Part 11

120 10 2
                                    

WIN’S POV

“Grabe ka naman sa akin Mr. Author eh sa hindi ko nga po sinasadya. Pumila naman po ako ng maayos ewan ko dun po sa mga tao at pinipicturan at tinitilian na ako. Huhuhu gusto ko lang po magpapirma. Sorry po.” Sabi ng lalaki na nasa harapan ko habang magkalapat and dalawang palad ng kamay sa ibaba ng baba niya at nakasimangot.

Andito kami ngayon sa sa backstage na ginanapan ng press conference ko, kasama si Manager Eed at itong lalaki na to na nanggulo sa event ko. Galit ako kaya dinala ko siya dito.

Nakatayo lang ako habang naka cross arms ang mga kamay ko at tinitignan ang lalaki na panay puppy eyes at pout para patawarin ko na siya. Napaikot nalang ang mata ko sa mukha ng lalaki ko na nagpapa trying hard maging cute ket cute naman talaga siya. Teka---- ano Metawin?!?

Napaiwas nalang ako dahil naramdaman kong umiinit ang pisngi ko at nahagip ng tingin ko si Manager Eed at masayang nakatitig sa aming dalawa. Eh? Tinignan ko si Manager Eed at binigyan ng anong-ibig-sabihin-ng-mga-ngiti-mo-Manager-Eed-? look. Iniling nalang niya ang ulo niya habang nakangiti. Okay that’s a bit weird.

“Mr. Author sige na palayain mo na ako at pa sign na rin ng book. Please?” pagmamakaawa nitong lalaki na to na nagngangalang Bright kung hindi ako nagkakamali habang hindi parin nawawala ang pagpapakyut nito.

“No!”

“Eh? Anong no?”

“No ibig sabihin ayoko.”

“Anong ayaw mo?”

Napapikit nalang dahil sa lalaking ito. Argh!

“Sabog ka ba? Eh sa ayoko nga tsaka hindi parin kita mapapatawad dahil sa ginawa mong panggugulo no.”

“Luh hindi ko nga sinasadya eh. Sige na please.” Sabi niya habang nakangiti na kumurba ang kanyang mga pisnge. Damn ang sarap kurutin. Stop it Metawin umayos ka!

“Ah basta ayoko masyadong mahal ang pirma ko.”

“Edi babayaran ko.”

Ay rich kid sana all.

“Kahit lahat gagawin ko para makuha lang ang pirma mo.” Sabi niya hinawakan na ang mga kamay ko. Bakit ba gustng-gusto niya makuha ang pirma ko? Ganun naba talaga siya ka die-hard fan sa akin? HAHHA iba talaga ang charm mo Metawin.

Teka sinabi niya ba lahat gagawin niya? Hmmm.

“Pag-iisipan ko.”

“Eh? Hindi ko na ba talaga makukuha ang pirma mo?”

“Ano ka ba hindi pa naman end of the world hello? Kaya wag ka ngang sumimangot diyan.”

“Hays sige na nga. Sige aalis na ako.” Sabi niya habang lumakad papuntang pituan. Pipihitin na sana niya ito ng bigla nalang siyang tumakbo sa akin at inilapit ang mukha sa akin. Damn ramdam ko na ang paghinga niya.

“Basta next time makukuha ko na ang pirma mo ha? Promise?” Sabi niya habang nakataas ang kanang hinliliit niya sa akin.

Para naman tong bata jusme.

“O-oo nga! Kulit!” Na bu-bulol pa shuta sana hindi niya napansin.

“Pinky promise muna?” Sabi niya habang inilapit sa akin ang hinliliit niya.

Napairap nalang ako at nag pinky promise.

Tumawa naman siya na halos mawala na ang mata niya. Nahawa naman at ngumiti ng kaunti.

“Okay bye!” sabi niya at kumaway sa akin saka umalis na.

Tsk so your name is Bright huh, what a cute name.

Duyog (BW)Where stories live. Discover now