WIN’S POV
We are here now at the balcony. We are just silent while me awkwardly eating the snacks he gave me. Damn why he brings me snack? Naguilty tuloy ako dahil naabala ko siya ngayong hatinggabi. Eh hindi ko naman kasi sinabi sa kanya niya na dalhan ako eh.
Tahimik lang kaming nakaupo dito. Nasa tabi ko lang siya habang nakatingala at minamasdan ang mga tala. Ang awkward ng silence kaya nag umpisa akong conversation.
“Ahm Bright salamat ng apala sa cookies at fresh milk. Actually hindi mo naman kailangan dalhan ako eh.” Pagsisimula ko.
“Nah I insist talaga na bilhan ka tsaka napatawag talaga ako dahil hindi din ako makatulog eh.”
“Ha? Hindi makatulog bakit naman?” tanong ko sa kanya ngunit nginitian niya lang ako ginulo ang buhok ko.
“Sabihan nalang kita next time.” Saad niya.Ano ba meron nitong kay Bright at kailangan niya pa sabihin next time? Masyado bang private kaya di niya munang sabihin. Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy sa kinakain.
Habang kumakain ako ay biglang tumingin sa akin si Bright at nagsalita.
“Feel sleepy?”
I curve my lips at pinakiramdaman ang sarili ko. I don’t know pero hindi pa ako inaantok at ayaw ko munang antukin dahil nandito pa siya. Parang gusto ko muna siyang makasama.
I shrug my head and then he smile. May kinuha siya sa bulsa niya at isa tong earphones at ang cellphone. Isinaksak niya ito sa phone niya at ang isang earpiece ay inilagay niya sa tenga ko at ang isa ay inilagay niya sa kanya. Bagi niya ni-play ang music ay tinapik niya muna ang balikat niya, senyales pwede kong ihiga ang ulo ko sa balikat niya. Hindi na ako tumanggi pa kaya isinandal ko na ang ulo ko sa kanya at ni-start na niya ang music.
‘Di na maalala, pa’no nagsimula
Ikaw ang laging nasa isip ko bawat araw
Laging ikaw ang aking nakikita
Ano ba ang nadarama ko
T’wing ikaw ay kasama~Panimula ng kanta. Hinayaan lang naming na musika ang bumuo sa amin. Tumingin ako sa kanya at nagulat nalang ako na aktitig na pala siya sa akin. Pagtung-tung ng kanta sa chorus ay sinabayan niya ito.
Ganyan din ang nadarama ko
Tuwing ika’y lalapit sa akin
Ako’y parang natutulala
‘Di ko malaman ang sasabihin ko~Kinakanta niya yun habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam ngunit parang may paru-parung gumagalaw sa aking tiyan. Inilayo ko ang mukha ko sa balikat niya at hinarap siya.
“Ngayon naiintindihan ko na Bright.” Saad ko.
Nagtaka naman si Bright. Balak niya pa sanang magtanong ng ibalik ko nalang ang ulo ko sa balikat niya. Iniling nalang ni Bright ang ulo niya at ngumiti dahil sa inasta ko.
‘Naiintindihan ko na kung bakit gustong-gusto mo makuha ang pirma ko simula una.’

YOU ARE READING
Duyog (BW)
FanfictionWin is a novel writer while Bright is a book reader. One day Bright happens to read Win's one work entitled "2gether" and there he felt a strange feeling that all of the happenings in Win's novel, happened to him in his past life. (P.S. I didn't pla...