Part 17

87 8 0
                                    

WIN’S POV

“Khaotung I think I found him?”

“Found who?”

“Sarawat! My Sarawat in present time. He’s Bright. His name is Bright”

“Yung lalaki na nanggulo sa event mo?”

“Yes.”

“I knew it.”

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Khaotung? Anong ibig niyang sabihin?

“Ano? Matagal mo nang alam?” tanong ko sakanya habang magkatagpo ang aking mga kilay.

“Hey chill don’t get me wrong man. It’s just that I feel it. Parang may guts din kasi ako na pwede siyang maging Sarawat and the way mo ikwento sa amin ang mga nangyari niyong dalawa parang ang tugma eh. Basta nakakagulo pero kung ikaw nagsabi medyo malinaw linaw na sa akin. It’s all on you bro hindi na ako makikialam.” Saad ni Khaotung at tinapik ako sa balikat.

Napakagat nalang ako sa sarili kong mga kuko. There’s still on me that he really is but 50/50. Napabalik ako sa huwisyo ng biglang nagsalitang muli si Khaotung.

“Win, why don’t you ask him?”

Napatingin ako bigla sa sinabi niya? Napakunot ang noo ko at tinanong siya.

“Ask him?”

“Hmm”

“Why?”

“Para maliwanagan na ang lahat. Pag tinanong mo siya about dun pwedeng alam niya o nararamdaman din niya katulad ng nararamdaman mo sa kanya.”

Napahinto ako sa sinabi ni Khaotung. Napatingin ako sa kanya and ang mga tingin naman niya ay nag sasaad na gawin mo dude. I just stare at him if I should do it or no. Napasandal ako ulit sa upuan ko ng biglang may tanong pumasok sa isipan ko.

“Paano kung hindi? Paano kung hindi niya maalala? Paano kung hindi talaga siya? Anong mangyayari?” tanong ko sa kanya

“Eh kung hindi, edi hindi. Tapos ang usapan. May mga tao naman kasi na kahit pare-parehas yung hobby o personality may isang spot talaga na ma si-sight mo na may difference talaga. Eh siya may namataan ka ba na pwedeng hindi talaga siya si Sarawat?”

Napaisip muna ako sa tinanong ni Khaotung.

“I don’t know maybe he’s not an introvert? Parang happy go-lucky lang siya eh pero pwede namang mabago yan diba?” tanong ko kay Khaotung.

Naningkit ang mata ni Khaotung dahil sa sagot ko. Iniiwas-iwas ko naman ang tingin ko dahil ang creepy niya tumingin.

“Ako nga’y sagutin mo Metawin. Inlove ka ba talaga don sa lalaking yun or na inlove ka lang sa kanya dahil lang siya si Sarawat?”

Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Khaotung. Napalunok nalang ako sa sinabi niya. Dammit what he is thinking? Argh mas lalo niyang ginugulo ang isipan ko.

“Oh no this is bad. Pag yung pangalawang tanong ginawa mo Win nako itatakwil talaga kita. Nanahimik yung tao tas guguluhin mo lang. Don’t love him dahil siya lang si Sarawat, love him because you truly do.” Sermon niya sakin nung di ako sumagot sa tanong niya.

Naguilty ako sa sinabi ni Khaotung, actually wala pa naman akong nararamdaman kay Bright romantically pero bakit yan ang naisip ko na dapat mahalin ko siya? Bakit parang gusto kong ipagpatuloy ang storya ni Sarawat and Tine dito sa present life, for who’s sake for Tine or Win?

Napatakip nalang ako sa mukha ko at ipinikit ang mata ko. Kailangan ko munang ipahinga tong sarili ko dahil mukhang sasabog na ang ulo ko sa dami ng inisip. Bumuntong hininga nalang ako.

“Think more deeply to it Win, kahit kaibigan kita ayaw kung may masaktan kang iba.” Seryosong saad ni Khaotung at lumabas na.

Oh god this is so confusing!

Duyog (BW)Where stories live. Discover now