WIN’S POV
O M G!!! I will be having my first book signing event and I will be having a press conference too.
My latest book ‘2gether’ is so sick. Madaming nagkagusto sa book ko at ang saya saya ko. Sa ilang years ko sa industry ngayon lang ng boom ang gawa ko. Hindi talaga ako makapaniwala.
“Para sa taong naging successful ang kanyang book at magkakaroon ng kanyang first book signing event, let’s cheers!”
“CHEERS!”
Tumunog ang baso at sabay sabay naming ininom ang aming mga beer. Sa condo lang kami at nag-iinuman. Kasama ko si JJ at Khaotung at kaming lang tatlo nag ce-celebrate.
“Congratulations bro! Masyado ka ng sikat at baka makalimutan mo na kami.” Maarteng sabi ni Khaotung. Tangina ambilis naman malasing nito.
“Gago Khaotung lasing ka na agad.”
“Oo nga baka hindi kana makakasama sa amin dahil sa sikat ka na.” Sabat din ni JJ. Lasing na nga ang dalawa. Napailing nalang ako at binigyan sila ng middle finger.
Lumapit sa akin si Khaotung at inakbayan ako. “Pero Win seryoso yung tugkol sa book mo. Alam mo na ba ang sagot?” Masinsinang tanong niya sa akin.
Napatigil ako sa tanong niya at parang umurong ang dila ko. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil mismo sa sarili ko hindi ko mahanap ang tamang sagot. Napatingin ako ng diretso kay Khaotung at umiling nalang ako bilang sagot.
Mukhang nakuha agad ni Khaotung ang sagot ko kaya tinapik lang niya ang balikat na parang reassuring na pagtapik. Naging tahimik bigla pero buti nalang nagsalita si JJ.
“Ah basta pupunta kami sa event mo at kami ang kauna unahang tao ang magpapapirma sayo.”
“Talaga ha aasahan ko yan.”
“Oo naman kaibigan mo kami kaya susuportahan ka namin sa kung ano man ang gusto mong marating sa buhay.” Sabat din ni Khaotung
Napangiti nalang ako sa dalawa. Ang swerte ko dahil ang mga taong nakapaligid sa akin ay mahal na mahal ako.
Ipinagpatuloy nalang naming ang inuman naming at nagcelebrate ng todo-todo.

YOU ARE READING
Duyog (BW)
Fiksi PenggemarWin is a novel writer while Bright is a book reader. One day Bright happens to read Win's one work entitled "2gether" and there he felt a strange feeling that all of the happenings in Win's novel, happened to him in his past life. (P.S. I didn't pla...