Chapter 12

380 8 0
                                    


It's been 2 weeks. Lukas kept on messaging me but today, wala na akong natanggap. Siguro napagod na siya kakahintay sa wala. Alam kong wala akong karapatang masaktan ngayon dahil desisyon ko na lumayo.

Siguro mabuti na din na kalimutan ko siya at mag focus sa mga responsibilad ko lalo na't ako lang ang inaasahan nila dad.

Stupid. Ni hindi nga naging kami so why move on? assuming ko din talaga minsan no.

"Hoy bes, sino na naman iinisip mo?" tanong ni Luna.

"Eh sino pa ba? edi yung kambal ng boyfriend mo" sagot naman ni Rese.

"Hey, Luke is not my boyfriend" inirapan niya si Rese.

"Ingay niyo nag iisip ako ng plano para sa mission natin mamaya" palusot ko nalang.

"Really bes? alam ko kapag nagsisinungaling ka kaya wala kang takas sa'kin" pambabara ni Rese.

Inirapan ko nalang siya. Guilty ako eh.

Malapit na ang Intramurals kaya naman halos wala ng pasok dahil sa preparations. Sakto naman dahil nagiging mas busy na kami sa mga mission.

1 week ang intramurals at 1 month naman ang preparations. Open ang school kapag Intramurals kaya naman pinaghahandaan talaga.

Hindi namin kasama sila Janelle at Deanne ngayon dahil busy sila sa pag re-rehearse. Janelle is part of the Theatre Club while Deanne is part of Voice Club.

Kaming tatlo ay tamad sa mga ganyan kaya hindi na kami nag abala pang sumali sa clubs. Busy na nga kami sa Org tapos sasali pa kami sa school activities, parang tanga kung ganon.

"So what's the plan?" biglang sabi ni Rese.

"I heard malaking transaction daw ang mangyayari mamaya kaya nagpadala si boss ng maraming back up" sabat ni Luna.

"The transaction will be at the Pier so it will be easy. Less ang casualty kasi malayo sa tao" sagot ko.

"I'll take care of the snipers" sagot ni Luna.

"I'll be your back up later Avi" sagot naman ni Rese.

"Okay. I'll just inform the others to secure the whole place and guard the entrance and exits para walang kawala" I said.

"By the way, use silencers later ayon sa info may mga bahay katabi ng Pier. Don't forget to inform the others" I added.

Namataan ko na papalapit si Kxndra kaya sinenyasan kong tumahimik muna sila.

"What do you need?" bungad ko sakanya.

"I'll be the representative for the Grade 12 level in Ms. Intramurals" she said na may halong pagmamayabang.

"And so?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Well I know you're jealous because ako ang napili at hindi ikaw" sagot niya.

"Bakit naman maiingit si Avi sayo, eh hindi nga sya nag audition pero the teachers contacted her para sumali but she declined" sabat ni Rese.

"So therefore, you are just a substitute" dagdag pa ni Luna.

"I don't believe you!" sabi ni Kxndra.

"Edi don't" sagot ni Rese kaya bahagyang natawa ako.

Gaga talaga oh!

Inirapan lang siya ni Kxndra at nagmartsa paalis. Pahiya ka girl?

"Let's eat na nagugutom na ako!" reklamo ni Luna kaya tumango kami ni Rese.

-
Papunta na kami ngayon sa Pier kung saan gaganapin ang transaction. Worth 5 billion ang droga at armas na i ta transact ngayon kaya malamang ay maraming bantay sa paligid.

Hawak ko ang isa sa collection ko ng pistol. The Cabot 1911 pistol which is made of meteorite. Yes this is the most expensive gun as of now.

"Athena and Gaia proceed to your positions. Report to me after you silenced the guards and snipers." sabi ko.

"Copy Mnesmosyne" sabay nilang sagot.

Inobserbahan ko ang paligid at tinitigan ang bawat kilos ng dalawang businessman. Lalabas na sana ako nang may narinig ako pagkasa ng baril sa likod. Shit it's a trap!

"Athena, Gaia, capture the old hags now!" I commanded.

Mabilis kong sinipa ang taong nasa likod ko at pinaputukan ito sa ulo. Muntik na ako don ha. Nagsidatingan ang ibang kasamahan niya kaya pinapalibutan nila ako ngayon. Tsk no choice. Nilabas ko ang aking mask at mabilis na binato ang smoke grenade na lagi kong dala. Mabilis ko silang pinag sasaksak gamit shuriken na dala ko.

Kapal ng mga mukha na i trap ako, wala naman palang maibubuga. Mabilis kong nilisan ang lugar at sinundan ang tracker na nakadikit sa damit ng isa sa mga businessman.

Natagapuan ko siyang nagtatago sa isang container van kaya naman mabilis ko siyang nilapit at tinutukan ng baril.

"Who ordered you?" seryosong tanong ko.

"Hindi ako sasagot kahit pa anong gawin mo" nagawa niya pang ngumisi.

"Okay" sabi ko mabilis na pinutok ang baril sakanyang ulo.

"Mnemosyne, we successfully killed an old hag here but the other one is missing" report ni Athena.

"Good  Don't worry I killed the other one. Tell the others to clean this mess. We need to leave now bago pa dumating ang back up nila" I said.

Mabilis kaming oumunta sa headquarters at nag report.

"The transaction was a trap, who told you the information? I need to talk to him" sabi ko kay Camille.

"Alex Romero. You can find him on the third floor" she said.

Mabilis akong tumango at naglakad papuntang 3rd floor. What the fuck may nakapasok na kalaban. Humina na ba talaga ang security dito? tsk.

Agad kong sinakal si Alex at inangat.

"Who ordered you?" tanong ko habang seryoso siyang tinitigan.

"As expected Mnemosyne. Well even if you kill me I won't give you an answer" he smirked.

"Well if that's what you want, see you in hell asshole" sabi ko sabay bali ng leeg niya.

"Security, idespatcha niyo ang traydor na nasa 3rd floor. Now!" galit kong sigaw

"What happened Mnemosyne?" sulpot ni Luna.

"May nakapasok na kalaban" bored kong sagot.

"Mapapagalitan lahat panigurado" sabat ni Rese.

Hindi ko na sila pinansin at lumabas na para umuwi. Nakakapagod talaga.

Waves of Memories Where stories live. Discover now