CHAPTER 25

142 25 13
                                    

Months passed, my family is busy today. I don't know pero kita sa mata nila ang excite. Nakaupo ako at nakatingin sa cellphone ko, abala ang ate ko sa pag aayos ng buhok ko, samantalang nagluluto si mommy, si daddy ay umalis saglit ang kuya naman ay nasa trabaho pa.

"Ayan okay na! Gagawin naman kitang mukhang tao."natatawa nyang saad, inirapan ko sya at tumingin nalang sa salamin, ang buhok kong hanggang balikat at kinulot nya, mas lalong gumanda sa akin. Kinuha nya ang gamit at sinimulang ayusan ang mukha ko,sinabi ko sa kanya na simpleng make up lang ang gusto ko.

Nang matapos akong ayusan ni ate at tumingin ako sa salamin. Ang ganda ko pala! Sabi nya din e, sabi nya maganda ako. Kung kasama ko kaya sya? Nandito kaya sya sa tabi ko habang naghahanda ako?

Isang isang taon na, isang taon na simula nung sinuko ko sya, masakit parin! Sobrang sakit parin. Pakiramdam ko nga kahapon lang e, pero pinipilit ko maging matatag dahil ayokong mag alala sila. Ayokong maawa sila sakin.

Sinubukan kong dumalaw sa kanya, patago akong nagmamasid, Ang sakit lang sa dibdib makita na parang okay lang sa kanya na nawala ako. Nung makita ko sya parang hindi naman sya nasaktan. Kasama nya nga si Thalia e,'yung babaeng linta kung makakapit sa kanya. Ang sakit-sakit pero anong magagawa ko? Ako naman ang nang iwan diba? Ako naman ang bumitaw.

Pasado alas onse nang umalis kami ng bahay, kasama ko ang buong pamilya ko sa araw ng isa sa importanteng araw sa buhay ko. Hindi ito ang huli dahil pagkatapos nila kailangan ko pang mag take ng master's degree. Masaya ako kasi sa araw na 'to matatapos ang apat na taon kong pagsusumikap. Hindi man naging maganda ang dulo masaya parin ako kasi unti-unti ko ng nakakamit ang pangarap ko. Pangarap na dapat makamit ko ng kasama sya pero malabo nang mangyari. 

Hindi ko mabilang kung ilang beses na ba sinabi ng magulang ko kung gaano sila ka proud sakin dahil sa kabila ng mga pinagdaanan ko nagsumikap akong labanan ang mga 'yon. Masaya ako sa araw na 'to. Pero hindi ko itatangging may parte parin sa puso ko na nanghihinayang at nalulungkot.

"Wag mo muna syang isipin ngayon, maging masaya ka sa araw na 'to. Kahit ngayon lang sikapin mong 'wag syang sumagi sa utak mo."bulong ng ate ko na ngayon ay nakahawak sa kamay ko. Dahan-dahan akong tumango sa kanya, kahit na mahirap ay sisikapin ko.

Tulala akong nakatingin sa bintana ng taxi, napahawak ako sa bintana at ipinikit ang mata. Biglang nag flash sa isip ko ang mukha niyang nakangiti, mga mata nyang nagsasabing proud sya sakin at mahal nya ako. Napahawak ako sa dibdib ko nung kumirot ito. Dahan-dahan akong nagmulat. Pagmulat ko ay nakahinto ang sasakyan dahil sa stop light, pagtingin ko sa daan ay biglang nagtama ang mata namin ng lalaking nasa loob ng sasakyan. "L-liam"mahina kong bulong ng makita ko sya, biglang kumirot ang dibdib ko ng isinara nya ang bintana at nagpaharurot ng sasakyan. Naka go signal na pala. Bumuntong hininga ako at yumuko. 

"Congratulations Graduates!"

Patakbo kaming lumapit ni Pat sa isa't isa. Naramdaman ko ang mahigpit nyang yakap. Gano'n din ka higpit ang yakap ko sa kanya. 

"So proud of you bessy"bulong nya 

"Me also! So proud of you." Nakangiti kong saad, habang yakap-yakap sya.

"Congrats Sandra my dear."bati ng mommy nya at niyakap ako.

"Thank you tita."

Naghiwalay na kami ni Pat dahil aalis sila ng mommy nya, kasama ko naman ang pamilya ko. Pero nung makita ko si Ma'am Ty ay nagpaalam ako sa kanila saglit.

"Nanang!"nakangiti kong tawag, humarap sya sa akin. Si Ma'am Ty ang isa sa matandang prof namin. At sya din ang naging ikalawang nanay ko at tagapayo sakin. Ang mga salita nya ang naging inspirasyon ko para sumikap at lumaban.

Rainy Night In MoraytaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon