CHAPTER 19

115 24 4
                                    

The City lights witnessed our first kiss 

Sa gitna ng tahimik na paligid, sa ibat-ibang liwanag na dala ng ilaw. Liam kissed me.. I don't know what to do but at this moment, all I know is my heart belong to him. 

"I love you Allesandra." He said, I smiled at him and hug him tightly. I love you more Liam. Hindi ko man masabi sayo palagi 'yung salitang mahal kita alam kong ramdam mo. Alam kong nararamdaman mo kung gaano kita kamahal.

"Let's go home, may pasok pa tayo bukas."

Tumango ako at kumalas sa pagka kayakap sa kanya. He drive quietly, his holding my hand the whole time, until we arrived in front of our house. 

"Pasok na ko? Ahm ingat ka."I said, tumango sya at hinalikan ako sa noo, nang makaalis sya ay nakahinga ako ng maluwag. Shit! Napahawak ako sa dibdib ko, napakalakas ng tibok ng puso ko! 

Nakatulala akong naka upo sa upuan, hawak-hawak ang itim na ballpen. Bakit hindi ko parin makalimutan 'yung kagabi? Nakakabaliw! Ganito ba talaga 'yon? Napasabunot ako sa buhok ko, nababaliw na ako! Nababaliw na!.

Nung dumating ang prof. namin mabilis akong umupo ng tuwid. Tahimik lang akong nakatingin sa kanya habang nagsasalita sya, hindi ko alam kung may naiintindihan ba 'ko sa sinasabi nya. 

"Miss Fuentes are you okay?"

"Miss Fuentes?"

"Huh? Po? Ah Opo" napayuko at napatapik sa noo ko. Huminga ako ng malalim at muling tumingin sa propesor na nagsasalita sa harapan. Saglit na inalis sa isipan ang mga bumabagabag sa matino kong utak na ngayo'y inaagiw na.

Nang matapos ang klase ay napahinga ako ng malalim. May natitira pa akong isang subject sa araw na 'to pero bago ako pumasok ay kakain muna ako sa canteen.

"Bukas ay magkakaro'n tayo ng Mahabang pagsusulit. Inaasahan kong lahat kayo ay makakapasa sa pagsusulit na ibibigay ko. Mag aral kayo BS Psych, wag nyong kalimutan kolehiyo na kayo at hindi elementarya o high school." Mahabang litaniya ng Professor namin sa Filipino.

Walang pasabing lumabas na sya ng Classroom, napabuntong hininga na lang ang mga kaklase ko. We all know that our professor is terror, masyado syang mahigpit. Kailangan sa klase nya lahat magsalita ng tagalog bawal ang English o kung ano pa man. 

Nang makaalis sya ay niligpit ko na rin ang gamit ko. Tahimik akong naglalakad sa hallway, palabas ng FEU. papunta akong mendiola ngayon. 

Nasa mendiola ako kasama si Liam at ang mga kaibigan nya. Hinihintay ko si Via. 

"Huy may sasabihin daw kayo?"tanong ni Andrew na ngayon ay naka akbay kay flaire, bagay talaga silang dalawa 

"Oo nga ano ba kasi 'yon?"tanong naman ni Elle, sya 'yung pinakamaganda sa kanilang lahat, though maganda naman si Flaire at Lian pero 'yung kagandahan ni Elle nangingibabaw 

"Huy late na ba ako?"biglang singit ng isang pamilyar na boses, tumayo ako at niyakap sya ng mahigpit. 

Umupo sya sa tabi ko, nakipag kwentuhan sa mga kaibigan. Ang saya ng barkada nila! Masaya akong nakilala ko sila at makasama.

Liam announced that we're together, nakita ko syang saya sa mga mata nya habang sinasabi sa mga kaibigan nya na girlfriend na nya ako. Sa pananalita nya ay mapapansin mong proud na proud sya do'n. Hinawakan ko ang kamay nya at ngumiti sa kanya. Naramdaman ko ang pag kurot ni Via sa tagiliran ko.

"Congrats pare, Binata ka na"sigaw ni Andrew na nang aasar pa, pinuno ng tawanan ang paligid. Inaasar nila si Liam, nakikitawa nalang ako. 

Maya-maya pa ay may napansin ako kay Via. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Hindi kami nakakapag usap lately kasi alam kong busy siya. Tumayo ako at nagpaalam sa kanila, hinila ko si Via.

Rainy Night In MoraytaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon