CHAPTER 33

147 17 17
                                    

Liam is my rainbow after the rain, he's my Rain! without him I'm incomplete.

May mga hindi magandang bagay talaga ang nangyayari pero siguro nangyayari lang 'yon para magbigay ng lesson. I still don't know why destiny plays with us, hindi ko parin alam 'yung rason ng mommy n'ya pero siguro nagawa n'ya 'yon kasi gusto n'yang maabot namin lahat ng pangarap namin kahit hindi magkasama?

Ang saya lang din isipin na sa kabila ng mga nangyari ang isa't isa parin ang uuwian namin. Na kahit matagal man kaming nagkahiwalay 'yung puso namin ay iisa parin.

Humihina na ang buhos ng ulan, pero nakayakap parin kami sa isa't isa. Kung pwede lang na ganito nalang kami habang buhay ay gugustuhin ko pero hindi pwede.

Kumalas ako sa pagkakayakap at nakangiting tumingin sa mata n'ya. "Liam"mahina kong tawag

"Hmm?"

"Ah— wala hehe"

Napayuko dahil sa nahihiya ako. Hindi ko alam kung kaya ko bang itanong sa kanya, nahihiya ako at kinakabahan.

"Say it"bulong nya sa tenga ko, naramdaman ko ang pagtindig ng mga balahibo ko nung naramdaman ko ang pagtama ng hininga nya sa bandang leeg ko.

Nag iinit ang mukha ko at bahagyang napaiwas dahil sa kaba at kahihiyan.

"W-Wala nga" sagot ko

Narinig ko ang mahinang pag halakhak n'ya.shit namiss ko 'to! Namiss ko 'yung bawat ngiti at halakhak n'ya.

Hinila n'ya ako at muling niyakap ng mahigpit, naramdaman ko din ang pagdampi ng labi n'ya sa ulo ko,Napapikit nalang ako.

"Let's go home" saad n'ya

Tumango ako "baka hinahanap na ako ni Pj."

"Si Pj, nasaan ang daddy n'ya? Gusto ko malaman, b-bakit ka nagkaanak?"tanong n'ya. Hindi n'ya alam na hindi talaga nanggaling sa akin si Pj. Tanging pamilya at kaibigan ko lang ang nakakaalam, sinabi din ni lian sa akin na nagtatanong ang kapatid n'ya pero hindi n'ya sinasagot.

"Kasi nabuntis ako, alangan naman nanganak na lang bigla." Sagot ko, biglang nag iba ang ekspresyon ng mukha n'ya.

"P-pero sabi mo mahal mo ako...bakit ka nagkaroon ng iba?"tanong n'ya pa ulit.

"One night stand"simple kong sagot, gusto ko lang asarin s'ya at malaman kung matatanggap n'ya ba si Pj.

Rinig ko ang pag buntong hininga n'ya "Hindi na ako magtatanong, I don't care if you have a child, tanggap ko s'ya! At mahal kita!"sagot n'ya dahilan para mapangiti ako ng malapad.

"Pj is my adopted son"panimula ko. Bigla s'yang napabitaw sa pagkakahawak sa akin at hindi makapaniwala na tumingin sa akin. "Siraulo ka kung naniniwala kang nagkaro'n ako ng ka one night stand. Hindi ako kagaya mo no! Kung nagawa mo mag bar ako hindi!"singhal ko.

Oo naglalasing ako pero kasama ko ang sikaynam at nasa condo lang kami, hindi nagawang mag club at sumayaw-sayaw do'n at makipag flirt sa lalaki dahil ayokong magkasala. Kahit hiwalay na kami ay mahal ko s'ya kaya hanggat hindi ako nakaka move on hindi ako nanlalaki.

"S-sorry na nga kasi."

"Ulol liam, kung alam mo lang kung gaano ka sakit makitang masaya ka." saad ko

"Paano mo nakita?"tanong n'ya

"Pat's Instagram."simple kong sagot

"Stalker."saad n'ya umirap ako at lumayo sa kanya.

Padabog akong naglakad papunta sa sasakyan n'ya, kung hindi lang ako nakaramdam ng ginaw ay ayoko pa sanang umalis pero nanginginig na ako. "Bilisan mo d'yan gusto ko na umuwi!"sigaw ko

Rainy Night In MoraytaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon