Chapter 4

673 13 0
                                    

Kinabukasan naabutan kong nakasimangot si Rese habang nakangisi naman ang walanghiya na si Luna.

"Oh, ka aga-aga naman Rese nakasimangot ka na?" tanong ko sakanya.

Humagikhik naman si Luna kaya lumingon ako sakanya.

"Pa'no ba naman kase bes, nakita niya yun 'The One' niya kagabi" tawa tawang saad ni Luna.

"So, bakit naman ganyan itsura mo ha?" taas kilay na tanong ko kay Rese.

"Gaga tinatanong pa ba yan Avi? Kung ikaw kaya makakita ng asungot, malamang sa malamang masisira talaga araw mo" naiirita na naman si babaita.

Parang araw-araw may dalaw ewan ko talaga sa Rese na 'to.

"Later na tayo mag talk, Ms. Cristobal is here already" sabi ni Luna.

Tumango naman kaming dalawa ni Rese at itinuon ang atensyon namin sa harapan.

"Good morning class, for today I will divide you into 6 groups, each group will have 5 group members" sabi ni Ms.

"Ano gagawin natin Ms. Cristobal?" tanong ng isa kong kaklase.

"You'll have research" aniya.

"Ms. bakit ang aga naman yata?"

"Oo nga Ms."

Napaka reklamador talaga nitong mga kupal akala mo talaga hindi STEM students.

"I know, but this is just a practice. It will be graded of course. So for the research, gusto ko pumunta kayo sa isang place, it's your choice naman basta I want you to be there para magkaroon kayo ng sariling sagot niyo sa research questions" paliwanag ni Ms.

"'Yun oh mapapaaga yata bakasyon natin" tuwang tuwa na sabi ng isa.

"Hulog ka talaga lang ng langit Ms."
dagdag pa ng iba.

"Please be quiet muna. I will announce your groupmates" sabi ni Ms.

Tumahimik naman ang lahat na halatang excited sa magaganap.

"For Group 1, Kxndra Celestine Mercado, Grace Ferrer, Hailey Constancia, Jaxon Adler, and Shawn Millena".

"For Group 2, Avrielle Maxine Gonzales, Ashlynn Rorese Perez, Maureen Luna Silvestre, Deanne Marie Martinez, and Janelle Mae Aznar"

"Omg bessy! groupmates tayo" excited na sabi ni Luna.

"Alam namin bes may tenga naman kami" pag irap sa kanya ni Rese.

Natatawang tumingin ako sa kanila. Barado na naman si Luna, kawawang bata.

The list went on.

Tumunog na ang bell, lunchbreak na yes!

"Hoy Avi, libre 'nyo 'ko" sabi ni Rese.

"Wala ka na bang pera at nagpapalibre ka na?" taas kilay na tanong ko sakanya.

"Meron naman no, kaso ayaw ko gumastos" sagot niya.

"Napaka kuripot mo talaga" sabat ni Luna.

"Shut up, Luna. Ilibre 'nyo na ako gutom na ako" umirap si Rese.

I rolled my eyes tsaka tumango. May choice ba kame?

Kumain kami at nagkwentuhan.

"Excuse me, Avrielle" rinig kog tawag ng kung sino.

Lumingon ako at nakita ko ang dalawa naming kaklase.

"Yes?" tugon ko.

"Ah sorry, kami pala yung groupmates niyo sa research. I'm Janelle and this is Deanne" turo niya sa katabi niya.

"Oh hi, kayo pala" sabat naman ni Rese.

Janelle and Deanne waved their hands to say hello.

"Uhm, ano kase, is there any plans na ba for the place?" tanong ni Deanne.

"Ay oo nga pala, wala pa nga eh. But we can talk about it later sa Messenger. Gawa kayo gc then add niyo nalang kaming tatlo para ma discuss natin" sabi naman ni Luna.

"Okay, noted. Sige alis na kami pasensya sa istorbo" sabi ni Janelle.

"Ano ba kayo, wala 'yon. Importante naman yung tanong niyo" sabi ko sabay ngiti.

Tumango sila at nagsimula ng maglakad paalis.

Kinagabihan napag usapan namin ang tungkol sa magiging research namin. Everyone have suggestions but it was too far kaya nag iisip ng bagong pwedeng puntahan.

"What if we go to Subic? I know an island there" I said out of nowhere.

"Oo nga 'no? I heard maraming magandang isla 'don" pag sang-ayon ni Janelle.

"And they serve delicious meals too" I added.

"'Yun naman pala eh may masarap na pagkain, go na agad!" excited na sabi ni Luna.

Basta pagkain talaga oh, adik talaga!

"Final na ha? I'll book the rooms we'll be using" sabi ko sa kanila.

"Iba ka talaga Avi, feel ko 'yang connection mo aabot kahit sa ibang bansa" iling-iling na sabi ni Rese.

"Ano ka ba bes, chill ako lang 'to" pagmamayabang ko sakanya.

We continued to talk at mas nakilala pa namin si Deanne at Janelle. Instant friends ika nga. Ang saya nilang kausap parang mga bata. Ang kulit.

Waves of Memories Where stories live. Discover now