Chapter 9

443 8 0
                                    

Kinabukasan, sinundo kami ng mga boys sa hotel at sabay kaming pumunta sa isla. Sumakay kami ng bangka na pina reserve ko bago pa man kami dumating dito.

"How did you know about Sampaloc Cove, Avi?" tanong ni Riley.

"Nakapunta na ako dito last year, summer vacation 'yun tas solo trip. Ni recommend lang din sa'kin nung kakilala ko" sagot ko sakanya.

"Mahilig ka pala sa adventures?" takang tanong naman ni Lukas habang inaabot ang isang bote ng tubig.

Agad ko itong tinanggap dahil napagod ako sa pag akyat.

"Ay oo, alam nyo yung Inca Trail sa Peru?" sabat ni Luna.

Tumango silang lahat.

"Aba inakyat lang naman ng babaeng 'yan" she added.

Mapapansin ang pagka mangha sa ang kanilang mukha.

"Don't make it such a big deal bes, tsaka the place is pretty kaya naman nag go kaagad ako" sabi ko.

"She also loves diving kaya naman hindi na namin ikinagulat na may na suggest siyang puntahan for research" pagbibida naman ni Rese.

I rolled my eyes.

"Shut up already, hindi ko ng sinabi na halos araw-araw kang nag sho-shopping" balik ko sakanya.

Inambahan naman nya ako ng suntok kaya binelatan ko siya. Yan napapala mo sa pagiging maingay!

Nag hiwa hiwalay kami para mag observe at kumuha ng pictures. Rese and Luna is enjoying each other's company and I can't help but smile.

Nilibot ko ang aking paningin at hindi ko maiwasang mamangha sa gandang taglay nito. Hinding hindi magsasawang pumunta sa mga lugar tulad nito.

"You really love nature huh" Lukas said while also admiring the place.

"Of course. It reminds me of happy memories" I looked at him then smiled.

"Pwede bang maging parte ng mga alaalang 'yan?" he asked while staring at me softly.

Para namang tumalon ang puso ko at ginawaran siya ng matamis na ngiti.

"Of course Lukas, and you're already part of it" I said.

He held my hand pero hindi ko na pinansin, dala na siguro ng damdamin kaya pinabayaan ko na.

"Sana all holding hands!" biglang sigaw ni Calvin na may tono ng panunukso.

Binitawan ko agad ang kamay ni Lukas at humarap sa kanila na magkakasama na pala at kami lang ang hininhintay.

"Epal mo naman Calvin!"

Binatukan siya ni Rese kaya napa angal siya.

Umiwas lang ako ng tingin at nilingon si Lukas na pangiti- ngiti pa.

Hinampas ko ang balikat niya kaya napalingon siya sa'kin.

"What?" inirapan ko lang sya at humarap kina Luna at nagtanong.

"So, may naisip na ba kayong title para sa Research?"

"Actually wala pa eh" napakamot naman ng ulo si Janelle.

"Pero I guess may idea naman kayo diba? or like questions sa anong nasa kabila ng magandang place na 'to" bawi naman agad ni Luna.

Tumango tango naman kaming apat.

Lumingon ako ulit sa magandang tanawin at may biglang pumasok na idea sa isipan ko.

"Guys, I think we have a title na"

"Really bes?" na e-excite na sabi no Rese.

Gaga napaghahalataan talaga na puro pag picture lang inatupag niya. Napailing nalang ako sakanya.

"Yes, what do you think of 'Questions of what's beneath the horizon' okay lang ba?" tanong ko.

Nagsigawan naman ssilang lahat at napa 'yun oh'.

"Hulog ka talaga ng langit Avi!" sabi ni Deanne.

Humalakhak naman ako dahil sa mga reaksyon nila.

Naputol ang kasiyahan namin ng tumunog ang tiyan ni Jake.

Nagkatinginan ang lahat bago tumawa ng mas malakas.

We decided to go back. Kaming lahat kasi ay nagugutom na. Lagpas 9 na rin ng umaga at nagsimula ng uminit.

Lukas was holding my hand habang pababa kami. Rason niya naman na inaalalayan niya lang daw ako baka matapilok.

As if naman clumsy ako.

Mabilis na nagpalit ang bawat isa pagbalik sa hotel at nagkita kita sa labas para sabay na pumunta sa kainan.

"Anong order mo Avi?" sabay na tanong ni Luna at Lukas.

Tumawa naman si Luna at sinabing,

"Oh sige, ikaw na mag order para kay Avi"

Ayan na naman ang tuksuhan. Umiling lang ako at bumaling kay Lukas.

"Pork sitaw nalang tsaka dalawang rice. Nagugutom na talaga ako eh" sabi ko sakanya.

Agad naman siyang tumango at umalis para um-order.

Lumingon ako kay Rese at nagtanong,

"Rese, sino yung ka talk mo kagabi sa bar?" agad na nanlaki ang kanyang mata at ang lahat ay nakatingin na sakanya.

"Huh? meron ba?" patay malisyang sagot niya.

"Huli ka pero di ka kulong" sabat ni Luke. Agad naman siyang binatukan ni Rese at sinimangutan.

Infairness ha, nakikipag halubilo din pala ang supladong 'to.

"Bakit ka natahimik 'jan Luna? akala mo ba hindi ko alam na umalis ka kagabi para makipag kita kay Luke?" dagdag ko.

Sinamaan naman agad nila ako ng tingin kaya tinaas ang kamay ko para sabihing 'suko na ko' habang tumatawa.

Agad naman silang tinukso ng iba kaya nagka iwasan ng tingin ang dalawa.

Ayan, manukso pa kayo akala 'nyo di ko alam pinaggagagawa niyo.

Dumating na ang order naming lahat kaya tumigil kami sa pag tutuksuhan mabilis na kumain. Pagkayapos ay nagkwentuhan muna kami about sa hiking namin kaninang umaga.



Waves of Memories Where stories live. Discover now