CHAPTER 10

176 32 11
                                    


Hindi ko alam kung nagkataon lang ba na nandito sina lian o baka sila talaga 'yung tinutukoy ni Pat at ang lalaking minsan na nyang minahal ay syang nagpapasaya sa akin ngayon.

Lumapit kami ni Pat kina Lian, hindi pa man humaharap si Liam alam kong sya 'yung nakatalikod dahil kilala ko ang tindig nya. Bakit sa dinami dami ng lalaki sa mundo bakit sya pa? Bakit parang pinaglaruan kami ng tadhana?

Hindi ko alam kung anong mukhang ihaharap ko kay Pat kapag nalaman nya ang tungkol sa amin ni Liam. Hindi ko alam kung kaibigan parin ba nya ako sa oras na nalaman nyang may nililigawan ng babae ang lalaking minsan ng naging parte ng buhay nya. Ano nalang ang sasabihin nya sa akin?

Nang makalapit kami sa kanila ay pareho kaming tahimik, kita ko sa mukha ni lian ang pagkagulat ng makita nya ako. Samantalang mas humigpit ang kapit ni Pat sa braso ko. 

Dahan-dahang humarap si Liam, gulat syang tumingin sa akin. Hindi makapaniwalang kasama ko ang babaeng iniwan nya nalang bigla. 

Napaiwas nalang ako at piniling magpanggap na okay lang, maski naman ako ay gulat din, sino bang mag aakalang ang lalaking dahilan ng bawat pag ngiti ko ay syang dahilan ng pag luha ng kaibigan ko.

Hindi ko masisisi ang sarili ko ngayon kung may parte sa akin na natatakot na baka isang araw mangyare sa akin ang nangyare kay Pat, pero may parte ding nagbabakasakaling may malalim syang dahilan kaya nagawa nya 'yon.

Umaasa akong hindi mangyari sa akin ang nangyari kay Patricia.

"Hi"rinig kong bati ni Pat, halata sa boses nya na nahihiya sya.

Tumingala ako at sinalubong ang mga titig nya, hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil kahit na seryoso ang mukha nya hindi maitatanging may kasiyahan sa mga mata nya. 

Pakiramdam ko tuloy pinagtataksilan ko si Pat kahit na ang totoo ay hindi naman. 

Nagulat ako nang hawakan ni Lian ang braso ko at hinila ako palayo sa kanilang dalawa,hindi ako umangal dahil una sa lahat kailangan nilang mag usap at alam kong kailangan ni Pat malaman ang lahat.

"Sorry" wala sa akin ang tingin nya pero alam kong para sa akin ang paghingi nya ng tawad 

"I didn't know that you and Patricia are friends, I just want them to talk, to have a proper closure even though hindi naman naging sila. Gusto ko lang na bago magkaron ng girlfriend ang kapatid ko ay walang babaeng umaasa kung pwede pa ba maibalik 'yung dating sila."

"Hindi mo naman alam na magkakilala kami ni Pat e, at isa pa ginawa mo lang naman 'to para sa kapatid mo."

"No, hindi lang para kay liam, ginawa ko 'to para sa inyo, I want you to be his girlfriend, alam kong alam mo na ang nangyari sa kanila pero sana 'wag kang magduda sa kapatid ko."

Natahimik ako, mali bang pagdudahan ko ang nararamdaman ni liam para sa 'kin? Natatakot lang naman ako sa mga posibleng mangyari.

"Natatakot ako!natatakot akong mangyari sa 'kin ang nangyari kay Pat."

"Trust me Allesandra, my twin like you so much at sigurado akong hindi mangyayari sayo ang nangyari kay Patricia. His matured enough to handle relationship,hindi na sya 'yung dating liam na hobby ang magpafall at biglang igo-ghost." 

Natawa pa sya sa huling sinabi, hindi ko din mapigilan ang hindi matawa dahil narinig ko mula sa kanya. 

"So he's a ghoster before?"

"Yeah, thanks to you!you change him.."

Napangiti ako matapos marinig 'yon, sinong mag aakalang ako pala ang dahilan ng pagbabago nya.

Rainy Night In MoraytaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon