Chapter 10

402 7 0
                                    

Ito na ang last day namin sa Subic dahil uuwi na kami bukas.

Niyaya namin ang boys na maligo sa dagat ngayong hapon at mag bbq pagdating ng gabi.

"Janelle, tawagin mo nga si Evander at Jake, sabihin mo na kailangan natin ng katulong sa pagkuha ng kakailanganin mamayang gabi, tsaka magpasama ka na rin sa kanila bumili ng karne " sabi ni Deanne.

Tumango si Janelle at agad na tumakbo papunta kila Jake at umalis.

"Rese, okay na ba yung pwesto natin para mamaya?" tanong ni Luna.

Tumango si Rese.

"Natawagan ko na ang manager ng hotel kaya reserved na at lilinisan nalang daw muna nila" aniya.

"Luna, do you need help?" biglang sulpot ni Luke.

Agad na umiling si Luna at sinabing "Hindi naman Luke, kaya ko naman tatawagin nalang kita later if I need help".

Ngumiti lang si Luke at bumalik na sa pakikipag usap kina Calvin.

Kailan pa nagkamabutihan tong dalawang 'to? Mas mabilis pa sa'min ni Lukas eh.

Nang matapos namin ang paghahanda, nagpaalam kami sa boys para magbihis dahil maliligo na kami sa dagat.

"Lukas, kayo muna dito 'ah. Bihis lang kami saglit" paalam ko.

Tumango siya at ngumisi.

Agad kaming bumalik sa hotel at nagbihis.

Nagsuot kami ng Two- piece ni Rese, si Luna at Deanne naman ay naka suot din ng two piece pero tinabunan nila ito ng crop top at shorts.

Napagpasyahan namin ni Rese na magsuot muna ng shorts para hindi gaanong expose sa ibang turista.

"Wow sexy natin ngayon 'ah" sabi ni Deanne.

"Of course, atsaka pretty din ano ka ba" pagyayabang pa ni Rese. As always.

Pumunta na kami sa pina reserve naming lugar at nakita namin ang boys na nakatitig sa'min habang tumutulo ang laway. Chos.

Agad akong lumapit kay Lukas na mataman akong tinitigan.

"Hey, hindi ba bagay?" tanong ko.

"No, it's just you're too sexy" sagot niya habang kumukuha ng towel at tinakpan ang akin mg katawan.

"What are you doing?" asik ko.

"Just protecting what's mine" sagot niya.

"Bakit boyfriend ba kita ha?" naaasar na tanong ko sakanya.

"Hindi pa, pero malapit na" sabi niya sabay kindat.

"As if naman no, tsaka hello hindi ka nga nanliligaw" sabi ko.

"Why? do you want me to?" tanong niya at ngumisi.

Ay punyeta naman oh hinahamon talaga ako.

"Bakit? sinabi ko ba? Eh ikaw nga 'tong nagiging possessive kahit na friends lang tayo" sagot ko sakanya.

Umigting ang kanyang panga at tinitigan ako.

"Oh ano? hindi ka makasagot?" sabi ko at inirapan siya.

Umalis ako para hubarin ang shorts at sumunod kila Rese na naunang maligo sa dagat.

Mapait akong ngumiti.

Alam ko sa sarili ko na kailangan kong umalis para umiwas. Tinatamaan na ako at hindi yun pwede.

-
Lumubog na ang araw at tapos na kaming maligo at magbihis. Pumwesto na kami at nagsimulang magluto.

It was Riley's idea na mag boodle fight kami. Everyone agreed because this their first time doing it with friends.

The preparation was fun.

Nang matapos ang paghahamda, nagsimula na kaming kumain, punong puno ng tawanan ang kainan kaya naman napagod lahat pagkatapos.

Umupo kami paikot sa campfire na sinindihan nila Jake at Calvin.

Napuno ng katahimikan ngunit binasag ito ng tanong ni Deanne.

"Oo nga pala 'no, san ba kayo nag aaral?"

"We're studying in Adamson University, grade 12 STEM students to be exact" paliwanag ni Riley.

Nagsitanguan kaming girls.

"Doon kami sa Seinford University. Grade 12 STEM students din" saad ko.

"Diba known as rival schools ang school natin?" tanong ni Rese.

"Yep, other students are making a fuss about the Basketball teams. Dun naman kasi nagsimula yung rivalry" sabi naman ni Evander.

"Wait, diba you mentioned nung dinner natin na you were late because of the meeting sa varsity?" tanong ko kay Lukas.

"Ah yes, we are part of the basketball and i'm the team captain kaya hindi ako basta- bastang umabsent sa meeting" paliwanag niya.

"So you mean, you're our rivals?" sabat ni Luna.

"Of course not. As Evander said, the other students are the only ones making ourselves rivals. Tsaka isn't it exciting na friends niyo yung rivals niyo?" mahabang litanya ni Luke.

Nagsitanguan ang lahat pinagpatuloy ang usapan. Tahimik lang ako sa tabi pero pansin ko ang mga nakaw na tingin ni Lukas.

Huwag ka na umasa Lukas. Tama na ang lahat ng ala-ala natin dito.

Akmang tatayo siya at pupunta sa'kin pero tinawag ko agad si Rese para magpasama.

"Rese, hatid mo naman ako sa hotel oh, my head is aching tsaka nahihilo na ako" palusot ko at tinignan siya sa mata.

Nakuha niya naman agad ang gusto kong iparating kaya mabilis siyang lumapit sa'kin at inalalayan ako.

"I'm sorry guys, kailangan ko na magpahinga eh good night and see you nalang bukas" sabi ko sakanila at ngumiti.

Tumango naman sila at sinabihan ako na okay lang kasi namumutla na din daw ako.

Pagkapasok namin sa room ni Rese ay tinanong niya agad ako.

"So, anong problema bakit kailangan mong pumasok?" pang uusisa niya.

"Ayoko na Rese" sabi ko sabay yuko.

"Bakit mo naman kasi tinuloy?" tanong niya.

"Akala ko kasi mawawala din agad" tinakpan ko ang aking mukha at nagsimulang umiyak.

"We're here for you bes. Don't worry uuwi na tayo bukas" sabi niya sabay yakap sa'kin.

Umiyak lang ako at humiga sa kama hanggang nilamon ako ng kadiliman.

Waves of Memories Where stories live. Discover now