CHAPTER 9

166 31 10
                                    

Ang bilis ng paglipas ng mga araw, it's been two months since Liam started courting me. Masaya ako sa twing nakakasama ko sya. 

Unti-unti kong nalalaman ang mga bagay na gusto nya, mga ayaw nya. Nalaman ko ding apat silang magkakapatid at sila ni lian ang bunso. 

Ang saya siguro kapag may kakambal ka no? May kasangga ka sa lahat ng bagay. Magkaiba man kayo ng kasarian, sa nakikita ko sobrang lapit nila sa isa't isa. Minsan nasasabi ng kapatid nya na nagseselos na sya sa akin dahil naaagaw ko na ang atensyon ng kakambal nya. Inaamin kong nahiya ako nung marinig 'yon pero agad din namang nawala dahil tinawanan ako ni lian kaya natawa nalang din ako.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagiging first year college, hindi ko sasabihing okay ako dahil kapag sinabi ko 'yun parang niloloko ko lang ang sarili ko. 

Sa simula ay okay naman ako, kaya ko naman. Hindi ko sinisising dahil sa madalas na kay liam ang atensyon ko kaya ako nagkakaganito. Alam kong may kulang at hindi ko ginawa ang best ko.

Akala ko madali pero hindi pala, nasa unang baitang palang ako pero nakakaramdam na ako ng pagod at hirap. Idagdag mo pa ang mga salitang naririnig ko sa paligid ko.

Gustuhin ko man maging madali at mabilis ang lahat ay hindi pwede. Lahat ng bagay pinaghihirapan..

Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising buti nalang at ala una pa ng hapon ang klase ko. Pag bangon ko ay dumiretso akong banyo para maligo.nasasanay na akong maligo pagkagising ko, kahit na walang pasok gano'n ang ginagawa ko.

Pagtapos ko maligo ay nagbihis agad ako, alas onse na ng tanghali at maya-maya ay aalis na ako. Matapos kong mag ayos ay kumain agad ako..

"Tanghali ka na naman."

"Napuyat po kasi ako."

"Wala ka namang ginagawa, tapos napuyat ka!mas pinagkakaabalahan mo pa 'yang kdrama."

Napabuntong hininga nalang ako matapos marinig 'yon. Bigla akong nawalan ng gana kumain. Mabilis ko nalang niligpit ang pinagkainan ko kahit na hindi pa ito nauubos.

Nagmadali akong kumilos. Paglabas ko ng bahay ay muli akong bumuntong hininga. Kung alam lang nila 'yung hirap ko..

Tulala akong nakaupo sa upuan ko, hindi ko maintindihan ang sinasabi ng prof. Dahil wala sa kanya ang atensyon ko. Hanggang ngayon hindi parin ako nakamove on sa nangyare kanina sa bahay.

Buti nalang at dalawa lang ang subject ko kapag friday. Paglabas ko ng FEU nakaabang si Liam. Nakangiti akong lumapit sa kanya, sa twing kasama ko sya nakakalimutan ko lahat ng problema ko. 

"Hello"bati ko, tinanguan nya ako. 

Pinipilit kong 'wag syang sabayan sa paglalakad para hindi nya mapansing hindi okay ang pakiramdam ko, pero kahit anong bagal ko sa paglalakad ay gano'n din ang ginagawa nya. Hindi ko alam kung sinasadya nya ba o sadyang gusto nya lang talaga maglakad ng ganito.

Walang ni isang nagsasalita sa aming dalawa,pareho kaming tahimik na naglalakad, hindi ko alam kung hanggang saan kami aabutin. baka sa sakayan na ng jeep pauwi sa bahay.

Unti-unti ng dumidilim ang paligid dahil alas syete na ng gabi pero maliwanag ang daan dahil sa mga ilaw sa bawat posteng nakatayo sa gilid ng kalsada. 

Nasa tapat kami ng yellow cab nang huminto sya sa paglalakad at tumingin sa akin, agad ko namang iniwas ang paningin ko sa kanya.

"Handa akong makinig kung ano man 'yan"

Nagkibit balikat ako at muling naglakad, hindi ko namalayan ang layo ng nilakad namin, nakasunod lang ako sa kanya. Tumigil sya sa paglalakad, saka ko napansing nasa freedom park na pala kami.

Rainy Night In MoraytaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon