Prologue

237 4 0
                                    

"Hoy! Uuwi na ako. Gusto ko may handa ah. May buffet tapos-" pinutol ko si kuya at sinabing "Ang daming request! Batukan pa kita pag-uwi mo dito eh". Nag-send lang siya ng like, simbolo na medj nagtampo. Iniba niya ang usapan, "Ace, may pakiusap pala ako". Kinabahan ako kasi kanina ang saya at ganda ng mood pero tilang sumeryoso. "Minsan lang ako bumisita at parehas ko kayong tropa ni Keane so..".

I didn't like hearing his name but I need to put aside my feelings kasi minsan lang umuwi ng Pilipinas 'tong si kuya and yes, magtropa lang kami ni Kuya or most of people call him Jayden . "Kuya, I already moved on. Go lang.". Plano kasi niya na mag-roadtrip pag-uwi niya with friends.

The awaited day arrived, I packed my things and nagpaalam kila mama na aalis na ako papunta sa bahay nila kuya dito kasi dun kami lahat magkikita-kita bago dumiretso sa EK. Nang makita ko si Maple, niyakap ko siya. She just broke up with her ka-MU, I supported her kasi di na siya pinahalagahan nung siraulong yun. She didn't cry but I wanted to hug her because I know exactly how it feels to let go of someone you expected to change for you.

A silver toyota vios came which means sila Keane yun. He was wearing a casual attire, t-shirt na blue, shorts na black and white shoes. Simple pero malakas dating. "Bro, sa wakas wala kang dalang babae!" Sabi ni kuya jayden kay Keane smirked and suddenly glanced at me.

Wow ha. Proud pa ata siya na palagi nag-eexpect na may dala siyang babae. Umirap nalang ako pero patago. Lumakas boses ni kuya at sinabi "siguro wala kang kasama kasi andito na yung girl mo noh?!". Nagpasimple akong tumingin sa phone na parang may kachat at tumawa na kunwaring kinilig.

Lumapit silang dalawa at kinotongan ako ni kuya. "Naloko ka nga noh porket nawala ako". Napansin kong nakabaliktad phone ko at nakita nila kasi nasa ibaba yung apple na logo at yung camera. Etong si Maple, tumawa din nang malakas pati si kuya. Kami lang ni Keane ang tahimik.

Mabilis lang ang byahe para sa akin kasi natulog ako. Automatic kapag may byahe, tulog agad ako. Pagbaba namin may tumili at tumakbo papunta kay Keane na babae. Lahat ng kasama ay tumingin muna sakanila bago sa'kin. I reacted as if parang pinagbintangan ako ng krimen. "Why naman kayo nakatingin sakin?".

I understand their reaction. Di na namin binalita sa iba na wala na kami since wala kaming naging label.

Nang bumitaw na sa yakap ang babae, nakita ko kung sino siya..

"Keisha?"

Grabe naman pala ang kapal ng mukha. Abangers are abangers talaga.

I totally forgot na dito nakatira si Keisha malapit sa EK. She studied in our school pero bumalik din dito kasi paiba iba ng places yung salesman niyang tatay.

We rode some rides like vikings, yung tower na bigla ka nalang mahuhulog, flying fiesta at iba pa. Katatapos lang namin sakyan yung Rio Grande ba yun kaya basang basa suot namin kaya nagpalit ako, I wore a dress na hanggang tuhod. Since nagustuhan nila yung tower, sinakyan namin yun as our last ride bago umuwi. Nag-alinlangan ako kasi nakapalda ako pero okay lang din siguro since naka-cycling ako.

Lumakas tama ni kuya at nagawan ng paraan para magtabi kami ni Keane. He coldy said "Ok lang?" At tumango nalang ako. Sa unang part ng ride 'di pa ganun kataas. Palagi nababaling atensyon ni Keane sa skirt ko kaya sinabi niya "Why would you wear a dress in place that has rides like this?". Sasagot na sana ako pero nagulat nang bumaba ang ride kaya napatili ako. Ang sama na ng tingin niya sakin at sinabi "ipit mo sa legs mo yung skirt mo para di ka masilipan".

Oo nga naman bakit hindi ko yun naisip. Ginawa ko yun at pagka-exit namin sa ride may mga lalaking nagsalita "Miss, thank you ha! May libreng show pala dito. Sana all sexy" nagtawanan sila ng kaibigan niya. It was my fault, I wore a dress kahit ganito yung rides.

Kung lumaban pa ako, lalo pa akong mapapahiya. Pinigilan ko na din si Maple nang tinignan niyang masama yung lalaki. Hinila ko siya palayo.

Naghintay kami sa parking lot para kay Keisha at Keane. Ayoko nalang mag-isip ng masama kahit sila kuya ay sinasabing magiging ninong na siya kaya wag muna namin i-contact ang dalawa. I know Keisha and she won't do that lalo na at 1st year college palang kami.

Sa gate ng EK, nakita ko yung dalawang lalaki kanina na nambastos. Lumapit sila kaya inalis ko tingin ko. Bakit palapit sila sa'kin? Di pa ba sapat pambabastos nila kanina?

"Sorry po kanina, ate. Di na namin uulitin" sabi nung isa. Tumango yung isa at hinila kaibigan niya para lumuhod. Nanlaki mata ko at pinatayo sila "wag na, wag niyo nalang ulitin".

Nang dumating na si Keisha ay sumunod naman si Keane at binuksan na ang sasakyan. Nagtaka at nag-alala ako nang makita kamay ni Keane na mapula.

Sa kasanayan, hahawakan ko na sana yun pero nang mapagtanto ko gagawin ko nagkunwari nalang ako na hinihila din ang pintuan ng van.

Bakit ba kung kailan nakaka-move on na ako, tsaka nagkakaroon ng dahilan para subukan ko ulit?

Clumsy with a hint of RupokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon