscience assailed me when it comes to Julanie. Hindi ba ideya ko na iexpose si Travino. Pero sa isipin na mamatay si Julanie dahil sa pagiging reckless ko. I'd rather kill my own cousin.

"Jezus, nobody likes Travino," I managed to say without any hint of regret in my voice.

"Don't give me that crap excuse! Yan din ang sinabi mo nung pinatay mo si Romeo!" Gerardo retorted harshly.

Dirty Fantasies | ✔️🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon