Part 6

128 10 1
                                    

WIN’S POV

“Yan kasi! Lumalabas ng walang paalam at di naka disguise kaya ano tuloy inabot mo? Andami mong mga kalmot at pasa dahil dinumog ka ng mga fans mo. Ewan ko sayo Metawin antigas kasi ng ulo mo eh.” Suway sa akin ni Manager Eed ngayon. Andito ako ngayon sa condo ko habang ginagamot ko ang mga pasa ko.

Ngumuso nalang ako sa sinabi ni Manager Eed.

“Pasensiya na gwapo lang eh.” Sagot ko ng pabulong pero mukha atang narinig yun ni Manager Eed.

“Ano?! At proud kapa niyan ah? Naku pambihira ka talaga, napakahangin mo talaga alam mo ba yun?” nakapameywang na sagot ni Manager Eed. Iniyuko ko nalang ulo ko habang nakanguso.

Napabuga nalang ng hininga si Manager Eed. “Ewan ko sayong bata ka hays na iistress ako sayo!”

“Sorry po gusto ko lang naman kasi bisitahin yung store at tignan kong marami bang may gusto sa story ko.”

“Oo nga naiintindihan ko nga yun ang akin lang naman sana sinabi mo sa sakin para masamahan kita, hindi yung tatakas ka at magkakaroon ng pasa.”

“Sorry po ulit hindi na mauulit.” Ngiti ko ng bahagya para hindi na siya magalit at madala ko siya sa charm ko.

Naku Metawin wag mokong madaan daan sa ganyan. Alam ko na yan. O siya di na kita papagalitan dahil hindi yan magagamot ang sugat mo.” Napatawa nalang ako sa sagot niya. “Basta maglagay ka nalang ng cream para hindi mag ka-scar dahil may book signing event kapa next week.”

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Manager Eed. B-book signing? Omg!

“Manager Eed totoo po ba yan?” Tanong ko sa kanya at tumango naman siya ng may malaking ngiti.

Sa sobrang tuwa ko ay tumalon ako sa kinauupuan ko at iniyakap ng malakas at niyakap ni Manager Eed. Hinalikan ko siya ng ilang beses sa pisnge at niyakap ng mas mahigpit.

“Thank you so much Manager Eed.”

“No Win you deserve it!”

Duyog (BW)Where stories live. Discover now