Chapter 23

284 4 0
                                    

Pagkapasok ko pa lang sa HQ ay si Camille na agad ang bumungad sakin.

"Oh? bat naka sunglasses ka? hindi naman mainit ah?" bungad niya sakin.

"Trip ko lang wag kang epal" sabi ko sakanya.

"Sige sabihin na nating wala, pero bat malaki eyebags mo?" tanong niya.

"Alam mo chismosa ka talaga" sagot ko sabay irap.

Tumawa lamang siya.

"San na yung information na kailangan ko?" tanong ko.

"Wait kunin ko lang sa office, dito ka nalang sa lobby maghintay" sagot niya kaya tumango ako.

Pagkaalis niya ay umupo lang ako sa sofa. Napahilot ako ng sintido ko.

After a few minutes ay bumalik na si Camille dala-dala ang isang folder.

"Kumpleto na ba 'to?" paninigurado ko.

"Yes" sagot niya kaya umalis na ako.

When I got inside my car, I immediately scanned the papers inside the folder.

Jose Mercado
45 years old
Construction worker
Antipolo, Rizal.
143256 st.

Okay, first stop for today.

Pagka parking ko ay agad akong bumaba.

Kinatok ko ang pintuan ng isang maliit na bahay.

"Tao po?" pagkatok ko.

"Ano po kailangan nila?" tanong ng isang may edad na babae pagkabukas ng pintuan.

"Nay, dito po ba nakatira si Jose Mercado?" tanong ko.

"Ano po kailangan niyo sa asawa ko mam?" tanong niya pabalik.

"I need to talk to him po about something" sabi ko.

"Pang! may naghahanap sayo dito" tawag niya kay Mang Jose.

"Sino daw ba Mang?" tanong niya habang papalapit saamin.

"Hindi ko kilala pang pero may sasabihin daw sayo eh" sabi ng kanyang asawa.

"Magandang hapon hija, anong kailangan mo?" tanong ni Mang Jose.

"Pwede po ba na sa labas tayo mag usap?" tanong ko.

"O sige hija" sagot niya sa akin at tumango.

"Mang, labas muna kami ah" paalam niya at saka sinundan ako sa labas.

"I'll go straight to the point Mang Jose, please don't report to the police about what you saw last night" sabi ko.

"Mam, masama po yung ginawa ng kasamahan mo. Pasensya na mam pero di ko magagawa ang gusto niyo" sagot niya.

"We know that. Yung mga dinakip namin ay may drug transaction na ginagawa manong kaya mahirap po pag nadawit sila baka ang pamilya mo ang mapagdiskitahan. Hindi po ako pumunta dito para magbigay ng threat sainyo, gusto ko lang po ipaalam sainyo kung anong posibleng mangyari pag nagsumbong kayo sa pulis" mahabang paliwanag ko sakanya.

Bakas naman ang pagkagulat sa kanyang mukha. Naintindihan niya na siguro ang gusto kong iparating.

"Paano ako makakasiguro na totoo nga ang sinasabi mo?" paninigurado niya.

"Siguro naman manong may nahagip kang tattoo sa braso ng isa sa mga dinakip namin?"tanong ko.

Napaisip naman siya sandali at biglang tumango

Buti naman naniwala na.

"Ganon ba 'yon hija? Naku pagpasensyahan mo na ako. May prinsipyo din kasi ako kaya nagawa kong pagbantaan mga kasamahan mo. Salamat sa pagpunta dito hija. Balak ko na sanang pumunta sa prisinto, buti nalang naabutan mo ako dito sa bahay" sabi niya saakin.

"Walang anuman po Mang Jose, ang kaligtasan niyo lang po ang importante" sagot ko.

"Kakilala niyo po ba yung ibang magsusumbong sana sa pulis, Mang Jose?" tanong ko.

"Ay oo hija, mga kasamahan ko sa trabaho. Ako na ang bahalang magsabi sa kanila tungkol sa napag usapan natin ngayon" sagot niya.

"Talaga po manong? Naku salamat po. Pupuntahan ko sana sila ngayon para makipag usap rin" sabi ko.

"Ako na bahala hija, tsaka nakakahiya na nga. Kami pala yung mali tapos masasayang pa oras mo dito. Manghuli ulit kayo ng mga adik jan sa mga eskinita. Nagkakalat pa naman sila ngayon" sagot niya.

Tumawa nalang ako at nagpaalam na sakanya.

"Manong una na po ako ah, may pupuntahan pa kasi ako. Salamat sa kooperasyon niyo" paalam ko.

"Salamat din hija, aba mag ingat ka ha" sabi niya saakin.

Pumasok na ako sa sasakyan at tinignan ang folder.

"Buti naman mabilis natapos, akala ko buong gabi akong makikipag deal sakanila" sabi ko saking sarili.

Mabilis kong pinatakbo ang aking sasakyan at nilisan ang lugar.

Habang nagmamaneho ay napansin kong may nakasunod sa aking sasakyan.

Aba kakabalik ko lang sa Pilipinas may gyera agad.

Mas binilisan ko ang pag papatakbo at lumiko sa eskinitang may maraming sasakyan.

Pagkatapos ng ilang minutong paghahabulan ay naligaw ko rin ito.

I need to start training again. Someone's following me. It's a sign na may bagong makakalaban na naman kami.

I called Camille and told her we'll talk about something pagbalik ko sa HQ.

When I arrived, Camille is already waiting in my office kaya umakyat na ako.

"What are we going to talk about?" bungad na tanong niya sa akin pagpasok ko.

"Diba tapos na ang operations ng BLCK?" tanong ko.

"Yes, the day we ended their leader wala na ang BLCK. May nangyari ba?" balik niyang tanong saakin.

"Someone's following me kanina. Wala naman akong ibang alam na kalaban natin" paliwanag ko.

"Maybe it's just some organization na nagalit sa pangengealam natin sa mga ginagawa nila" sabi niya.

"Sana nga Camille. My instinct is telling me that something big is about to happen" sabi ko.

"So what are you going to do?" tanong niya.

"Go tell the Intel division to do some background check especially to Jake Monteverde na anak ng dati nilang boss. I'll start training tomorrow morning kaya sabihan mo sila na iprepare ang training room ngayon pa lang" bilin ko.

"Yan na ba lahat?" tanong niya.

"Also tell everyone to start hard trainings. We need to be prepare" I said finally

"Okay copy. I'll go now madami pa akong aasikasuhin" paalam niya.

I nodded and turned on the PC in front of me.

I need to do my own background check.

I searched for Jake's profile pero lahat related lang sa business nila. So he's a business tycoon now? huh. perks of being a demon's son.

While I was scrolling his photos, I saw our friends with him in a party. I even saw Luna and Rese with him.

Hindi naman big deal saakin yon. Wala naman kasing alam sila Patrick sa ginagawa ng pamilya ni Jake.

I continued scrolling but when I saw a photo of Lukas with a girl I felt a pang in my chest.

It still hurts but whatever, we can't bring back the past. I turned off the PC and pack my things to leave the office.

I'll let the Intel Division do the job.

Waves of Memories Where stories live. Discover now