The next day, walang pasok so my parents decided to eat dinner with our friends. Ang tagal na nang magkakasama kami nila Maple, Rafa and.. Keane. Dun lang kami kila Rafa kakain and uuwi din agad.
Casual lang sinuot ko kasi kami-kami lang naman. We were eating when Tita Norma suddenly asked..
"Keane, what happened pala between you and Aceia? I thought you were courting her?"
Napalunok ako't nagkatinginan kami ni Keane, who was sitting in front of me. We didn't know what to answer kasi sila dad din ay naghihintay ng sagot.
"Tita, naging busy lang po kasi sa acads and sports pero I'm still courting her.. diba?", aba maparaan.
Ano isasagot ko? Kapag um-oo ako, need namin magkunwaring close nanaman. Ayoko din namang mawala samahan ng parents namin.
"Yes po, tita", sagot ko. Pinagsisihan ko agad ang naging sagot ko kasi pagkatingin ko kay Keane, nakangisi na siya.
"Good! Nagtagal pala noh? Akala ko sasagutin mo agad", Tita Joanna said. Kay Keane? Nagtagal? There's no way may magtatagal dyan.
"Then, let's make time para makapag-bonding tayong lahat. Sunday naman bukas. Let's go to the beach", sabi ni mama. Umay, please wag naman.
"Okay. I know a good resort", sagot ni Tito Henry, Keane's dad.
I remember praying na sana umulan bukas before going to sleep. Pagkagising ko, tirik ang araw. Amp, ano ba naging kasalanan ko?
It was 6am when we left the house. Sa Batangas kami nagpunta. Medyo nauna na sila sa beach dahil tulog pa ako nun. Ayokong umitim so nag-rash guard ako. Maple and Rafa also wore a rash-guard.
Ang ganda ng dagat. Super excited na akong mag-swimming. Nauna na sila Maple and Rafa at naghampasan na nga sila ng tubig. Sasama na sana ako nang may humila sa kamay ko.
"Mag-sunblock ka daw sabi ni tita" inalok ni Keane sa'kin ang sunblock na binigay sakanya ni mama.
Naglagay ako sa katawan ko pati sa mukha, inabot ko kay Keane ang sunblock at bigla siyang tumawa. Nakita kong pinicturan niya ako habang nakapikit dahil nilalagyan ko ang mukha ko ng sunblock.
"Luh, epal ka?", masungit kong sabi sakanya habang kinukuha ang phone niya.
"Oh hindi na....Wait.", Keane said before putting down his phone and held my face para ayusin yung sunblock.
Sinamaan ko siya ng tingin kaya sabi niya, "Shh, nanunuod sila tito't tita".
I stared at him habang inaayos yung sunblock. Pumogi siya lalo, oo, sige, bigay ko na yun, mas naging fit din yung arms niya tapos hindi nalang siya payat kasi nagkaka-muscles na pero walang magagawa kapogian niya kung ganun naman ugali niya.
He saw me staring at him kaya nginitian niya ako. Paano niya nakakaya yun? He looked and smiled at me as if hindi niya ako kayang iwan but he already did. Before letting go of my face, he squeezed it at mabilis na tumakbo papunta sa beach.
Nawala lahat ng galit ko. It felt like bumalik kami sa dati. Masaya lang kami na naglalaro pero wala nga lang si Dwayne. Legal sila ni Maple kaya naisip din ng family nila na baka maging awkward.
Nagpunas kami using our towels before eating brunch. Hindi nakahalata ang parents na may mali sa'min ni Keane because we chose to pretend na nanliligaw pa din siya and it looks like tinotoo ni Keane. Maybe he thinks na binibigyan ko na din siya ulit ng chance.
After eating, I looked at my facebook and stalked Keane. I did still care for him but I check his profile to see if affected pa rin siya or nagsisi siya. Wala naman akong nakita, puro memes and tagged photos na galing sa mga laro nila.
I saw na may myday siya so tinignan ko na din. First was the beautiful scenery of the beach, he captioned 'beautiful'.
Then, I was shocked when I saw a picture of me na may magulong sunblock na naka-apply sa mukha.
'like you'
Uminom ako ng tubig to hide my smile. I continued scrolling nang biglang binagsak ni Maple ang shake niya, I figured na nakita din niya.
Siniko niya ako at sinabi, "edi ikaw na maganda".
Huminga ako nang malalim. Porket minyday nagbago na? Syempre wag muna bibigay. Hindi na ako marupok. I already learned my lesson. Matibay na ako.
"Di man lang hineart react", sabi ni Keane na nasa tabi ni Rafa sa tapat namin ni Maple.
"Edi i-hheart. Maliit na bagay." I tried my best to make it look like wala lang sa'kin mga efforts niya at hindi na ako affected.
Parents naman ang naligo sa beach habang kami naman ang naiwan sa parang bahay kubo namin na maliit.
"Keane, sabay lang naman tayo pumasok sa UST pero bakit ang dami mong kakilala agad?", tanong ni Maple kay Keane.
"Ah, some of them kilala ko na before pa mag-college.", sagot ni Keane.
"Oh... si Ate Dev din? Close kayo?" tanong ni Maple.
"As in Devyn Bacani? Yung dyosa ng UST?", tanong ni Rafa.
"Yan! CEU pa." pang-aasar ko. Humiwalay kasi siya. Hindi tuloy nakita si Ate Dev.
Tahimik lang si Keane at hindi na sinagot ang tanong.
Umahon na ang parents namin at inaya kaming umuwi na pero pinilit namin na mag-swimming muna saglit bago umuwi, pumayag naman sila. Nagpaunahan na sila Maple, Keane at Rafa sa dagat pero nahuli ako dahil may narinig akong pinag-uusapan nila Tita Joanne.
"Ang sigla pa din ni Keane. Are you sure may sakit yan?", tanong ni Tito Will, Rafa's dad.
Nagtago ako para hindi nila ako makita. Si Keane? May sakit? Imposible naman. Ang galing naman niya um-acting kung ganun. Baka nga siya pa sumisipsip sa lamok eh.
"I think we should tell the kids" sabi ni mama. Kumunot ang aking noo. Malala ba yun? Bakit ang seryoso nila?
"Ayaw ni Keane. He doesn't want people to pity him", Tita Joanne said.
"Eh si Aceia? It will be painful to her kapag late na niyang nalaman" sabi ni Tita Norma.
"It's Keane's request. Ayaw niyang may makaalam sa sakit niya sa puso".
Once I heard yung sakit sa puso ni Keane, parang may sumaksak sa puso ko. I don't know if I should maintain my pride na hindi maging marupok at maging cold sakanya or to give him a chance because.. he's ill.
"L-lumala?", tanong ni mama na medyo nangingiyak na.
"Yes.. we don't know kung bakit pero ayaw magpa-heart surgery ni Keane", sabi ni Tita Joanne habang umiiyak.
Okay, Keane... Like what you always say. There's still time.
BINABASA MO ANG
Clumsy with a hint of Rupok
Novela JuvenilKung ikaw ang papapiliin, maging bonak sa pag-ibig o maging masaya? To confess or to remain friends? Kung friends lang, paano kapag nagpakita ng motibo? But then again, sumugal ako knowing that he would hurt me.