CHAPTER 13

166 28 9
                                    

Isang buwan din kami sa probinsya, pero dahil enrollment na kailangan na naming umuwi ng Manila.

Tinawagan ako ni Pat kung sabay ba kaming magpapa enroll. Ang sabi ko sa kanya, ay kung gusto nya pwede naman para mas masaya.

Pasado alas otso ng umaga nang umalis ako ng bahay namin. Naglakad ako saglit at naghintay sa paparating ng jeep. Pagsakay ko ay inabot ko kaagad ang sampung pisong bayad. Ni hindi ko na nasabi na estudyante dahil alam ko namang hindi din ako susuklian ng piso, nasanay na 'ko! Hindi ko maintindihan bakit may gano'ng klaseng driver. Pero hayaan mo na, tulong na lang 'yon para sa kanila.

Tulala akong nakatingin sa daan, hindi ko alam kung bakit pero parang wala ako sa mood sa araw na 'to. Nagtalo kasi kami ni mommy kagabi. Sinabi ko lang naman sa kanya na 'siguro mas magiging mahirap na lahat ng subjects ko.' Sabihin ba naman sakin na 'mahirap talaga kapag wala kang gagawin kaya sana naman mag aral kang mabuti....' Basta ang dami nyang sinabi hanggang sa nauwi kami sa sagutan. Pero dahil alam kong nanay ko sya at tumigil nalang ako at pumasok sa kwarto. Dun nagmumukmok, hindi ko nga namalayang nakatulugan ko ang pag iyak.

Nang matanaw ko ang jollibee ay pumara na ako. Pagbaba ko ng jeep ay pinili ko nalang lakarin papuntang Piyu dahil malapit lang naman kapag nilakad ko. Kung sasakay ako mula dito at bababa ng Nicanor Reyes Street sa pagbaba ko kailangan ko paring maglakad.Ide lakarin ko nalang mula dito sa binabaan ko para iwas na din gastos.

Medyo hinihingal akong huminto sa tapat ng gate, ang aga pa pero mainit na!. "Good morning po!"bati ko kay kuyang guard.

Ngumiti sya at tumango" Good morning din po!"

Pagpasok ko sa loob ay hinanap ko kaagad si Pat. Ang sabi nya nandito na sya pero bakit hindi ko sya makita. Siguro nung sinabi nyang nandito na sya baka hindi pa 'yon naliligo.

"Ay palakang kumain ng butiki."gulat kong tili ng biglang may humawak sa likod ko at biglang sumigaw.

Masama ko syang tinignan, nag e-echo sa buong hallway ang halakhak nya!para syang naka lunok ng megaphone sa sobrang lakas ng tawa nya. Buti nalang at wala masyadong tao dahil hindi pa naman pasukan.

Inirapan ko sya dahil hanggang ngayon ay hindi parin matigil-tigil ang pag tawa nya. 'Yung totoo ano bang nakakatawa?

"Can you please stop?"inis kong saad pero tinawanan nya lang ako

Maya-maya pa'y huminto na sya. Nakahawak sya sa tyan nya, sa tingin ko'y masakit sa kakatawa. Kinabag na ata.

"Omyghad, ang sakit ng tyan ko."

"Oh tawa pa!"

"Kasi naman iniisip ko nabusog kaya 'yung palaka sa butiki?"humagalpak na naman sya ng tawa, napailing nalang ako at rinalikuran sya.

Akala ko ba namiss nyako? Baka namiss asarin. "Sandra wait!"sigaw nya, binilisan ko ang pag lakad.

Bigla kong naramdaman ang paghawak nya sa braso ko. Bilis nyang tumakbo ah!

"Sorry na, I'm just teasing you. I miss you kaya."

"Yeah whatever."

After namin mag enroll niyaya nya akong kumain muna sa labas. Ayoko sana pero dahil nagpumilit sya at libre nya din daw pumayag na 'ko.

"So kamusta naman ang vacation?"tanong nya habang ngumunguya ng hita ng manok sa mang inasal

"Hmm okay lang, masaya naman.ikaw ba?"

"Well to be honest ang boring haha, nasa bahay lang ako! Pano kasi busy sila mama at papa. Hindi naman nila ako sinasama. Kaya kung ano-ano lang ginagawa ko sa bahay."

Rainy Night In MoraytaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon