WIN’S POV
“Jusko, Metawin namin nagbibinata na!” Tukso sa akin ni JJ
Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
“Talaga Metawin? Mahal ba talaga yang pirma o ayaw mo lang talaga ibigay sa kanya dahil gusto mo pa siyang makita at kulitin ka niya. Yung totoo?” Tukso din sa akin Khaotung.
Eeh? Pinagsasabi nitong ni Khaotung? Bakit nahulaan niya? Ay mali jusko!
“Ano ba kayo? Pinagsasabi niyo? Eh sa nanggulo nga siya sa event tapos kukunin niya pa pirma ko? No way!” Sabi ko sa kanila.
Tumango naman ang dalawa pero ang mukha nila ay hindi sa naniniwala. Tsk bahala sila. Napahigop nalang ako sa Blue Hawaii drink na pinaorder ko sa kanila dahil hindi ko maintindihan ang dalawang to. Kung ano ano nalang naiisip.
“Ah oo nga pla congrats pala sa press conference mo. Grabe naiyak ako sa mga sagot mo huhu.” Maarteng sagot ni Khaotung na kunwari ay naiiyak pa. Inalo naman siya ni JJ. Mga siraulo talaga. Tumango nalang ako at napatawa nalang sa dalawa.
“Win wag na tayo lumihis sa usapan. So sino yung Bright na yun?” Tanong ni JJ at nakatitig na silang dalawa sa akin na nag-iintay sa sagot ko.
Napairap nalang ako dahil alam ko naman na wala akong kawala sa dalawang to. Binitawan ko muna ang drink ko bago ako nagkwento.
“Sa totoo lang hindi ko rin alam eh pero may kakaiba akong nararamdaman sa kanya. Parang yung utak ko may sariling utak na din eh kasi siya yung nag push sa akin na mas kilalanin pa yung Bright na yun.” Nalukot ang kanilang mga mukha pero nakatitig pa rin sa akin at inaantay pa ang eksplenasyon ko. Nagpatuloy naman ako.
“Hays hindi ko na alam pero para kasing kuhang-kuha niya yung feature ni Sarawat like matangkad, mapupungay ang mga at ang magandang hubog ng kanyang labi nap aula-pula pa. Basta yun! Argh ang gulo!” Napakamot nalang ako sa batok ko dahil ang gulo. Para kasing parehas na hindi.
Tinignan ko naman ang dalawa at nakita ko sila na parang nag-uusap ngunit hindi ko sila marinig. Nagtagpo nalang ang mga kilay ko.
“Alam mo Win isa lang ang masasabi ko sayo. Ask him to sing.”
![](https://img.wattpad.com/cover/260852897-288-k725569.jpg)
YOU ARE READING
Duyog (BW)
FanfictionWin is a novel writer while Bright is a book reader. One day Bright happens to read Win's one work entitled "2gether" and there he felt a strange feeling that all of the happenings in Win's novel, happened to him in his past life. (P.S. I didn't pla...