CHAPTER 32

151 18 10
                                    

Nagising ako ng nararamdaman kong may humahalik sa akin, nakangiti akong nagmulat. Bumungad sa akin ang masayang mukha ng anak kong si Pj. niyakap ko s’ya ng mahigpit bago tumayo sa pagkakahiga. Sa presensya ni Pj saglit na nawawala ang sakit na nararamdaman ko. S’ya ‘yung dahilan kung bakit nagagawa kong ngumiti.

Pumasok ako sa loob ng banyo para maghilamos at mag toothbrush. Paglabas ko ay wala na si Pj sa kama siguro ay lumabas na at pumunta sa salas. 

Paglabas ko ng kwarto ay nadatnan ko s’yang nakaupo sa sahig at nanonood ulit ng cocomelon sa tv.

“Masyado pang maaga Pj, 30 minutes lang ah, after n’yan ay mag be-breakfast ka na.”saad ko bago pumunta sa kusina upang magluto ng almusal namin.

There was a farmer who had a dog, And Bingo was his name-O. B-I-N-G-O! B-I-N-G-O! B-I-N-G-O! And Bingo was his name-O!” 

Mula dito sa kusina ay rinig ko ang pagsabay nya sa kantang Bingo, napailing nalang ako at bahagyang napangiti. 

Hinain ko sa lamesa ang hotdog,bacon at pancake na niluto ko para sa almusal namin. Pumunta akong sala para tawagin si Pj. Nadatnan ko s’yang nakaupo pa rin sa sahig pero hindi na nanonood. Lumapit ako sa kanya at binuhat s’ya papunta sa kusina.

“You want cereal?” tanong ko sa kanya, excited naman s’yang tumano at pumalakpak pa.

After namin mag breakfast ay binigyan ko s’ya ng 30 minutes para mag laro bago ko s’ya paliguan. Linggo ngayon kaya balak kong magsimba kami at ipapasyal ko na din s’ya. Every sunday lang kami nagkakaro’n ng oras para magbonding kaya gusto ko buong araw ay mapasaya ko s’ya.

“Mommy we’re going to church?”he asked 

“Yes baby and after that where do you want to go?”tanong ko habang pinapaliguan sya.

Saglit s’yang nag isip “Ahm gusto ko sa playground do’n po sa Mall.”sagot nya, ngumiti ako at tumango. Tumalon-talon s’ya sa tuwa. Natawa nalang ako.

Pagdating namin sa simbahan ay naghanap agad ako ng bakanteng upuan, mabuti nalang at hindi na masyadong maraming tao dahil pang third mass na ngayon. 

Hawak-hawak ko sa kamay si Pj habang naglalakad kami papunta sa gitnang bahagi ng simbahan kung saan maraming bakanteng silya. “Behave okay? Listen ka kay father.” saad ko bago pinunasan ang pawis nya.

“Opo”

The mass is ended, Pj is excited to play in Kidzona kaya after n’ya mag bless kay father ay hinila na nya ako palabas ng simbahan. Pagdating namin sa may SM ay agad n’ya akong hinila papunta sa kidzona. Hindi ko alam sa batang ‘to bakit hindi nagsasawa sa kidzona, everytime na nag ma-mall kami ay palaging kidzona ang gustong puntahan.

“Pj dahan-dahan.”sayaw ko nung bigla s’yang bumitaw sa kamay ko at tumakbo.

Hinayaan kong maglaro si Pj, nakangiti lang akong nanonood sa mga pinaggagawa n’ya. Pj never failed to make me happy, he never failed to make me feel okay. He’s my strength, sa lahat ng pagod,sakit at hirap tanging s’ya ang nagbibigay kaginhawaan sa puso ko. 

Hindi ko alam pero masaya na ako na may Pj sa buhay ko, kahit nga siguro walang liam ay magagawa kong ngumiti ng totoo. Hihintayin kong mangyari ‘yung sign. Pero kapag wala talaga, oras na para tanggalin s’ya sa puso ko.

Ayoko munang isipin ‘yung nangyari sa amin ni Liam kagabi, ayoko muna s’yang isipin. Gusto ko maging masaya ngayon, gusto ko muna magpahinga sa sakit na naramdaman ko.

“Mommyyy”sigaw ni Pj habang tumatakbo papunta sa akin.

“Oh bakit?”

“W-water po” inabot ko sa kanya ang tubig at agad ding pinunasan ang pawis nya. 

Rainy Night In MoraytaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon