WIN’S POV
Andito ako ngayon sa office ni Manager Eed at nagpiprma ako ng mga books ko para sa mga taong nag-order overseas with pirma ko na. Hindi ko akalain na aabot sa ibang bansa ang novel ko. Mga ilang oras din ang nagamit ko at sa wakas ay natapos na rin ako.
Napasandal nalang ako sa upuan ko at hinimas himas ang kamay dahil sa dami ng libro na pinirmahan ko. Makalipas ang ilang Segundo ay pumasok si Manager Eed ng may malaking ngiti sa labi. Ngumiti din ako pabalik.
Umupo siya sa tabi ko at kinuha niya ang kamay ko at minasahi niya.
“Thank you, Manager Eed.” Sabi ko at ipinikit ang mga mata ko.
Payapa kong ipinikit ang mata ko ngunit bigla itong bumukas ng biglang may sinabi si Manager Eed.
“I’m happy for you.”
Napatingin agad ako sa kanya ng may pagtataka sa mukha.
“Masaya ako dahil nahanap mo siya. Ang matagal mon ang hinahanap ay kusa ng dumating sayo. Hindi ko akalain na magtatagpo ang iyong landas pero….”
Huminto muna ng kaunti si Manager Eed at huminga ng malalim bago nagpatuloy.
“… pero hindi ko lang alam kung mauulit ang mga nangyari noon, ngayon dito sa kasalukuyan."
Hindi ko alam kung anong mga pinagsasabi ni Manager Eed. Bigla siyang nagging weird at naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Magtatanong na sana ako ng biglang tumayo si Manager Eed at hinawakan ang ulo ko.
“Isa lang ang maipapayo ko sayo Win magkaiba ang fantasy sa reality kaya makinig lagi sa sinasabi ng puso at utak. Wag agad magpapadala sa unang bugso ng damdamin dahil ika nga nila hindi ito pag-ibig.”
Napapikit nalang ako ng halikan ni Manager Eed ang noo ko.
“Sana ay maging masaya kayong dalawa Win.” Sabi niya at ngumiti na hindi abot sa mata pagkatapos ay umalis.
Naiwan ako na naguguluhan.
Ano yung mga pinagsasabi ni Manager Eed?
Tungkol ba sa akin yun?
Alam niya kaya ang tungkol sa amin?

YOU ARE READING
Duyog (BW)
FanfictionWin is a novel writer while Bright is a book reader. One day Bright happens to read Win's one work entitled "2gether" and there he felt a strange feeling that all of the happenings in Win's novel, happened to him in his past life. (P.S. I didn't pla...