CHAPTER 4

229 41 6
                                    

I become busy this passed few days, papasok sa school tapos uuwi, magrereview then matutulog.

Natapos na ang prelim namin at finals na naman ang paghahandaan ko. Nakakatuwa lang isiping hindi ko napapabayaan ang pag aaral ko.

Hindi ko muling nakita si Liam, mas okay na din naman 'yon. Yes his a good person but I should need to stop seeing him. Having a feelings for him is not good for me.

Mabilis akong nag ayos. Kumain muna ako bago nagpaalam na aalis. Saktong paglabas ko ay may parating na jeep kaya'y mabilis akong nakasakay.

Pagbaba ko'y pumara muli ako ng jeep, nakaugalian ko na ang sumakay. Hindi ko alam pero nakakalimutan ko ng maglakad siguro'y para hindi muling mag cross ang landas namin.

Pagpasok ko ng Classroom nakita ko si Pat na nakaupo sa upuan nya. Ngitian ko sya at lumapit sa kanya "Happy Birthday Pat!"bati ko

She smile and hug me "omyghad,thank you!"

Palabas kami ng university, kakatapos lang ng klase namin, Pat invited me to celebrate her birthday. Nahihiya pa akong sumama pero sinabi nyang dalawa lang naman daw kami kaya pumayag na din ako.

"Bakit dalawa lang tayo?"tanong ko

"Hindi ako pumayag na mag celebrate ng birthday ko, humingi lang akong money para pang libre sayo haha"paliwanag nya

Kung ako sya siguro gano'n din gagawin ko. Para iwas gastos,.hugasin at etc. Mas okay din na family dinner, basta kasama mo 'yung importanteng tao sa buhay mo.

Gabi na ako nakauwi sa bahay dahil ang dami naming ginawa ni Pat. Sobra akong nag enjoy kasama sya, hindi ako nagkamaling ginusto ko syang maging kaibigan. Having Pat is a blessing.

Nagbihis agad ako at nahiga sa kama. Gusto ko sanang mag aral muna pero dinalaw na ako ng antok.

Nagising ako dahil naramdaman kong may tumapik sa pisngi ko. Minulat ko ang kaliwang mata ko. Bumungad sa akin ang mukha ni mommy.

Linggo ngayon pero bakit ang aga nya naman akong gisingin? "My maaga pa!"reklamo ko

Pinikit ko muli ang mata ko at nagtalukbong ng unan "sige maiwan ka dito"rinig kong sabi nya

Dali-dali akong bumangon, ano ba kase 'yun?kusot-kusot ko ang mata ko habang naglalakad papuntang salas.
"Saan kayo pupunta?"tanong ko nang makitang lahat sila'y bihis na bihis. I suddenly remember, today is our family date. Omyghad..

Mabilis akong tumakbo papunta kwarto at kumuha ng twalya. "Hintayin nyo'ko!"sigaw ko at mabilis na tumakbo sa banyo, rinig ko ang halakhak nila kaya napairap nalang ako..

Kinabukasan ay maaga akong pumasok, muli akong naglakad, hawak-hawak ko ang sombrero nya!hindi ko maintindihan ang sarili ko, sinabi kong iiwas ako pero hito ako ngayon umaasang magkasalubong kami.

Pero nakarating na akong FEU hindi ko parin sya nakita. Dismayado akong umupo sa silya ko at tahimik lang na nakatingin sa kawalan.

Alas kwatro na ng hapon at mag isa akong naglalakad. Nahbabakasaling makita syang muli.

Napansin ko ang nagbabadyang pagbuhos ng ulan. Bakit parang biglaan naman?hindi naman makulimlim kanina ah.

Unti-unting pumatak ang butil ng ulan sa akin. Hinayaan kong pumatak ito sa balat ko. Dinadama ang luhang nanggaling sa mata ng isang diwata may nabasa akong alamat, ang alamat ng ulan.

Nagtataka ako ng hindi ko na maramdaman ang pagpatak ng ulan sa balat ko. Akala ko tumila ang munting pag ulan pero hindi. Mas lalo itong lumakas pero ni patak man lang ay wala akong maramdaman.

Rainy Night In MoraytaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon