Labing-dalawa

19 2 0
                                    

Kinabukasan habang nag-llunch inisip ko kung paano makikiusap kay Ate Dev kung pwedeng bigyan niya ako ng update every check-up ni Keane at kung pwedeng huwag ipaalam kay Keane na alam ko. Hindi ko na inintindi ang pagseselos ko.

Ako naman yung nililigawan eh. Bleh.

Katabi ko ngayon si Maple. Hindi ko naman matanong kay Maple kung ano pwede sabihin kay Ate Dev kasi hindi niya alam na may sakit sa puso ni Keane.

"Lalim ng iniisip ah", pansin ni Maple. "Ah.. ano kasi.. mamaya tatanungin ko kay Ate Dev kung pwede ano.. pa-pic?", wala ako maisip, sana maniwala si Maple.

"Corny mo, bilisan mo na dyan", sagot ni Maple. Mukhang hindi energetic si Maple ah. Di ako sanay. Mas bet kong maramdaman hampas niya kaysa makita siyang walang gana.

"Okay ka lang?", tanong ko sakanya kasi kanina pa siya walang gana. "Si Dwayne.. nakikipagbalikan" what?! thickface talagang slapsoil.

"Huh? Ano sabi?" Di ako makapaniwalang nakipagbalikan pa yung manlolokong yun. "Sorry tapos nagbago na daw siya", sagot ni Maple sa tanong ko.

"Feeling ko totoo naman.. kasi kung si Keane nga mukhang nagbago na eh", Maple said. Pa'no kapag saktan siya ulit? Oh, ilag, self.

Yeah, nagbago na si Keane pero di ko lang alam kay Dwayne..

"Si Keane may naging dahilan noon pero si Dwayne harap harapan ka niyang niloko", I explained to her. "Hayaan mo siyang magsisi. Siya yung nagloko and it was his choice and he might do it again. Andito naman ako tsaka madami pang mas better dyan na pahahalagahan ka", advice ko sakanya.

Maple finally smiled and hugged me, "thank you".

I saw Ate Dev so I patted Maple's back at pumunta muna kay Ate Dev. "Ate Dev! I have a favor to ask you."

"Hmm? What is it, Ace?", tanong niya. Nakita niyang tumingin ako sa mga kasama niya kaya pinauna niya muna ang mga ito at tsaka ako nagsalita.

"Ate.. actually hindi alam ni Keane na alam ko yung sakit niya sa puso sooooo can you please update me about his condition kapag magpapa-check up siya", I asked her. Sana pumayag siya.

"Sure, since you're his friend and I know the feeling of being worried", Ate Dev said and smiled.

"Thank you po so much, ate! You're so nice", I smiled widely.

"You're welcome. You're a very good friend noh? I hope you'll continue being friends with Keane. I'll go na kasi my friends are waiting for me. Bye!", pagpapaalam ni Ate Dev. Medj bitter ah pero buti talaga pumayag kasi kapag ibang tao yan baka nilaglag agad ako.

For our next class, pinatawag kami para sa cheering practice kasi may pupuntahan pa si Ate Dev mamayang hapon so pinaaga yung practice. Hindi naman importante yung dinidiscuss nun, natapos na namin ni Maple yung project dun, in-eexplain nalang sa iba.

Pagkadating namin, kami palang ni Maple ang nasa gym kaya naisipan naming maglibot muna, mag-cchat naman si Ate Dev kapag andun na sila.

"Ano na kaya ginagawa ni Rafa?", tanong ni Maple. "Nag-ddrawing?", walang kwenta kong sagot. Malay ko kung ano ginagawa, magkatabi lang naman kami. Parehas naming 'di kasama si Rafa.

"Sira! Porket fine arts drawing agad?", inirapan niya ako. "May mga pogi kaya dun?", ay ang lakas. May balak magpareto kay Rafa.

"Hoy! Cutting kayo ah", medyo kinabahan kami ni Maple pero pagharap namin si Keane lang pala.

"Baka ikaw ang cutting! Naglilibot lang kami kasi may practice kami, eh wala pa sila sa gym", sabi ko.

"Bonak wala na akong klase. Kita mong naka pang-training ako eh, tignan mo oh macho", Keane said while flexing his biceps. Sus.. edi wow.

Clumsy with a hint of RupokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon