Kabanata 15

1.3K 13 13
                                    


LAYNIE

NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil nakaramdam ako ng labis na init. Ang maliwanag na sikat ng araw ang sumalubong sa mukha ko. Nakalimutan ko pa lang ibaba ang blinds kagabi kaya naman tumagos sa loob ng kwarto ang init ng araw. Pinagpapawisan din ako, napahimbing masyado ang tulog ko. Sa kabila ng nangyari sa balconahe kagabi, akalain mong nakatulog pa ako ng maayos. Bumangon ako at nag inat. Agad din ako nakaramdam ng labis na pagkalam ng sikmura, sa gutom.

Hah, kailangan ko ng pagkain.

Nung sulyapan ko ang night stand clock. May isang oras pa ako para mag ready sa school. Naligo ako ng mabilisan. Laking pasasalamat ko kay Tophie na dinalhan niya ako ng extrang damit at underwear kaya nakapagpalit ako. Habang nagbibihis, hinagilap ng mga mata ko ang blazer ni Grey sa pinaglagyan ko nung nakaraang gabi, pero wala na yun doon. Nangunot ang noo ko, napapaisip kung sino ang kumuha nun.

Wala si Tophie sa kwarto niya kaya pumunta ako sa kwarto ni Gabriella nagbabakasakaling nandun siya. Kumatok ako ng bahagya. Walang may nagbubukas, pero may naririnig akong kaluskos sa loob kaya hindi na ako nakapaghintay. Pero laking gulat ko nung pagbuksan ko ang pintuan. Si Gabriella may kahalikang lalaki sa ibabaw ng kama. At mas lalo akong nagulat sa lalaking kahalikan niya nung nakilala ko.

Si Leeboy?

Parehong namumutla ang mga mukha nilang dalawa nung nakita ako, para bang isa akong multo na nagkatawang lupa.

"P-pasensiya na Gabby, a-akala ko kasi si Tophie yung kasama mo."

Dali daling bumangon si Gabriella, hinila ako papasok sa loob ng kwarto at inilock ang pintuan. "Mahal, di mo man lang nilock ang door."

"Sorry Mahal, sa sobrang excitement ko nakalimutan ko ilock."

"Don't do it again, malalagot tayo pareho."

Napakamot sa ulo si Leeboy, ako naman under shock pa din dahil sa katotohanang nalaman ko sa kanilang dalawa. Napakadami ko nang gulat lately, dina ako makapag keep up.

Nalipat ang atensiyon ni Gabriella sa akin. "Laynie... listen... oh my gad! Paano ko ba 'to ipapaliwanag. Look, Leeboy is my boyfriend siya ang lalaking tinutukoy ko sa'yo."

Nakailang ulit ako ng lunok, para bang hindi ko mahagilap ang boses ko. "Gabriella, delikado itong ginagawa niyo baka mahuli kayong dalawa at mapahamak kayo pareho."

Tumayo si Leeboy at lumapit sa kinatatayuan namin at hinawakan sa balikat si Gabriella. "Handa akong mapahamak para kay Gabriella." Halata at nangingibabaw sa awra niya ang pagmamahal para sa babae.

"I know Mahal, but Laynie is a different story," binalingan ako ni Gabriella. "Please...please....
promise me na wala kang pagsasabihan ng tungkol sa amin. I can trust you, right?"

May magagawa pa ba ako?

"Promise." Ang dami ko na ngang pinoprotektahan na tao, dumagdag pa 'to. Ano ba naman 'to universe ganito ka ba kalupit?

"Mahal, you'd better go now habang busy pa ang mga tao sa baba."

Dali daling nagpaalam si Leeboy. Pero hinalikan muna nito sa noo ang girlfriend bago tuluyang umalis. Sumandal sa pintuan si Gabriella, maputla pa rin pero halatang nakarelieved na.

"Are you disappointed with me?"

"Paano siya nakakapasok sa kwarto mo ng palihim?" Hindi ko naitago ang bahagyang inis sa boses ko, natatakot talaga kasi ako para sa kanilang dalawa sa oras na may nakahuli sa kanila.

Naghalukipkip siya at pasimple akong
sinagot. "Kunwari hinahatidan niya ako ng bulaklak every morning or minsan ako ang pumupunta sa garden. Pero ang totoo, panakaw kaming kumukuha ng moments together."

Dirty Fantasies | ✔️🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon