Pangalawa

61 2 0
                                    

Nagising ako sa isang notif mula sa website ng school kung saan pwede mag-chat anonymously. "Hi crush" na may chocolate na emoji. Isa lang naalala ko sa chocolate..

Flashback
Hay naku, delikado na toh. Napapangiti na ako ah.

Apollo
Eto eto! Seryoso, I actually don't like keyboards

Naguluhan ako dahil gamer siya at ang alam ko madalas na ginagamit ay computer.

Me
Siraulo ka ba? Paano ka naglalaro nyan? May gloves?

Apollo
Hay naku! Di pa sumakay sa banat. Sasabihin ko sana but you're my type

Napasapo ako sa noo pero di ko mapigilang ngumiti. Ito si Apollo, he's a classmate of mine na crush ako. Naging fling pero di nagtagal kasi immature pa kami noon. Siya palagi sumusulpot kapag may tweet or post akong malungkot.

Ano ba 'tong iniisip ko? Pass na sa mga past na lalaki. Past is pass. Chos.

Apollo was a nice guy. He treated me like a princess... sa una. What I mean by 'sa una' is kapag binabalik ko na yung same feeling and energy, nagiging cold siya. I didn't like that.

We were grade 6 when I called him kit and he called me kat kasi yun yung dahilan kung bakit naalala ko siya sa chocolate.

Palagi niya kasi inaagaw recess ko noon, then one time nung binalik niya. Umamin siya.

It was very corny pero nakakapanibago lang kasi kapag may ganun, normally dahil may gusto kay Maple at gusto magpalakad. Also, di ako sanay kasi mas sanay ako na ako yung unang nagkakaroon ng interest.

End of flashback

I replied to the chat.
"Hi crush"
- "ay hello! I have a feeling na kilala kita pero I don't want to assume"

Mabilis lang ang araw, I went to school. Did my tasks every lunchbreak para after class, gala nalang kami nila Maple, Dwayne, Keane and Rafa.

Habang naglalakad sa hallway, waiting for our school event to finish, inakbayan ako ni Keane habang nakangiti.

"Libre kita mamaya!" Sabi niya while smiling na parang nakapanalo ng lotto. Inirapan ko siya't tumawa, "Loko! I don't accept money from dirty works".

Kinurot niya pisnge ko at sinabi "Bonak! Di naman ako ganun. Ikaw na nga ililibre eh."

Huminto siya kaya tumingin ako sa likod at nagkunwari pa siyang nagtatampo at aalis.

Tumalon ako para maakbayan siya't i-choke parang wrestling.

"Arte mo! Toyo ka, sis?" Binitawan ko na siya at sinabi niya, "basta mamaya ah, wait mo ako."

Dahil libre at mabuti akong kaibigan, dumiretso ako kila Maple at Rafa para sabihing manlilibre si Keane at hintayin namin siya sa labas ng gate. Natuwa naman ang mga sira at hinampas pa ako.

Loko 'tong mga toh. Sila na nga inaya eh.

Naghintay kami pero ang tagal ni Keane kaya tinext ko nalang siya na didiretso na kami sa cafe.

Keane Clemente
Anong 'kami'?

Nagtaka ako at hindi ko nalang siya nireplyan. Nang maaninag namin si Keane kasama mga tropa niya na kaklase niya, sinulyapan niya kami at dumiretso nang paglakad.

Parang hangin lang ako sa kanya. Para tuloy akong baliw na kumakaway hindi naman ako pinansin. Tinawanan pa ako ng mga kasama niya. Nagmukha akong babae na patay na patay sakanya.

"Hoy! Nag-away ba kayo?" tanong ni Rafa. "Ewan ko dun. Sabi niya ililibre niya tayo pero baka masyado na silang madami kaya iniwan nalang tayo dito", sagot ko pero sa loob loob ko ay medyo napahiya ako kasi sabi ko sa kanila na ililibre kami ni Keane.

Clumsy with a hint of RupokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon