Part 16

98 8 0
                                    

WIN’S POV

It’s already 1:30 in the morning yet I’m still awake. Kahit anong gulong ko sa kama ay hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari sa amin kagabi ni Bright.

Khaotung said na pag siya talaga si Sarawat ay pakantahin siya at pakiramdaman ang bawat pagkanta niya ng mga lyrics.

Nung kantahan ako ni Bright hindi lang ako napahinto sa ganda ng kanyang boses at galing sa paggigitara kundi ang pinakiramdam ko din ang puso niya sa pagkanta.

Hindi niya lamang mahal ang musika ngunit para ding inaalay niya ang kanta na may puso. Naramdaman ko yun pero hindi ko mahiwatig ang nararamdaman ko ng malaman ko ang totoong nararamdaman na gustong ipahatid ni Bright.

Aaah ang gulo ayokong mag assume pero ang saya ko, ang saya ng puso ko.

Pagkatapos nung kantahan niya ako ay napagpasyahan na naming umuwi. Hinatid ko siya pero hindi sa bahay niya kundi sa bus station lang. May pupuntahan pa daw siyang iba sabi ko ihahatid ko na siya pero ayaw niya mag co-comute nalang daw siya. Ayaw ko ng makipagtalo kaya pumayag nalang ako. Hiningi niya number ko dahil magkaibigan na daw kami at kung gusto niya ng kausap ay tatawagan niya lang daw ako kaya binigay ko nalang.

At eto ngayon iniisip parin siya kaya hindi ako makatulog bwisit. Oo aaminin ko siya ang iniisip ko eh kasi naman eh baka siya talaga si Sarawat sa past life. Oo naniniwala na ako sa reincarnation at nainiwala na din akong kami si Sarawat and Tine sa past life.

Kung kailangan ko ng ebidensiya ay yun ang basahin ang novel na ginawa ko. Kasi simula ng makita ko siya natigil nadin ang mga panaginip ko tungkol kay Sarawat and Tine.

Tumayo ako at hinanap ang novel ko. Pinagkatitigan ko muna ang book cover at naalala ko yung nangyari sa amin kagabi. Ang gwapo niya habang tumutugtog sa gitara niya at kumakanta.

Napangiti nalang ako at napaupo sa sahig at sinimulan iyong basahin.

Halong halo emosyon ang nararamdaman ko habang binabasa ang novel. Dun sa unang pagtatagpo ng dalawa yung naapakan ang paa ni Sarawat, yung pagtawag ni Tine kay Sarawat na ‘Saraleo’, yung pag aya ni Tine na maging fake boyfriend si Sarawat habang at yung pagkanta ni Sarawat sa isa sa mga kanta na paboritong band ni Tine ang ‘Close’

Ang ganda talaga ng relationship ng dalawa. Ang healthy at walang toxic. Ang totoong definition ng love.

Pero teka bakit parang pamilyar?

Ipinikit ko ang mga mata ko at may pilit na inaalala
‘Ang unang pagtatagpo namin ni Bright na nabangga ko siya dun sa library, yung panggugulo niya sa book signing ko, yung eager niya sa pagkuha ng pirma ko at yung kinantahan niya ako habang nasa paborito kong lugar kaming dalawa’

Napamulat ako pagkatapos kong maalala ang mga yun.

Shit this is not coincidence right?

Duyog (BW)Where stories live. Discover now