CHAPTER 23

128 23 15
                                    

Tulala akong nakatingin sa kisame, alam kong hindi tama ang desisyon ko, alam kong hindi tamang gawin ang bagay na labag naman sa loob ko. Pero kung nakasasalay do’n ang pamilya mo siguro maiisip mo. baka nga kailangan ko talagang gawin ‘to.

Ang hirap tanggapin na kahit gaano mo kamahal ang isang tao ay hindi parin sapat ang dahilang ‘yon para lang suportahan ka ng mga taong nakapaligid sa’yo. Akala ko masaya na pero hindi pa pala. Akala ko okay na pero hindi naman pala talaga naging okay. 

She said that choose my career first, kapag ba inuna ko ang mga pangarap ko at kapag naabot ko ‘yon payag na ba sya? Bakit kailangan pang may masirang relasyon? Bakit kailangang idamay pa ang pamilya ko para masira ang magdadalawang taong relasyon namin ni Liam?

Ang gulo ng mundo, ang gulo-gulo. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagtalukbong ako ng kumot, tahimik ng humihikbi, sana kami parin, sana kami parin diba? Tumayo ako at humarap sa salamin. Allesandra kaya mo ‘to! Alam kong kaya mo ‘to. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si liam. Isang ring palang ay agad na nya itong sinagot,

[“hello?”] hindi ko alam pero bigla akong napahibi nang marinig ko ang boses nya, ang sakit ng dibdib ko.

“Liam? May ginagawa ka ba?”

[“hmm wala naman, kakatapos ko lang mag aral why?”]

“Can me meet?”

[“ngayon na ba? Its late.”]

“Yah, gusto kita makita, i have something important to say.”

Binabaan ko na sya, sinuot ko ang itim kong hoodie, tahimik akong lumabas ng kwarto, ni hindi din gumawa ng ingay sa paglabas ko ng bahay. Hindi ko alam kung may masasakyan pa ako sa mga oras na ‘to pero sana ay meron pa.

Nang makita kong may paparating na jeep ay agad akong pumara, tahimik akong sumakay at nag abot ng bayad. Nagtataka pa si manong driver sa’kin dahil gabing-gabi na lumabas pa ako. 

Tahimik kong pinagmamasdan ang daan na tinatahak namin. Pumara ako at tahimik na bumaba. Tahimik ding naglakad papunta sa lugar kung saan kami unang nagkita. Napakamemorable sa’kin ng lugar na ‘yon kaya ngayon. Mas gugustuhin kong pati ‘yon ay mawala na sa’kin dahil alam ko magiging dahilan ang lugar na ‘yon sa pagluha ko.

“Sandra”nakangiti nya akong sinalubong ng mahigpit na yakap, napabitaw sya ng mapansing hindi ko man lang sya niyakap pabalik.

“Kanina ka pa ba?”tanong ko, bakas sa boses ko ang tinding kaba at takot.

“Ano bang sasabihin mo at dito pa? Ang gabi-gabi na.”

Tipid akong ngumiti sa kanya, tinignan ko ang saktong lugar kung saan ako nakatayo nung araw na ‘yon.hindi ko mapigilang hindi alalahanin ang araw kung saan una ko syang na silayan.

“Naalala mo ba ‘yan?”tanong ko sabay turo kung saan ako nakatayo noon, humakbang ako papalapit do’n. Saglit akong tumingin sa kanya “Maggagabi nung araw na ‘yon. Malakas ang buhos ng ulan. Wala akong dalang payong”saad ko “akala ko uuwi akong basa, pero nagulat ako, nagulat ako bakit hindi ako nababasa? e malakas parin ang buhos ng ulan.”pagpapatuloy ko

Lumapit sya sa akin “naaalala ko” saad nya

“Paglingon ko may isang lalaking mukhang masungit ang nagmagandang loob sa’kin. He’s wearing a nursing uniform at ikaw ‘yon. Hindi ko lubos akalain na ulan ang naging daan para magtagpo tayong dalawa.”saad ko, hindi mawala ang ngiting nasa labi ko. Nginting alam kong malapit ng magtapos

“Hindi ko lubos akalaing ‘yung lalaking nagpahiram sa’kin ng payong ay naging parte ng buhay ko,”hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha mula sa mata ko. Humakbang sya palapit sa akin, kita sa mata nya ang pagtataka pero agad din nawala dahil sa mga ngiti nya. Nginting mas lalong nagpapahirap sa akin.

Rainy Night In MoraytaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon