"Psst" di ko pinansin nasa likod ko kaya umulit ito at may kasabay na kalabit "Psst! Patingin ako nung sayo, kuhanan ko lang ng idea". Tinignan ko siya at hinampas ng sketch book, "Bonak! Kuhanan ng idea sus. Luma na yan!" Umirap si Maple at nagpaalam na pumunta sa restroom para kapag palabas siya ay madadaanan at makikita niya gawa ng iba naming kaklase.
"Kailan ba ako nakipag-kaibigan sa may saltik?" Bulong ko sa sarili ko at natawa nang kaunti.
Nag-ring na ang bell kaya ibig sabihin ay lunch break na namin. Bago lumabas ng classroom ay tinawag ako ng teacher namin, "Aceia, nakikita ko na palagi magkasama family niyo ni Keane ah".
Napakalandot at chismoso talaga ni Prof. Ramos. Tumawa ako at sinabi "Prof, close friends po kasi family namin hehe". Hinampas ako sa braso at nakangising sinabi, "Naku! Dyan nagsisimula yun pero mag-iingat ka at babaero yun pero malay mo mapabago mo siya"
Prof, kaka-wattpad mo yan. :)
Ngumiti nalang ako at nag-bow na ibig sabihin ay aalis na ako.
As always, dito sa tapat ng classroom nakatambay si Keane kasama si Dwayne. Hindi ko sila pinansin kasi si Maple lang naman pinunta ni Dwayne dito.
Dati kapag nakatambay sila Keane sa tapat ng classroom, nakakalimutan kong kumain kasi kadalasan ay puro asaran ang nagaganap pero ngayon, hindi na gaano kasi ayoko nang mahulog. Crush ko si Keane for 3 years since nag-transfer ako dito sa St. Theresa.
Pa-order na ako nang naalala ko na ililibre pala ako ng lunch ng ka-batch nila Keane at wala akong dalang pera dahil sabi ni Maine, siya na daw bahala sa lunch ko. 20 mins nalang tapos na ang lunch break kaya umakyat na ako at naabutang magkakasama sila Maple, Keane at Dwayne.
Tumingin sa akin si Keane at sinabi "Sabi ko sayo eh, scam yun si Maine!". Humihilab na tiyan ko kaya naglabas ako ng bente, "Keane, bilhan mo nga ako ng tubig sa canteen". Hindi ako nakapagbaon ng malaking pera kasi akala ko libre ang lunch ko.
Nainis ako kasi di na bumalik si Keane. Ano ba yan?! Nagtiwala nanaman ako dun. Bente nalang ninakaw pa. Alam na nga niyang walang laman tiyan ko at hindi ako kumakain ng kanin sa umaga para hindi ma-late sa klase. Napaka-walang kwentang tropa.
Papasok na ako ng classroom nang may humila sa braso ko.
"Papasok ka nang walang laman ang tiyan?", nagulat ako kasi akala ko ninakaw na niya bente ko at mga kaklase niya ay pumasok na sa classroom. "Huh?" Yun lang nasabi ko dahil sa gulat.
"Ano toh? Siomai rice?", sabi ko. "Arte mo, buti nga bumili pa eh". Nagulat ako kasi 75 pesos iyon pero bente lang binigay ko.
"Keane naman, magkaklase na, sayo nalang toh". Nadismaya ang kanyang mukha at kinuha ang siomai rice. Pinanuod ko siyang bumalik sa klase at itinapon ang siomai rice.
Bakit niya itatapon yun? At bakit ganun itsura niya? Ano ba, Keane. Ayoko na umasa.
Ang alam ko'y ayaw na niya sakin. Naging mag-fling kami, we took the risk kahit masisira friendship namin kung pangit ang outcome. He was mad nung nagselos ako. Ibang galit talaga. I avoided him for 1 year at naging ayos lahat this year nang mapagdesisyonan naming magbati for the sake of our circle of friends.
"Hey.." hinawakan ko sa braso niya at tumingin siya saking walang reaksiyon. Nagsisisi na agad ako na kausapin siya about sa reaksyon niya kanina pero I'm doing this kasi normal naman sa magtropa... diba?
"What? May papadaan ka bang message para kay Maine?" Sabi niya nang seryoso.
I answered and said "Um.. I'm sorry kung hindi ko tinanggap yung Siomai Rice. Hindi sa ayaw ko kasi galing sayo, di lang ako sanay na pinaggastusan ako".
He tilted his head at sinabi "So hindi panggastos yung panlilibre ko sayo noon?". I felt uncomfortable nang tignan niya ako nang matagal buti nalang dumating na si Maple.
Keane was pertaining to the days na pinupuntahan niya ako every night na may dalang ice cream at jabee. I mean, jollibee.
We would talk about his exes at kung paano niya lokohin mga yun. Tuwang tuwa siya kasi one time, nahuli siya ng ex niyang may kachat siyang apat na babae but that didn't stop my feelings for him.
I don't know pero I had hope na mababago ko siya and that he also wanted that since ang bilis niyang magselos pagdating sakin.
I went home and saw a text message from Maine. Ayoko tignan yun, sayang oras.
Suddenly, Keane chatted at hindi ko namalayan kamay ko. Sanay siguro na kapag si Keane ang nag-chat, auto-seen at reply.
Keane Clemente
Maine says sorry kung siomai rice lang na-afford niya kaninaNapahiya ako dun ah. Akala ko si Keane ang nagbigay nun. Sandali... ASAN BENTE KO?! Sige na nga kawawa naman, palagi gumagastos para sa babae, papaasahin din naman niya sa huli. Oh diba, sinong abno?
Nagsuot ako ng maong shorts at white t-shirt. Simple lang kasi kila Keane lang kami pupunta. Palagi kami pumupunta kila Keane since mag-partner mother namin sa isang business. A little simple cafe.
Yung business nila is a tambayan kasi napansin nila na madaming estudyante dumadaan sa maliit na place na mama ni Keane ang may-ari kaya naisipan nilang magtayo ng cafe. Kami lang din namang magtotropa umuubos nung Aice ice cream. Paborito ko yung watermelon hihi.
"Hoy! Libre mo ako", binatukan ko si Keane. "Ah! Ampalaka naman, ano nanaman ba?!" Parang galit siya kaya lumabas nalang ako para salubungin si Maple at Rafa. Palagi sila pumupunta dito kasi alam nilang nandito lang ako palagi at kadalasan kinakantyawan ako na manlibre ng burger with wings.
"Ano? Papalibre nanaman kayo?" Sabi ko habang um-entrance palabas na parang Ms. Universe. Hinila ni Maple buhok ko at sinabing "Feeling mo naman!... pero oo hehe" inirapan ko siya at niyakap nilang dalawa ang braso ko at sinabi ni Rafa "Bilis na! Ako na gagawa ng choreo natin para sa susunod na sayaw!".
I looked at them and smirked. We're the seniors of the Dance Club and parang cheerleaders na din. We always dance kapag may event sa school at kapag may practice hinihintay kami ni Keane at Dwayne na may dalang shake kasi pagod kami after every practice.
Kami ni Keane ang nagsilbing waiter at waitress ng cafe kasi gusto din ni Keane magpabida sa mga babaeng dumadating tutal karamihan ay estudyante at ka-age lang namin. Nakisabay nalang ako sa trip niya.
"Hey, what happened pala sainyo ni Sophia?", I asked him about his ex na pinalit niya sakin. We were alone and sitted outside the cafe kasi nasa loob parents namin, nag-iinuman. He looked at me, confused and said, "Walang thrill".
Syempre, nasaktan ako. He left me parang lang sa wala. I loved him. Past tense ha. Hindi naging sapat sakanya yun, di ko alam kung bakit.
It was awkward. Dapat pala di ko tinanong yun. To break the silence, binanggit ko "Gusto mo reto kita? Madami akong nagiging friend sa ibang schools at marami akong kilalang challenging na babae sa school.". Naiirita siyang tumingin sakin.
"Sungit siya na nga reretuhan eh". He rolled his eyes and said, "Sige, sino ba mga manok mo?". I smiled and said "Si Kat" yung achiever namin na maganda at mabait na palagi nagpapapansin sakanya. Nangiwi siya at sinabi "Yuck! May iba pa ba?"
Hinampas ko siya kasi mabait talaga si Kat. Humble kahit mayaman at lahat expected na siya champion sa bawat competition.
Nag-isip pa ako at sinabi "Ahhh! Eto type mo, medyo bad girl pero mabait. Si Hannah!". Tumingin ako sa reaksyon niya at nagkunwari siyang nasusuka na parang sira.
Umirap ako at narinig namin sa loob na sigaw ni Tita Joanna "Eh si Aceia?".
Nagulat ako kasi hindi ko alam na nakikinig pala sila. Ang tahimik namin nang ilang minuto. Di ko alam kung aasa ako kasi hindi siya humindi.
Namula ang aking pisngi pero nagkunwari akong tumitingin sa kalsada at sa mga dumadaan para hindi makita ni Keane. Umubo ako dahil ramdam ko pa ding nakatingin siya.
Kung kailan talaga bumabalik na friendship namin, tsaka nasisira dahil sa feelings ko..

BINABASA MO ANG
Clumsy with a hint of Rupok
Novela JuvenilKung ikaw ang papapiliin, maging bonak sa pag-ibig o maging masaya? To confess or to remain friends? Kung friends lang, paano kapag nagpakita ng motibo? But then again, sumugal ako knowing that he would hurt me.