CHAPTER 14

142 27 6
                                    

"I love you Allesandra Mallorie Fuentes, My Future Psychologist." 

Para akong nabingi sa narinig ko, hindi ko alam kung ano sasabihin. Mabilis ang tibok ng puso ko! Patuloy na umi-echo sa pandinig ko ang salitang binitawan nya. Hindi ito ang unang beses na may magsabi sa 'kin ng gano'n dahil sa bahay madalas kong naririnig 'yon, kahit sa mga kaibigan ko. Pero iba pala talaga kapag lalaki ang nagsabi sayo at ang lalaking 'yon ay gustong-gusto mo.

"Alam ko ang mabilis pero hindi ko naman kasalanan 'yon." He said, tumingin sya sa mga mata ko at hinawakan ang kamay ko.

"Sa twing naiisip kita napapangiti ako!pero kapag naiisip kong may makikita kang mas higit sa 'kin, nababaliw ako!nakakabaliw ka gusto ko ako lang! Mahal na pala kita kaya ako nagkakagano'n. I can't stop myself falling for you, habang tumatagal mas lumalalim."

"Ang hirap, walang araw na hindi kita naiisip! Para na akong gago kakaisip kung may chance ba ako? Sandra Mahal kita!mahal na kita!"

Halos isang minuto din ako nakipagtitigan sa kanya, sa totoo lang ay hindi ako makapaniwala sa mga sinabi nya. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko, hindi ko alam kung sasagutin ko din ba ang sinabi nya. Ewan nakakabaliw.

"I love you!"ulit nya, after he said that three magic words, Rain is started to fall again, bakit? Dahil ba sa sinabi nya? O dahil sa panahon? Kasi para sa 'kin, umuulan na naman dahil sa kasiyahang nararamdaman ng puso ko.

Wala kaming balak sumilong, sa gitna ng ulan hito kaming dalawa, makatingin sa mata ng isa't isa. Hawak kamay, at parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid. At this moment I knew he already know what I feel for him dahil kahit hindi ko man sabihin alam kong ramdam nya, dahil sa mga oras na 'to, Ang mga Puso namin ay iisa.

"Ikaw Allesandra umamin ka nga sakin."Singhal ni Pat, na ngayo'y nakahiga sa kama namin ni ate. Dalawa lang kaming nandito dahil nasa labas ang mga kasama namin.

Tumila na ang ulan at mag gagabi na, naghahanda na sila ng hapunan namin at nandito kami ni Pat sa kwarto namin ng ate ko dahil gusto nyang makipag chismis sa 'kin.

"Nakita ko 'yung moment nyong dalawa!at talagang nagpaulan pa kayo!"

"Hindi ko alam. Pakiramdam ko mababaliw ako kakaisip."

Hinawakan nya ako sa balikat "sabihin mo sa 'kin anong nangyari?"

"Diba nga nanliligaw sya, at nasabi ko na din sa kanya na gusto ko sya, kasi pakiramdam ko hindi ko na kayang itago pa. Pero kanina…."

"Ano kanina?"putol nya sa sinasabi ko , hinampas hampas nya pa 'ko sa braso.

"Teka nga lang, 'wag mo naman ako hampasin, masakit kaya!."

"Sorry "natatawa pa sya 

"Si liam kasi, ginugulo ang utak ko"

"Ano ba kasi 'yon?"

"He said he love me! Pat mahal daw nya ako!"

I don't know why pero nababaliw ako! Hindi bago sakin ang gano'ng words pero bakit nung si liam na ang nagsabi bakit para akong masisiraan ng bait? My heart beat really fast when I heard those words. Imagine the person I like the most says he love me. Sinong hindi maloloka?

"So? What did you say?"excited nyang tanong 

Umiling ako "wala" sa sobrang gulat ko wala na akong nasabi, para kaning nawalan ako ng boses, parang hindi ko magawang magsalita kahit na gusto ko. Tyaka hindi ko rin alam kung anong isasagot ko.

"What? So ano 'yon? Nagpabasa kayo sa rain para lang magtitigan?" Sigaw nya 

Hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa 'kin. Hindi ko alam bakit bigla akong nagkagano'n. Hindi ko alam naloloka na ako!nakakabaliw na!.

Rainy Night In MoraytaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon