Chapter 2

961 12 0
                                    

Nandito na kami sa loob ng classroom. We're grade 12 STEM- A students now in Seinford University.

Mahirap makapasok sa school na 'to dahil bukod sa Elite school ito, mahirap din ang entrance examinations. Kaya halata na maraming spoiled brat dito, at kasali 'daw' kami 'don.

I don't care about what they say, as long as hindi ko sila naririnig hindi ko sila papatulan. Kaso kanina sa hallway nairita lang talaga ako kase it's early in the morning pero nag chichismisan na.

Well, it's too good to be true naman kung mabait lahat ng mayayaman.

There's this so called 'Queen Bee' here in the University.

I looked at the lady in front.

The one and only Kxndra Celestine Mercado.

She's a bitch. Lahat yata binubully niya, walang sinasanto. Ewan ko ba sakanya parang kulang yata sa pansin.

Hindi lang siya ang bully sa school na 'to, may boys din na feeling hari ng school, mukha namang mga tanga.


"Goodmorning Students" naputol ang pag iisip ko dahil sa boses ng teacher namin.

"Goodmorning Ms. Cristobal" sagot namin sakanya.

The boys are hyped up because of Ms. Cristobal's appearance. I can't deny that Ms. Cristobal is sexy, she's in mid 20's and she's very kind.

"I'm sure na magkakakilala na kayong lahat since wala naman nagbago sa sectioning niyo" sabi ni Ms Cristobal

Nauwi sa pag kukwento ang buong oras ng klase namin.

-

Mabilis na lumipas ang oras at lunchbreak na. Naisipan naming tumakas sa school dahil napaka boring naman talaga basta first day.

Napagdesisyunan naming pumunta sa Starbucks.

Naghanap kami ng table at iniwan ang gamit namin para mag order.

Naunang mag order sina Luna at Rese kaya bumalik sila sa table.

"One order of Caramel Ribbon Crunch Frappuccino and two Almond Croissants" sabi ko sa waitress.

"Thank you Ma'am" sabi ng waitress pagkatapos kong magbayad.

I smiled.

Habang naglalakad ako may biglang bumangga sa'kin at mas malala pa ay natapon sa'kin ang frap!

"Ano ba?! hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" sigaw ng lalaki sa akin.

"Why me? Eh ikaw nga ang bumangga sa'kin eh! and look what you've done to my blouse! urgh it's so dirty na" naiirita kong sigaw sa kanya.

"Can you please stop shouting nakakahiya" sabi niya sa'kin.

Doon ko lang napagtanto na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao at ang dalawang walanghiya kong kaibigan ay pinagtatawanan ako.

"Fine. But can you please buy me a new blouse or whatever, kasi bumabakat na yung ano ko" bulong ko sa kanya.

Agad naman nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na sumagot.

"No way! ikaw ang bumangga sa'kin kaya why would I buy you a new one?" sagot niya.

Ay lintek naman talaga oh sarap hambalusin.

"What?! are you serious? you should atleast pay me! Ni hindi ka nga nag sorry for bumping me" sabi ko na namumula na ang mukha sa galit.

"I won't pay you. Bye" sagot niya at umalis.

What the hell?

"Hey!" sigaw ko.

Punyeta naman oh umalis pa ang walanghiya.

"Bes! halika na umalis na tayo kanina pa kayo pinagtitinginan oh!" sabi ni Luna.

"Ugh. Fine. Let's go to the mall muna and buy a new blouse, my blouse is so sticky na yuck!" sagot ko kay Luna.

Dam you jerk! 'wag ka na magpakita sa'kin dahil sasabunutan talaga kita.

"Let's go Avi, bumabakat na yung ano mo, bilis!" sabi naman ni Rese.

Nagmamadali kaming umalis sa Starbucks.

Pagkatapos naming bumili sa mall ay naisipan na naming bumalik sa school.

Waves of Memories Where stories live. Discover now