WIN’S POVHi! Ako si Win Metawin at isa akong novel writer. Usually yung mga isinusulat ko ay mga Myster, Thriller, at Horror. Lahat talaga ng mga sinulat ko ay nag t-trending at pinag-uusapan buong mundo. Mahal ko lahat ng mga gawa ko at halos dun ay mga fictions lang, hindi nangyari sa akin sa totoong buhay
Pwera nalang sa latest book ko. Ang “2gether”.
Hindi ko alam kong kung paano koto sinimulan basta ang alam ko napaginipan ko to eh. Teka panaginip nga lang ba?
Ah basta eto lang yung novel na ginawa ko na isinulat ko talaga ng buong puso. I mean lahat naman dugo’t pawis ang ipinundar sa gawa ko basta ito lang talaga yung kakaiba. Parang damang-dama ko yung istorya, mapa karakter, mapa lugar, lahat-lahat. Parang nangyari na sakin in real life. Hays ewan ko ba.
“Kaya ba high-five keme lang yung ending nito kasi yun yung nasa panaginip mo?” Sabi ni Podd na hawak hawk ang libro ng 2gether.
Napairap nalang ako.
“Hoyy nakakaurat nayan pakinggan ah lagi ko nalang naririnig yang high-five na yan. Yan na yung ending wala ng mababago tapos.” Sabi ko sa kanila at nagpakalumo sa inuupan ko.
Tumango nalang si Podd. Umayos naman ng upo si JJ at tinanong ako.
“Diba Win sabi mo sa amin na lahat ng nangyayari dito sa novel na ito ay napaginipan mo?” Sabi niya kaya tumango naman ako.
“Pero sabi mo din na lahat ng ito ay parang totoo?” Dagdag niya kaya tumango uli ako.
“Sa tingin mo déjà vu kaya ang tawag dito?”
Déjà vu? Ano yun?
“Hala oo pwedeng pwede may nababasa din akong ganyan eh pero parang mas sakto yung word na reincarnation ata sa sitwasyon ni Win?” Sulpot ni Podd
“Déjà vu? Reincarnation? Ano yang mga yan?”
“Jusko Metawin di mo alam yan? I search mo kaya.” Bara sa akin ni Podd.
Babatuhin ko sana siya ng unan ng umawat si JJ.
“Tama na yan ano ba kayo. I search mo nalang Win may date pa ako eh. Ikaw Podd dito ka lang?” Tanong niya kay Podd. Umiling si Podd at tumayo na silang dalawa at umalis na.
Napaisip ako sa sinabi nila.
Nangyayari ba yun sa totoong buhay?

YOU ARE READING
Duyog (BW)
FanfictionWin is a novel writer while Bright is a book reader. One day Bright happens to read Win's one work entitled "2gether" and there he felt a strange feeling that all of the happenings in Win's novel, happened to him in his past life. (P.S. I didn't pla...