Part 4

156 11 2
                                    

BRIGHT’S POV

[Grabe bro di parin nawawala ang pagiging bookworm mo. Kakauwi mo lang tapos andiyan ka kaagad sa bookstore.] Sabi ni Gunsmile sa akin sa telepono.

“Come on this is my happy pill wag mo nang basagin ang trip ko hahaha.” Sagot ko na lang sa kanya.
Narinig kong nag chuckle siya kaya tumawa nalang ako ng bahagya.

[Hala sige bahala ka. Tawagan mo nalang ako pag may kailangan ka.] sagot niya kaya sumagot nalang ako ng oo at ibinaba na ang tawag.

Tinignan ko muna ang bookstore dito sa labas at nagpasyahang pumasok na. Pagkapasok ko naamoy ko kaagad ang mga scent ng mga libro. Napakabango talaga nito at maamoy mon a talaga na naaalagaan ng maayos ang mga ito. Inikot ko ang mga mata ko sa buong bookstore at masasabi kong maganda ang pagkakaarrange ng mga libro. Napangiti nalang ako at napahanga.

Naglakad na ako sa buong bookstore at naghahanap ng mga librong magandang babasahin. Okay lang sa akin kahit anong genre binabasa ko yan kahit di gaano katas ang sail kasi it’s still a story for me and I know pinaghirapan talaga nila yan.

Nasa likod ang mga dalawa kong kamay habang naglalakad at naghahanap ng mga libro. Napansin kong andaming tao sa may bandang kanan ko at parang mga bagong release ata yun na mga libro kaya naengganyo ako at nilapitan ko ito. Napalapit na ako doon at kinuha ang isang libro na nandoon.

‘2gether’ basa ko at tingin sa book cover. Oh it’s a boys love.

Ewan ko pero bakit ko pinulot tong novel at napahanga sa cover parang ang ganda niya basahon. Di pa kasi ako nakakabasa ng BL kaya it’s kinda new for me. Napansin ko rin na popular ito kahit kakarelease lang kaya I think maganda ito. So napagdesisyunan kong kunin ito at basahin.

I keep the book at pupunta nasa ako ng counter ng may isang taong bumangga sa akin. Napasubsob ang mukha niya sa dibdib ko at ang isang kamay ko ay napahawak sa baywang niya habang ag isa kong kamay ay hawak hawak pa din ang libro.

Napayuko ako sa tao at siya ay tumingala din sa akin. Nagtagpo ang mga mata namin at kitang kita ko ang kulay brown niyang mga mat ana bugay sa kutis at mukha niya. Hindi ko alam pero napakaganda ng kanyang mata at para akong nabihag. Gusto ko pa sanang titigan ng matagal ang mga mata niya ng ay sumigaw.

“Guys andito siya! Ang author ng 2gether the novel andito kyaaaah ang gwapo!”

Natauhan ata ang lalaking nakabunggo sa akin kaya itinulak niya ako at tumakbo palayo. Hinabol naman siya ng mga tao. Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggan mawala na siya sa paningin ko.

Who is he? 

Bakit parang tinatawag ako ng mga mata niya na parang matagal na akong kilala?

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Duyog (BW)Where stories live. Discover now