Part 14

108 10 0
                                    

WIN’S POV

Gabi na ng makalabas ako sa office ni Manager Eed. Bumabagabag parin sa akin ang mga sinabi ni Manager Eed kaya hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng kotse ko. Napabuntong hininga nalang ako at iniwala sa isipan yun. Mamaya ko na alalahanin yun dahil hindi ko parin naiintindihan.

Inunlock ko na ang sasakyan ko at pumasok na sa sasakyan. Inistart ko na ang engine ko at tinapakan na ang gas pedal ngunit napa break ako ng mabilis ng napansin ko na may dumaan. Malapit ng masubsob ang mukha ko sa manobela pero mabuti nalang at naka seatbelt ako, napapikit nalang ako. Dumilat akong muli at tinignan ang tao na nasa harap ko ngunit hindi ko siya nakita. Inilibot ko ang mata pero hindi ko siya nakita pero nanlaki nalang ang mata ko ng biglang may dumaing. Shit no way! Nakasagasa ako?!?!

Dahan dahan kong inalis ang seatbelt at taimtim na nanalangin na sana ay walang nangyaring masama dito sa taong to huhu help. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kotse at lumapit sa harapan. Nakapikit ng kaunti ang mga mata ko dahil mukhang hindi ko ata kakayanin ang sinapit ng binangga ko.

Malapit na ako sa harap at nakita ko na ang braso nito shit kinakabahan ako.

“Aray!” daing ng lalaki. Lalaki?!?

Dali dali akong pumunta sa kanya at nagulat ako sa taong malapit ko ng masagasaan.

“Bright?” tawag ko dito at mabilis na lumapit para akayin siya patayo.

“Naku sorry, sorry talaga hindi kita napansin.” sabi ko at pinagpagan ang katawan niya. Chineck ko rin ang sarili niya kung may galos ba siya.

“Teka okay ka lang ba? Nasaktan ka ba? May mga galos ka ba? Sabihin mo saan masakit dadalhin kita agad sa hospital.” Mapag-alalang tanong ko sa kanya.

Tinignan ko siya at itong si loko ay tumawa lang at umiling. Pinuntahan niya ang bike niya at pinatayo ito. Lumapit ulit siya at hinawakan ang ulo.

“Wala kang dapat ipagalala Mr. Author okay lang ako tsaka hindi mo naman talaga ako nabangga, nagulat lang ako kaya ako napatumba. Okay lang ako walang galos, walang bali.” Sabi niya atsaka ginulo ang buhok ko.

Napairap nalang ako sa ginawa niya. Hanep naman oh mga ilang wax din nilagay ko para umayos tong buhok ko tas guguluhin niya lang.

Inis ko namang inayos muli ang buhok ko at siya naman ay biglang nagsalita.

“Ah siya nga pala mabuti naman at nakita ulit kita.” Sabi niya at ngumiti.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Bakit hinahanap niya ba ko? Teka may alam na kaya siya?

“Bakit? Hinahanap mo ba ako?” kinakabahan kong tanong sa kanya.

“Hey Mr. Author baka nakakalimutan mo na pipirmahan mo patong book ko.” Sabi niya at iwinasiwas sa harap ko ang ang libro ng ‘2gether’

“Wait dala dala mo parin yan?”

“Hoy Mr. Author na nag promise tayo sa isa’t-isa na pipirmahan mo tong book ko?” sabi niya at inilapit patalaga sa mukha niya ang book tapos ngumiti.

Ah oo nga pala. Napakamot nalang ako sa batok ko at hindi ko alam ng may idea na biglang pumasok sa isip ko.

“Okay! Pipirmahan ko yang book mo sa isang kondisyon.”

“Go! Kahit ano basta makuha ko lang ang pirma mo.”

Makalipas ng mga ilang minuto ay nakarating na kami sa destinasyon namin. Dinala ko dito sa Bright sa paborito kong lugar. It is an overlooking place at saktong gabi na kaya masarap mag star gazing dito.

Pinark ko na ang sasakyan at napagdesisyunan naming pumwesto dito sa likod ng sasakyan. Naglatag kami ng comforter at humiga agada ko para tingalain ang mga bituin. Itinaas ko ang ang mga kamay na parang inaabot ang mga tala. Full moon ngayon kaya medyo maliwanag sa pwesto naming kahit walang malapit na light dito sa amin.
Napapikit nalang ako sa sarap ng simoy ng hangin dito.

Naramdaman kong gumalaw ang katabi ko ngunit di parin ako dumilat.

“Yung kondisyon mo is kantahan kita tama?” sabi niya.

Tamad na akong magsalita kaya tumango lang ako sa kanya.

Gumalaw ulit siya at tumikhim muna.

Napamulat agad ako ng mabilis ng may narinig akong pag strum ng gitara. Dali-dali akong umupo at lumapit sa kanya. “May dala ka palang gitara?” takang tanong ko sa kanya.

“Yes Mr. Author di mo ba napansin? Sabagay lagi kalang nakatitig sa akin eh.”

“Sira! Tsaka tigilan mo na nga kakatawag sa kin ng Mr. Author. Win ang pangalan ko okay?”

“Haha okay Win.”

Napangiti nalang kaming dalawa at umayos naman ako ng upo sa tabi niya. Sumulyap muna siya sa akin bago niya binalingan ang tingin sa kanyang guitar. Tumikhim muna siya bago nagsimulang mag strum sa kanyang guitar.

Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa ~

Tumingin muna siya sa akin bago siya nagpatuloy sa verse.

Tanaw parin kita, sinta
Kay layo may nagniningning, mistula kang tala
Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng ‘yong mga mata

‘Pag ikaw ang kasabay, puso’y napapalagay
Gabi’y tumatamis tuwing hawak ko ang ‘yong mga mata

Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakanta at nag st-strum sa guitar niya pagtungtong ng chorus sumabay ako sa kanya.

Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa ~

Hindi ko alam ngunit nakatitig lang ako sa kanya sa buong kanta at pilit na bianbasa itong kakaibang nararamdaman. Tumingin din ako sa mga mata niya, pilit ding binabasa ngunit hindi ko mawari dahil madilim na. Pero parang ang saya ng mga mata, masaya siya.

Shit nakita na ba kita Sarawat?

Bright ikaw ba talaga si Sarawat sa past life?

Duyog (BW)Where stories live. Discover now