Chapter 11

395 9 0
                                    

Maaga kaming umalis. Nauna kami nila Luna at Rese dahil alam nila kung ano ang problema ko. Nagpaiwan naman muna sila Janelle at Deanne para daw may kasabay ang boys pauwi.

Nagpalusot na lang si Rese na may importanteng aasikasuhin kaya pumayag naman sila.

Habang nagmamaneho si Rese ay Nakatingin lang ako sa labas. Hindi na nila ako kinulit.

Alam kong may gusto si Lukas sa'kin, hindi ako tanga para hindi mapansin ang kinikilos niya. Tama nga sila na 'Actions speak louder than words'.

Inaamin ko na gusto ko si Lukas pero hindi pa pwede. Hindi muna sa ngayon. May kailangan muna akong tapusin.

"Rese ideretso mo sa headquarters" seryoso kong sabi kay Rese.

Napatingin ako sa rear- view mirror. Napansin ko ang biglang pagseryoso ni Luna. Tumaas ang tensyon sa loob ng sasakyan habang papalapit kami sa headquarters.

Tinawagan ko si Camille. Secretary ni boss.

"Camille we're on our way to the headquarters, tell boss that i'm with Athena and Gaia, I want to discuss about something" I said.

"Copy miss" sagot niya sa kabilang linya.

"So you're serious about this huh?" Luna said in a serious tone.

"I told you already Luna, aalis na ako sa organization" sagot ko sakanya.

"Pwede naman nating itago nalang bes" pangungulit ni Rese.

"Malaki na tayo Rese, alam nyo na hindi natin habang buhay maitatago yung tungkol sa organisasyon. Dadating ang oras na magmamahal tayo kaya bago pa man sila madamay ay ititigil ko na" paliwanag ko.

Hindi ko gustong madamay si Lukas at ang iba pa sa gulo na dala ng buhay namin.

Hindi na kami nag imikan sa byahe. Alam kong nag iisip na din sila kung itutuloy pa ba o hindi na.

Nakarating kami sa labas ng gate. May lumabas na camera kaya nilabas ni Rese o mas kilala bilang Athena sa lugar na 'to.

ACCESS GRANTED.

Agad na pinasok ni Rese ang sasakyan at pinark ito sa tabi.

I saw Camille waiting for us in the front door.

"Miss, the boss is waiting for you in the Conference room". sabi niya kaya tinanguan ko lang siya.

Hindi ko pinansin ang mga titig nila Rese at Luna. Buo na ang desisyon ko.

Binuksan ko ang pintuan ng Conference room at nadatnan ang aming boss or known as Michael Gonzales. My father.

He looked at me seriously. Alam niya na ang pakay ko.

"What are you doing here Mnemosyne?" he asked.

"You know why i'm here Boss" sagot ko.

"Straightforward as always" he smirked.

"I want to leave the organization" finality was found in my voice.

"I'm sorry but you can't. This organization needs you. You are the only successor" he explained.

"Ayoko na dito dad!" sigaw ko.

"I'm not your dad here Mnemosyne" he said.

Sinamaan ko lang siya ng tingin at tumalikod para sabihin kina Luna na aalis na kami.

"I told you Avi, you can't just leave. Kung kami siguro ni Luna okay lang, pero ikaw? malabo yan" sabi ni Rese.

Hindi ko siya pinansin. Pagod na ako sa buhay na'to.

Waves of Memories Where stories live. Discover now