CHAPTER 28

139 21 19
                                    

Huminga ako ng malalim, malakas parin ang buhos ng ulan, pero ano bang pakialam ko? Ano bang pakialam ko kung nakatayo ako sa gitna ng malakas na ulan.

I texted Pat that Liam and I met, she was shocked.. she said that after her meeting she will go here. I need her right now! Gusto ko na umuwi.

I already expect this! I already expect na okay na sya, na masaya na sya. Pero ang sakit lang na sa kanya mismo nanggaling 'yon. Sya mismo nagsabing okay na sya. Hindi ko parin pala kaya! Hindi ko parin kaya na wala sya..

"Sandra!"rinig kong sigaw, Si Pat 'yon!  Kilala ko ang boses nya, tumakbo syang pumunta sa akin. Isinulong nya ako sa payong nya kahit na basang-basa naman na ako. Mabilis nya akong hinila papuntang comfort room, saglit syang paalam. Naiwan akong mag isa, pero hindi din sya nagtagal. Pagbalik nya ay dala nya ang mga gamit ko. Mabilis akong nagbihis.

Umuulan parin pero hindi na kasing lakas nung kanina. Hawak-hawak nya ako sa braso at inakay papunta sa sasakyan nya. Sabay kaming umupo sa backseat. Nag umpisa ng magmaneho ang driver nya.

"Hindi ako nakapag paalam sa kanila."mahina kong saad

"Ipinaalam na kita, Naiintindihan ka nila lalo na si flaire." She said "Cry! Umiyak ka lang. I'm always here for you right?" Dugtong nya pa, tumango ako at niyakap sya, humagulgol ako ng iyak.

"Ang sakit Pat! It's been five years, pero ang sakit... sakit-sakit parin. Sabi nya he already found someone. Pat ang sakit!. Umasa kasi ako e, pero diba hindi naman masamang umasa diba?"

"Ilang beses mo na ba sinisi ang sarili mo? How many times you tell yourself that you're the one who left him,you're the one who chose to stay away from him..Allesandra limang taon na! I know it's hard to accept, but please Sandra, please try to accept it. I want you to be happy, I want the old Sandra I knew before." Hinarap nya ako sa kanya.

"If Liam already moved on,then let him be. Hayaan mo nalang sya. Love yourself! I'm always here to help you, one day you'll finally move on."

When we arrived to our condo, pinauwi na ni Pat ang driver nya sa bahay ng mommy nya. Tahimik kaming pumasok sa loob ng bahay.

"Gusto mo kausap? Omygod you're a future psychologist pero hindi mo man lang ma apply lahat ng knowledge and skills mo sa sarili mo!."sermon nya

After 5 years magiging psychologist na ako,pero tama nga si Pat. Bakit hindi ko man lang magawang tulungan ang sarili ko? Dahil ba sa ayoko lang talaga maging okay? Pero nakakapagod na.

Nagpaalam na ako kay Pat na papasok na 'ko sa kwarto ko. Its already 3 AM in the morning, kinuha ko ang cellphone ko sa bag para mag chat sa Group Chat namin.

"SIKAYNAM SQUAD"

Allesandra Fuentes: @Flaire sorry :(

Flaire Dianne: It's okay! btw okay kana ba?
We'll visit you next week

Via Vianca:@Allesandra I love you
(*kiss emoticon)

Lian Menchavez :@Allesandra Sorry :(
I'll go to your place later.

Allesandra Fuentes: :)

Isla Fernandez: Anong nangyayari?

Kathleen Javier:@Isla bat gising kapa? Naka ilang kape kana?

Isla Fernandez :@Kathleen Isang box HAHA.
I love you @Allesandra

Hindi na 'ko Nag reply sa kanila. Pinatay ko ang phone ko at humiga sa kama. Loving you for almost five years is the best, masaya pero masakit. Minahal kita kahit na hindi kana sa 'kin. Siguro napasobrang ang pagmamahal ko kaya walang natira para sa sarili ko?

Rainy Night In MoraytaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon